Writer's pov:
It's been a while, hindi pa rin nagkaka-ayos sina Vee at Wise.
Wise is staying at his parents' house since they're not okay.
Vee, on the other hand, is still at the bootcamp, practicing and studying each team for the upcoming mpl.
----
Vee pov:
I checked my phone when it vibrates. Umaasa ako na si wise yung nag chat sakin..
Si coach Bon lang pala.
Nagchat siya sa gc ng blacklist na may meeting daw mamaya. Pagu-usapan daw namin yung mga dapat gawin para mas ma-enhance pa yung kakayahan at galing namin as a team.
.
.
.Hours passed, pinatawag na kami ni coach Bon para sa meeting. Ako, si Hadji, Edward, Oheb, at si coach lang ang nandito.
Hindi pa rin ba sisipot yung lalaking yun? -sabi ko isipan ko
Someone opened the door, it was Wise.
Gusto ko siyang sampalin nang makita ko siyang nakangiti at naka porma pa ha. Akala mo wala kaming problema.
"Sorry coach, may pinuntahan kasi ako tsaka medyo traffic kaya late.." -saad niya at umupo na sa upuan niya, kaharap ko.
'Kapal ng muka, magpapakita ng late sa meeting dahil inuna pa yung lakad niya. Tsaka walang paa-paalam sakin ah, parang di ako nage-exist sa buhay niya. Ang galing.' -wika ko sa utak ko.
"Vee?" -banggit ni coach Bon sa pangalan ko kaya naman napatingin ako.
"P-po, ano yun?" -vee
"Tinatanong ko kung may iba ka pang suggestions para mas masecure natin yung lord once na nagkaka lord dance?" -tanong ni coach Bon
"A-ahh.. wala naman po.. I mean- magiisip ako coach." -saad ko.
Jusko nakakahiya, halos buong meeting pala ako nakatulala. Nakakairita kasi si Wise eh.
Nagising naman ang diwa ko nang may magring na phone. Nakita ko na kinuha ni Wais yung phoen niya.
"Excuse me coach, sasagutin ko lang." -paalam niya atsaka lumabas ng room para sagutin ang telepono.
Ganon ba ka-importante yun para sagutin niya sa kalagitnaan ng meeting?.. -wika ko sa sarili
Bigla namang pumasok si Wise at napatingin kaming lahat sa kanya. Our eyes met.
Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa iba.
"Uhh.. Coahch, sorry pero kailangan ko nang umalis." -saad niya at mabilis na kinuha yung bag niya.
"Sandali, Wise! Kailangan natin tapusin toh para-" -hindi na natapos ni coach yung sasabihin niya nang biglang magsalita si Wise
"Sorry talaga coach, kailangan ko talaga umalis. Subukan ko nalang na humabol mamaya." -wika niya at tuluyang umalis.
Nakaramdam naman ako ng sakit sa puso ko. Pakiramdam ko nag-iba na si wais. Yung dating wise, walang pinapalagpas na meetings, lalo na kung malapit na yung mpl.. Pero ngayon, nagawa niya umalis sa kalagitnaan ng meeting para lang sa lakad niya?.
YOU ARE READING
•~ Enchanted ~•
Lãng mạnIto ay kwento ng dalawang taong nagmamahalan. Marami silang hinarap at nalampasan na mga problema nang magkasama. Pero kahit gaano pa sila katatag, may hahadlang pa rin sa kanilang pagmamahalan. Sinusubukan ng tadhana ang tibay at tatag ng kanilang...