Kabanata dalawamput walo

30.4K 725 46
                                    

Kabanata 28

Hailey

"Are you ready for the eulogy?" Nilingon ko si Ryu at umiling. Nagbagsakan na naman ang mga luha ko.

Hindi ko pa kaya... hindi pa kayang tanggapin ng sistema ko na wala na sya.

"Come here. Let me hug you." Lumapit ako kay Ryu at yumakap. He kissed the top of my head. "Kung may pagagawa lang sana kami para mawala ang sakit na nararamdaman mo gagawin namin. We're here for you pamilya mo na rin kami and we love you Hail always remember that. Right guys?"

"Yes Hail. Hindi ka nag-iisa nandito kami para sayo." Basag ang boses ni Rial.

Mula ng mamatay si Daddy 3 days ago hindi na nila ako iniwan. Naawa na ako sa kanila lalo na at buntis pa naman sila. Napupuyat sila sa pag sama sa akin dito but on the other hand nagpapasalamat ako dahil hindi nila ako iniwan.

Ilang beses ko ng tinanong ang sarili ko kung bakit nangyayari ito sa akin. Bakit kailangan kong masaktan. Kakaayos pa lang namin ng daddy pero binawi na sya agad. Kulang ang ilang linggo para bawiin ang mga oras na nawala sa amin.

"Aerial and Stephanie, umuwi muna kayo at mag pahinga. Hindi ko kakayanin kung pati kayo at ang baby nyo ay mapapahamak. Please." I begged.

"Magpakatatag ka hinihintay ka pa ni Summer."

My daughter... This is all Lindsay's fault! Kung hindi lang dahil sa pagiging mukhang pera nya hindi sana mangyayari ito. Kung sana hindi sya nangielam baka siguro nandito pa si daddy.

Summer is in coma because of them at hindi ko alam kung kelan magigising ang anak ko. It's killing me seeing her in that state wala akong magawa man lang para sa anak ko. Kung sana pwedeng ako na lang ang nasa kalagayan nya.

"Hailey." Nag angat ako ng tingin.

"Tita...Tito..." Tumakbo ako sa kanila at yumakap.

"We're so sorry ngayon lang kami nakarating we flew back here as soon as we get the message. We're sorry ngayon lang kami dumating. Where is Summer?" Inilibot ni auntie ang paningin sa paligid.

Yumakap ako sa kanila at duon umiyak.

"Condolence hailey. Kung kelan pa naman kayo nagkabati ng daddy mo saka pa eto nangyari." Tito.

"S-si Summer she's... She's in coma..." Napahagulgol na naman ako.

"W-What?! God!" Nag simula na ding umiyak si auntie.

"How is this all happened?" Naguguluhang tanong ni uncle.

"Ma'am hindi po kayo pwedeng pumasok."

"No papasukin mo kami I need to talk to Hailey! Hailey!!"

"Who's that?" Takang tanong ni Tito.

Tumingin ako kay uncle. "Emerald. I'm done with all her shit. Excuse me Uncle, auntie." Walang nakapigil sa akin ng maglakad ako patungon sa mag-ina na may dahilan kung bakit nakaratay ngayon ang anak ko sa higaan at kung bakit wala ng buhay ang tatay ko.

Nanginginig ako sa galit sa kanila ngayon. They are the reason why is this all happening to me. Kung sana hindi na nakisawsaw si Lindsay sa gulo at sinabi ang totoo baka hindi ito nangyari ngayon. Masyado silang gahaman sa pera. Kung tutuusin may sarili rin akong yaman at hindi ko kailangang makipag agawan sa kanila.

"Why are you here? What do you want?" I asked in a cold tone.

"We want to see Dad! may karapatan din kami!" I smirk to Lindsay.

Mahigpit kong pinagbabawal na palapitin sila kay daddy. Pasalamat sila hindi ko pa sila pinagtatabuyan sa mansion at hinahayaan na duon tumira pansamantala.

Beautiful Life (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon