Kabanata 19
Hailey
In less than 4 hours pagkatapos naming mag plano ay nandito na kami sa boracay agad. We used Ryu's family private plane.
Iisang maleta lang ang dala namin na mag ina dahil 2 days and one night lang ang usapan naming lahat. Hindi din pwedeng mapagod masyado si Stephanie at may pasok din kami sa trabaho lalo na si Summer. May school pa sya.
Inihiga ni Ryu si Summer na tulog na tulog habang nag hihilik pa. Inayos ko ang kumot nya."Thanks Ryu. Sige na asikasuhin mo na si Rial." He tapped my shoulder bago lumabas.
Napangiti na lang ako habang nakasilip sa veranda. Kanina lang excited ang anak kong pumunta dito samantalang ngayon tulog na tulog at naghihilik pa.
Me:
We're in boracay. Naglambing ang bata sa papa Ryu nya.Kanina ko pa ka-text si Riley. He's asking kung nasaan ako. I asked him kung gusto nyang sumama but he declined. May mga tatapusin pa daw sya.
Love:
Take care."M-mom?"
Ipinasok ko sa bulsa ang phone ko at hinarap ang anak ko. Kinukusot nya ang mga mata nya.
"Honey, you fell asleep. Nasa boracay na tayo. Come on let's change our clothes."
I chuckles when her eyes widen. "Opo mom!"
We changed our clothes sa isang simple one piece swimsuit at cover. Terno ang suot naming dalawa.
"Parehas tayo ng damit mommy!" She giggles. "Mommy pose!"
I did what she said. Itinapat nya sa akin ang later model na phone nya at kinuhaan ako ng litrato. I remember kung papaano kami nagtalo ni Rial dahil sa pagbili nya ng cellphone sa anak ko and at the end ako din ang sumuko dahil lahat na sila nag kampihan.
"I'll post it in my instagram mom! What's your instagram account mom? I'll follow you."
Napanganga ako sa sinabi ng anak ko. "You have instagram?"
"Yes po mom. Don't worry po hindi ko po nakakalimutan ang palagi mo pong sinasay. Be careful and responsible on my every post po."
Ngumiti ako sa anak ko ang pinched her cheeks.
"Oh honey, don't grow up too fast." Niyakap ko sya at pinaghahalikan sa pisngi. She's giggling.
"I want to grow up po mommy. But i promise i will always be your baby. I love you mom."
"Mommy loves you so much. With all my heart." Sana lang wag dumating ang araw na kamuhian mo ako. Hindi ko kakayanin yun.
Magkahawak kami ng kamay at nag s-sway pa. She is humming habang naglalakad. Marami tuloy ang napapatingin sa amin at napapangiti. Hindi ko sila masisisi dahil napaka bibo naman talaga ng anak ko.Kahit sa malayo ay kitang kita ko na ang apat sa labas ng isang cafe. Lukot na lukot ang mukha ni Stephanie habang ang tatlo naman ay nag eenjoy sa paginom ng kape at pagkain.
Bumitaw si Summer sa akin at tumakbo papunta sa kanila. I was about to take another step ng may bumungo sa akin. Muntikan na akong sumubsob kung hindi lang ako nahapit sa bewang ng kung sinuman at baka ngayon ay nakikipag lips to lips na ako sa sahig.
"Gad!" Napapikit ako sa sobrang bigla."Miss are you okay?" Baritonong boses galing sa lalaking may hawak sa akin.
BINABASA MO ANG
Beautiful Life (complete)
General FictionHailey Summer Lance- a mother at the young age of 16, itinakwil nang magulang dahil isa lang raw syang kahihiyan. Naging batang ina, nakipagsapalaran para sa anak, hindi nagpatalo at lalong hindi sumuko sa buhay, lumaban at nagpakatatag para sa nagi...