Kabanata walo

39.1K 719 16
                                    

Kabanata 8

Hailey

"How long you guys been friends?" May bahid ng kuryusidad na tanong ni Sir Riley sa amin.

"Since forever. Honestly we really lost count how long we've all been friends." Si Steph ang sumagot.

Come to think of it, ang tagal na nga naming magkakaibigan. Hindi na rin namin alam kung ilang taon na nga ba.

"But i remember, si Francis ang iyakin sa ating lahat habang tumutulo ang sipon." Nag apiran kami ni Rial habang tumatawa ng malakas. Nag peace sign ako sa kanya ng samaan nya ako ng tingin.

"At ikaw naman yung mababaw ang pasensya sa ating lahat eh. Remember one time nuong na guidance tayong dalawaw Ryu?" Natapik ko ang noo ko. Mukhang magkakalabasan pa kami ng mga kalokohan.

"It's your fault pero kami ang itinuro mong salarin. She punched the kid straight to his nose Kuya Riley. Duguan ang lalaki at ang itinuro nyang may gawa ay kami ni Francis. Most of the boys in our school are afraid of her." Ryu said.

Nag init ang pisngi ko. Pakiramdam ko kasing pula ko na ang apple sa sobrang kahihiyan. Maski si Sir Riley ay natatawa sa amin. His eyes is full of amusement.

"Remember when she had a crush kay ano...*sabay snap* ahmm. Si Gray Hartman! He's ahead to us mga 2 years. High school kami nuon when she became Gray's stalker. Kahit saan ata magpunta si Gray ay nanduon sya. Walang mintis." Francis.

Oh god!

Natapik ko ang noo ko. Please God, remind me why are they my friends?

"I remember that! She's a stalker back then. *laughs* Halos 1 year din nyang sinundan si Gray at na stop lang ito ng mahulog sya sa hagdan and the thing is she fell right infront of the guy! She even fainted not because she was harmed but because of shame."  Nag apir pa silang lahat. Si Rial namumula na kakatawa.

I sighed. Normal lang naman siguro sa isang teenager na mag ka crush. Medyo nasobrahan nga lang sa akin dahil nag mukha nga akong stalker ni Gray. I can't help it. Gwapo naman kasi talaga si Gray at saka hindi lang ako nag kakacrush sa kanya kung hindi madami pa sa school namin. And it was all in the past now.

Imiiling na lang ako habang inaasikaso ang anak ko na nakikipag laban sa mga hipon at alimango. Its her favorite. Si sir Riley naman ay nakangiti sa amin habang nakikinig.

"That's enough guys. Matagal na yun. I even forgot how he looks like." Saway ko sa kanila. Dahil kung hindi mas hahaba pa ang usapan namin.

"I have a friend named Gray Hartman." Napatingin kami kay Sir Riley sa sinabi nya. I shook my head when i looked at my friends. Daig pa nila nakarinig ng may nagsabi ng libre. "If i am not mistaken the Gray you are all talking about has a model sister, right?"

"Yeah!" Sabay sabay na sagot ng apat. I rolled my eyes.

Mga tsismoso at tsismosa.

I stayed quiet. Wala rin naman mangyayari kung papatulan ko mga kalokohan nila. Mapikon talo. Ako naman ngayon ang naisipan nilang i-bully.

"Why are you mama Rial, mama Stephanie, papa Francis and Papa Ryu making fun of my mom? Inaaway nyo po ba sya?" I bit my inner cheeks para hindi matawa. Salubong na salubong ang kilay ng anak ko habang nakatingin sa kanila at nagtatanong.

Natahimik silang apat at nagkatinginan. Alam nilang may kakampi na ako. Tahimik si Summer at hindi basta basta nagsasalita pero observant syang bata.

Beautiful Life (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon