Chapter 6

12 4 0
                                    

Dating gawi, may mga nageml, may nagtitiktok, may nagchichismisan, may nagmamake up.

"Uno tayo, guys!" saad ng kaklase kong lalaki. Agad naman nagsilapitan ang iba at umupo sa sahig.

"Oh pabilog!" sabi naman ng isa, naglagay nga sila ng space sa gitna pero di naman mukhang bilog.

Circle na may sakit.

Unisog pa nila yung ibang upuan, mga taong to na gagawin talaga ang lahat makapaguno lang.

"Ayos ka lang?" tanong ng katabi ko. Napansin atang nakatulala ako sa mga naglalaro.

"Gusto mong sumali sa kanila?" dagdag na tanong nito ngunit umiling ako.

"Inaantok ako." sabi ko. "Edi matulog ka." suggestion nito.

"Hindi ako makatulog sa ingay nila." pagsabi ko ng katotohanan.

Inisog nito ang upuan sa tabi ko. Since nasa isang table lang kami pero magkaibang upuan, madali lang itong nakalapit.

Pinagtabi talaga nito ang upuan namin, as in magkadikit. Inayos niya ang upo niya at tinapik ang balikat.

"Rest." maiksi niyang sabi.

Nagdalawang isip pa ako.

"Don't worry, ako bahala sayo." pagkumbinsi nito.

Kung assuming lang talaga ako, inisip ko nang words of affirmation to.

Sinandal ko na nga ang ulo ko sa balikat nito, at napahikab ako.

"Matulog ka na, ginawa mo nang kwarto ang classroom." sabi pa nito kaya napangiti ako.

Hinagod ng kamay niya ang buhok ko kaya mas nakaramdam ako ng antok kaya ipinikit ko na ang mata ko.

__
Hindi ko alam kung gaano katagal ang tulog ko pero paggising ko nasa balikat niya pa rin ako.

Inangat ko na ang ulo ko dahil hindi naman na ako inaantok. Napatingin ako sa kanya na nakatingin na rin pala sa akin.

Hindi man lang siya nagsalita, akala ko kung anong gagawin, aayusin lang pala ang buhok ko.

Bakit siya ganito?

May meaning ba to?

Or nagaassume lang ako?

"David Salcedo, may naghahanap sayo!" sigaw ng kaklase naming babae kaya napatingin ako sa labas kung nasaan nakatayo ang dalawang lalaki, sa pagkakaalam ko, kabanda niya.

"Mia, puntahan ko lang sila." paalam nito kaya tumango ako. Bakit siya nagpapaalam?

Maria Iris, nahihibang ka na!

Hindi porket nagpaalam, may meaning na.

Wag lagyan ng meaning, Maria Iris.

Masasaktan ka lang.

Kinuha ko ang phone ko dahil wala akong mapagkaabalahan.

"Officers?" napatingin kami kay Yena, president namin na nagsalita.

"Sabi ni ma'am, magusap usap na daw tayo para sa festival." dagdag nito.

Buti na lang muse ako, hindi masyadong stressed.

Napatingin din ako sa labas kung nasaan si David kausap ang mga kabanda niya. Hindi mafocus ni David ang tingin niya sa kausap, tingin ng tingin dito.

Nakita kong umalis na ang mga kausap niya na siya namang pagpasok niya sa room.

"Mia?" tawag nito kaya lumingon ako.

"Di ba kumakanta ka?" nabigla ako sa tanong nito. "Huh? Bakit?" tanging nasabi ko.

Perfect FutureWhere stories live. Discover now