Kasalukuyan kaming nasa tambayan namin ni David kasama sina Kaye at Hershey.
Medyo nawala na rin yung awkwardness na nararamdaman ko kanina.
Nandito kami sa gilid na bahagi ng school, walang masyadong tao dito, kakaunti lang ang nakakaalam na may gantong lugar dito, kahit na itong dalawa hindi alam e.
Si David ang nakadiscover ng lugar na to noong hinahabol ko siya kasi may ginawa siyang kagaguhan tapos tinakasan niya ako, nagtago kung saan tapos napadpad dito.
"Alam mo, nabigla ako na nagdadala ka pala ng lunch, David." saad ni Hershey.
"Influenced by Mia." maiksing tugon nito.
''David, sasali kayo sa battle of the bands?" tanong ko naman. "I'm not sure, hindi pa namin napapagusapan." sagot nito.
Tahimik si Hershey as usual. Medyo tahimik din si David ngayon, hindi to ganito e, mas maingay pa to sa akin kapag kami lang ang magkasama.
"After nito, saan tayo next?" biglang tanong ko habang ngumunguya.
"Don't talk when your mouth is full." paalaa ng David. "Hindi pa naman full, may space pa naman." pagdadahilan ko.
"Sa food court ulit tayo, street food." sagot naman nito. Tapos na siya kumain kaya medyo nakakailang nga e, nakatingin siya sakin habang kumakain.
Kung assuming lang ako, iisipin ko na may gusto to sakin e.
Nang matapos na nga kaming kumain, bumalik muna kami sa room para ibalik yung lunch bags namin, ganoon din sina Kaye at Hershey.
Papunta na kami ni David sa food court para mag street food mukbang.
"Alam mo teh, ngayon ko lang narealize, ako lang pala ang nahiwalay saming tatlo." sabi ko out of nowhere.
Kasalukuyan kaming naglalakad pafood court, malapit lang pero sa bagal ng lakad ko, mas matatagalan, pero sanay na tong kasama ko sa bagal ko.
"What do you mean?"
"Since grade 7 to 9 magkakasama kami pero ngayong grade 10 nahiwalay ako."
"Nandito naman ako." napangiti ako sa sinabi nito.
"Yie parang di tayo nagaway nung pinagtabi tayo ni mama nung sitting arrangement." ani ko sabay tawa.
"Your laugh sounds serenity." bigla namang komento nito. Napapanganga na lang talaga ako sa sinasabi ng lalaking to e.
"Serenity? E pang balyena nga daw tawa ko." pagdahilan ko.
"For some, pwede, but for me, your laugh is a music that represents calmness." I am speechless, mapapa-Amen na lang talaga.
"Anong nakain mo? Grabe compliments mo sakin ngayon ah."
"Hm.. I don't know."
Hinakbayan ako nito at binilisan ang lakad, kaya ako naman bumilis na rin ang lakad.
I didn't expect nor imagine that this would happen. Parang noon lang, inis na inis ako dito sa lalaking to, trouble ang dala nito sa akin e.
But now, he's my savior, he save me a lot of times.
Kinahiligan niya nang awayin ako at inisin pero kapag ibang tao ang umaaway sa akin, resbak kaagad siya.
Maarte ako minsan, pero hindi ako nakarinig ng kahit na ano sa kanya.
He treats me like his–sister.
Yeah, sister.
Bakit naman ako hihiling ng mas malalim pa kaysa rito?
Hah? Takte, ang keso ko. Corny, Mia.
"Tulala ka." napabalik ako sa huwisyo.
Napagtanto ko na nasa harap na pala kami ng isang stall.
Tinapat niya sa akin ang isang stick ng kwek kwek, "Oh favorite mo."
Ngumanga ako dahil obvious naman na susubuan niya ako. Walang meaning to kung hindi ako assuming.
Lord? Ano ba tong pinapasok ko?
Wag niyo naman pong hayaan na mahulog ako nang tuluyan sa lalaking to kung masasaktan lang ako. Ayokong masakatan, please lang.
"Huy!" nagulat ako nang bigla naman sumulpot ang dalawa, si Kaye at Hershey.
"Makagulat naman to, oh kain." pagyaya ko, ito naman si Kaye tusok kaagad.
"Ikaw Hershey, kuha ka, libre ko." napatingin ako sa nagsalita, si David.
Napatingin naman ako kay Hershey na nakangiti, yung mga titig talaga oh.
Nawalan na tuloy ako ng gana kumain, kaya silang tatlo na lang ang nagtutusok tusok.
Uhaw na ako, "Ah, excuse muna, may bibilhin lang ako." paalam ko. "Samahan kita." David insisted.
Umiling ako, "Kaya ko na." wala itong nagawa kung hindi ang tumango at hayaan ako.
Patungo na ako sa pinakadulong stall dahil nandoon yung favorite stall ko ng beverage.
Medyo binilisan ko na ang lakad ko pero feeling ko napakabagal ko pa rin talaga.
Nang marating ko na, agad kong iniba ang mood ko, yung kaninang malungkot, pinalitan ko nang masayang mukha.
"Ate Alice!" bati ko sa tindera.
Si Ate Alice, naging kaibigan ko since grade 7 ako. Lagi akong tambay sa stall niya e.
"Wala ata yung palagi mong kasama?" takang tanong ni Ate Alice habang palinga linga pa sa likod.
"Di ko kasama si David, ate."
"Oh." saad ni Ate Alice habang inaabot sa akin ang palamig. "Ate, sa five lang naman ang binibili ko, baka malugi ka." sabi ko naman.
E paano ba naman, sa five lang ang binibili ko pero palagi niyang dinadagdagan. Bias ata to si ate.
"E bakit nga hindi mo kasama yung David? Magkaaway kayo?" usisang tanong nito. "Si ate talaga, chismosa." kumento ko naman.
"Oh bakit nga?"
"Kasama niya yung dalawa kong kaibigan, yung pinsan niya na si Kaye, tapos yung kaibigan namin ni Kaye, si Hershey." sumbong ko.
''Mia,umiiyak ka?" tanong ni Ate Alice, naglakad ka siya patungo sa pwesto ko para kumpirmahin.
"Hindi ako umiiyak, ate, nalagyan lang ng dumi." pagdadahilan ko.
Hindi naman ako umiiyak ah, bakit nga ba ako naiyak.
"Mia!" saad ng David na papalapit pala sa amin. "Sinundan na kita, ang tagal mo e." dagdag nito.
Bakit ba nakasunod ka kung nasaan ako? Pafall to e.
"Ah Ate Alice, mauna na po ako." paalam ko, tumango lang si ate at kumaway.
Hinakbayan niya na naman ako habang naglalakad, kaya kami napapagkamalang magano e.
Pero aminin, gusto ko rin to.
Kaso hindi to pwede, sakit lang ang madudulot nito sa akin.
Nalaman kong bumalik na sina Kaye at Hershey sa room nila kaya kaming dalawa naman ay gagayak na sa classroom.
Kasalukuyan na kaming nasa room, nagtataka nga ako, bakit si Ma'am Fulgencio ang narito.
"Okay class sit down."
"Announcement, may meeting ang faculty, walang papasok na guro ngayong hapon." sabi ni mama.
''Pero walang lalabas ng gate, hindi kayo papayagan ni kuya guard, it means dito lang kayo magsstay buong hapon." dagdag pa.
"Goodbye class." paalam ni ma'am bago lumabas.
______
Please vote and comment your thoughts.