Kabanata bente uno

26.8K 580 8
                                    

Kabanata 21

Hailey

Apat na buwan ang mabilis na lumipas. Mag lilimang buwan na rin ang relasyon namin ni Riley and as time goes by he never failed to show me how much he loves me. In terms naman sa anak ko masasabi kong close na close rin sila.

I miss him. Its been two days since I last saw him. Nagkatampuhan kasi kaming dalawa na madalas nangyayari sa amin lately. He wants me to come with him sa palawan and i said no. Kahit na sya pa ang boss ko hindi naman ako kailangan sa palawan kaya hindi ako sumama. And even text message hindi nya ginagawa. Grabe talaga ang tampo.


"Francis, asan na yung blue print?!" Iritableng tanong ko sa kanya. Kanina lang kasi nasa table ko yun tapos ngayon hindi ko na makita.


"Aling plan? Yung sa H & S hotel? Nandito sa akin nirereview ko." Napairap na lang ako sa kawalan.


Hindi na mukhang office ang office ko. Papasa na sya as jungle sa sobrang gulo. Pinanindigan nya talaga ang pag lipat sa office ko. Pina-renovate nya ang office namin para hindi masikip but with all his things mukha kaming jungle pa rin. I hate makalat pa naman.


"Yeah, and please clean your mess kung hindi papalayasin kita rito!" binato ko pa sya ng crumpled paper.


Nagpout pa ang loko. "Opo Mommy." Tumayo na sya at binitawan ang ginagawa saka kumuha ng walis at dustpan. Naiiling na lang ako na bumalik sa trabaho at di na sya pinansin sa paglilinis nya.


Sanay na si Francis sa akin sa araw araw ba naman na ginagawa ng Dios eh palagi na lang madumi ang opisina namin. Kung minsan naman nakakatanggap sya ng pingot sa tenga mula kay Stephanie kapag nadalaw ito at naabutan na marumi ang opisina.


Steph is on her six month with her pregnancy at si Rial ay 3 months pregnant and got married two months ago. Naalala ko tuloy payo nila na hindi ko alam kung papano ko sila babatukan kahit pa buntis sila.


"Magpabuntis ka na rin at magpakasal para magkakaedad ang mga anak natin kapag lumabas." Rial giggles.


"Oo nga para may kapatid na si Summer stable naman na si Kuya Riley." Steph.

Nahilot ko ng wala sa panahon ang noo ko. Pakiramdam ko pumitik ng malakas ang ugat mula duon.


Parang mamimili lang kami ng gulay sa palengke kung makaisip sila na ma pabuntis ako at mag pakasal. Mas madalas talaga sila ang nagpapasakit ng ulo ko eh kesa sa trabaho.


"Frans, i need to visit the site. Hindi na rin ako babalik rito. Ingat sa pag uwi. See you later." I kissed his cheek.

Mas naging on hand ako sa hotel na tinatayo namin. Malapit na itong matapos at finishingg touches na lang. Hindi na ako kailangan duon dahil interior decorator na kailangan pero pumupunta pa rin ako para mag site visit.

A/N: Echos ko lang po ang five months sa paggawa ng hotel hehe. Normally ang hotel na matataas it take years bago matapos po baka kasi magtaka kayo.


Our company din is invited sa opening ng hotel. And because I am the lead engineer of this project obligado akong pumunta. It's not that i don't like, its more on umiiwas lang ako.

Nilingon ko pa si Francis bago ako tuluyang umalis. Sobrang busy nya ngayon lalo na at wala si Riley. Kanina pa sya nakasimangot at mas lalo pa syang nainis ng paglinis ko pa sya. Kasalanan nya naman masyado syang makalat.


The whole place is perfect. Anytime soon pwede na itong mag operate. Napangiti ako ng makita na maayos naman ang takbo ng mga trabaho. Sana through this I can make my father's proud.

Beautiful Life (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon