Wise pov:Maraming araw na ang lumipas at susob kami sa practice. Nakakapagod pero lahat ay gagawin para makuha ang mpl trophy na inaasam asam namin. Kain, practice, kain, scrim, tulog...ganon lang ang ginagawa namin sa maghapon.
To be honest, nawawalan na kami ng time ni Vee para sa isa't isa. Nakakayanan na naming hindi magpansinan sa isang araw..well maguusap naman pero kapag in game lang. After kase ng practice namin ay bagsak na kami sa kama. Halos araw araw na rin kaming puyat para pagaralan ang makakalaban namin. Dalawang araw na lang bago magsimula ang championship. And yes, I'm proud to say na nakapasok kami sa playoffs at lalaban kami sa championship.
Napamangha ako sa kung ano ang kayang ipakita ng team namin.. Well deserved naman namin yun eh. Pinaghirapan namin ang every game na mapanalo. Kaso nga lang,, wala na kaming oras na magbonding or magdate ni Vee. Hindi ko na nga rin natatawagan yung mga magulang ko dahil sa sobrang pagod. Pero ipinapangako ko naman na after ng championship, babawi ako sa kanila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.This is the day.
Araw na ng championship. Lalaban kami versus EXE. Andito kaming lahat sa backstage at pinaguusapan kung ano ba ang dapat naming gawin mamaya.
Tapos nag magdiscuss si coach about sa strategy namin mamaya. Napansin ko naman si Vee na nasa isang sulok na busy. Lumapit naman ako sa kanya at timabihan
"Vee" -pagtawag ko
"Hmm?" -saad niya pero hindi nakatingin saakin busy lang sa pinpanood niya. Nirereview niya pala yung past games ng EXE.
"Stressed ka, hmm??" -wika ko. Bumuntong hininga naman siya at tinigil ang panonood tsaka tumingin saakin
"Oo eh, don't worry.. after naman nitong araw na toh makakapagpahinga na tayo" -vee.
"Hmm yeah, wag ka masyadong mastress ah? Mababawasan kung ganda mo eh" -sabi ko at tsaka tumawa. Napansin ko naman na hindi niya ako sinasabayan sa pagtawa at nakasimangot lang kaya naman ay napatigil ako.
"What's with that face hmm, bavee?" -tanong ko. Hindi kasi maipinta yung muka niya eh
"Direct to the point nga wais. Sinasabi mo bang pangit na ko? " -saad niya at umirap
"Uy wala akong sinasabi ah, ang ganda ganda mo kaya." -wika ko at humalik sa pisnge niya. Nakita ko naman na namula siya kaya napangiti naman ako. I really miss this times.
--
"VICTORY!!!!!" -tunog na narinig namin na galing sa aming cellphone. Napatayo naman kaming lahat at napasigaw.
"WAHHHHHH"
"CHAMPION HOOOO!!!!!"
"LEZZZ GOO!?!!!!"
Hindi ako makapaniwala na nanalo kami. Na andito kami ngayon. Napayakap naman ako ng mahigpit kay vee.
"Thank you Vee, thank you" -bulong ko sakanya habang nakayakap. Nagpasalamat ako sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya hindi namin maipapanalo yung game. Ang galing niya magbigay ng shot calls, at siya talaga ang nagpupuyat para mapagaralan namin yung strategies ng ibang team. Alam rin kasi niya na isa ito sa mga pangarap ko.
"Ano kaba wais. Kila coach ka mag thank you. Ako nga dapat mag thank you sa inyo eh, dahil pinagkatiwalaan niyo ako." -wika ni Vee.
--
Ang araw na ito ay isa sa hindi ko makakalimutan at pinaka memorable na araw rin sa buhay ko.
After ng interviews, kumain na muna kami sa labas para mag celebrate. Kakauwi lang namin dito sa bootcamp nang magaya si Eson.
"Tara guys, bar tayo" -pagaaya niya
"G, libre ba uncle Eson?" -tugon ni Edward.
"Oh sige ba, mag cecelebrate lang tayo..saglit lang naman yun" -eson
"Oh ano pang hinihintay natin? Tara na" -excited na sabi ni Oheb. Kapag libre talaga hays,
"Sama ka ba paps?" -tanong ni Hadji.
"Ah, oo. Wait lang ah puntahan ko si Vee" -sagot ko
"Sige wise, yayain mo na rin" -saad ni Dex
Umakyat naman na ako at kumatok sa kwarto ni Vee.
*/Knock**
*/Knock**
Nakadalawang katok na ako pero walang sumasagot kaya naisipan oo na pumasok na rin. Hindi rin naman kasi naka lock yung pinto eh.
Pagkapasok ko ay nakita ko si Vee na mahimbing na ang tulog. Lumapit aman ako sa kanya.
"Bavee, magbbar lang kami nila ucle Eson ah, uuwi din ako agad." -wika ko at hinalikan siya sa noo.
"I love you. " -wise
"Ganda mo naman bavee ko." -saad ko at inayos ko naman ang kumot niya at tsaka umalis.
"Tara na guys, tulog na si Vee eh" -saad ko tsaka lumapit sa kanila
"G!"
"Arat na"
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Long time no update! Haha
¯\_(ツ)_/¯
YOU ARE READING
•~ Enchanted ~•
RomanceIto ay kwento ng dalawang taong nagmamahalan. Marami silang hinarap at nalampasan na mga problema nang magkasama. Pero kahit gaano pa sila katatag, may hahadlang pa rin sa kanilang pagmamahalan. Sinusubukan ng tadhana ang tibay at tatag ng kanilang...