S I X T E E N

105 5 0
                                    

Vee pov:

Sabado ng umaga ngayon at nang nagising na ako, naisipan ko na magluto muna ng almusal para sa team. Ngayon na kase yung start ng scrim namin or practice para sa paparating na mpl s7. Bumaba na ako para magluto pero nakita ko na sila wise kasama yung tatlong bagets na kumakain na ng almusal.

"Oh gising ka na pala Vee, kain ka muna" -pagbati saakin ni wais. Lumapit naman ako sa kanila at umupo

"Good morning guyss" -bati ko

"Morning mamshoe" -sagot naman nang tatlong bagets

"Momshoe??" -nagtatakang tanong ko sa kanila sabay tawa

"Oo mamsh, ikaw yung 'mamshoe' tas si wise naman yung papshoe para happy family tayo dba." -nakangiting pagpapaliwanag ni Oheb.

"Sus, dami niyong alam.. oh siya kain na ulit para makapag-practice na tayo." -wika ko.









Tahimik lang kaming kumakain nang biglang magsalita si Wais.

"Oo nga pala Vee, nabanggit ni coach Bon na magkakaroon rin daw tayo ng fb page para doon mag live ganon. Yung para bang ginagawa talaga ng isang pro player." -saad ni wise. Tumango naman ako at ngumiti.

"Di ba mahirap yun paps? Wala pa kasing masyadong nakakakilala sa team natin since bago palang.. para bang wala pang susuporta satin" -tugon ni Hadji, napaisip naman ako.. oo nga nohh, hindi pa kami kilala sa larangan ng pagiging pro player. Magiging mahirap din saamin na magkaroon ng fans at taga-supporta.

"Ano ka ba ji, di mo ba nakita yung post ng Blacklist? Dami kayang nag react at nagbibigay ng suporta satin" -sagot naman ni Edward dito.

"Ay legit?!?!!?" -gulat naman na tanong ko. Totoo ba? May nagtitiwala na agad sa team? Siguro meron naman pero baka mas madami parin yung nagdududa sa kung anong pwedeng ipakita ng team na toh.

"Oo mamsh, pati nga sa fb page ng Mobile Legends eh, madaming nag welcome sa pag-debut ng team natin." -saad ni Oheb. Agad ko namang kinuha yung phone ko at chineck ko agad.Hala legit ngaaa. Ohmaygaddd

"Mabuti naman kung ganon.. oh sige na, ubusin na natin yun pagkain para makapagsimula na tayo" -tugon ko














Natapos na rin kaming kumain at nag set-up narin ng computer para ma-open namin yung fb page na ginawa ng Tier One para samin.

Nang matapos na naming iset up lahat, saktong dumating na si coach Bon.

"Okay na?" -coach Bon

"Yes coach, pwede nang mag live hahaha" -sagot naman ni Oheb

"Oo nga pala, bukas na kayo mag live stream ha.. ipractice muna natin yung connection at chemistry niyong lima. Ang gagamitin pala nating strategy is 'ube strat'. Vee, ikaw na bahala sa shot calls okay? I know naman na may experience ka na in terms of gaming,, pero hindi ibig sabihin ay susunod or aantayin niyo nalang yung mga shot calls Vee. Mag teamwork kayo, everyone is free to create a shot calls okay?" -mahabang wika ni coach, lahat naman kami ay nag agree sa sinabi niya.

Oo nga pala, kaya nasabi ni coach Bon na may experience ako in terms of gaming kase na kasali ako sa isang team nung highschool ako, yun yung "dream high e-sports". Nakasama ko don si Wais at iba ko pang mga kaibigan.

•~ Enchanted ~•Where stories live. Discover now