Kasalukuyan kaming magkatabi sa ilalim ng punong Narra. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya habang nakikinig sa musika, huni ng ibon, at tunog ng nagsasayawang dahon.
Hindi ko maiwasang mapapikit dahil sa pagtama ng preskong hangin sa balat ko, at ang pakiramdam na ligtas ako na parang walang problemang dinadala ang puso ko.
"David?" pagtawag ko sa atensyon nito, nanatili lang din nakasara ang mata ko.
"Hm?"
"Kung pwede lang, may request akong kanta na kakantahin sa battle of the bands." paghingi ko ng pabor.
"Alin?"
"Yung 'ikaw ang musika', pwede?"
"Of course, anything for you."
Kusa akong napangiti sa sinabi nito.
Ramdam na ramdam ko ang palad niyang nakahawak sa palad ko, ngunit wala akong nararamdamang pangamba.
Alam kong mali ito pero alam kong gusto ko ito.
Mali dahil hindi ko kayang panindigan kung ano man ang kahihinatnan nito. Ayokong sumugal, ayokong magkagusto, ayokong magmahal, masasaktan lang ako.
Gusto ko dahil ito ang sinasabi ng puso ko. Nagdadalawang isip ang utak ko ngunit handang handa sa digmaan ang puso ko.
Normal pa ba ito?
"Ikaw na ang laman ng musika"
Nagsimula na ito sa pagkanta, nahinto na ang tugtog kaya tanging boses niya na lamang ang naririnig ko.
"Bawat tinig sa gitara"
Ang boses niya, kakaiba.
"Sabay sa bagyo ng isip"
Masarap sa tenga ang malalim at malamig nitong boses.
"Pano nga ba sasabihin"
Sa pagkakataong ito sinabayan ko na siya sa pagkanta.
"Kung lumalalim ang damdamin"
Langit.
"Hahayaan ba o aking aaminin?
Paano na."Tugmang tugma ang aming mga tinig, sana katulad nito ang aming mga puso, nakatugma.
Sakto ang malalim nito boses sa mataas kong boses.
Sana sakto rin ang nararamdaman niya sa nararamdaman ko.Katulad ng kanta, paano sasabihin kung lumalalim ang damdamin. Dapat ko bang sabihin na nahuhulog na ako sa patibong ng pag-ibig?
Hahayaan ba o aking aaminin. Kung sakaling hahayaan ko, hindi man ako sigurado pero baka mawawala din ito.
Pero ako ang lugi kung gusto ko pa siya pero naunahan na ako ng iba.
Take the risk or lose the chance.
Paano na. Anong gagawin ko? Ano ba tong pinasok ko? Gulo lang ang dulot ng pag-ibig. Kahit gumuho pa ang mundo, masasaktan at masasaktan pa rin ako.
Hinaplos nito ang buhok at hindi ko maiwasang mapangiti.
Naramdaman ko ang labi niya sa buhok ko kaya napamulat ako ng mata.
"Alas tres na, David." sabi ko, "Magsisimula na ang meeting maya maya lang." dagdag ko pa.
Nauna na akong tumayo at hinintay siya. Wala pa sana itong balak tumayo rin kaso wala siyang nagawa nang ilahad ko ang palad ko sa kanya.
Hinawakan nito ang palad ko at tumayo. Akala ko kapag nakatayo na siya bibitawan niya na ang kamay ko, ngunit hindi, wala ata itong balak pakawalan ako.
Parang gusto kong bagalan pa ang lakad ko kahit mabagal na talaga ako. Gusto ko rin tumigil ang oras. Gusto kong nakaganito lang kami.
Nasa corridor na kami nang makasalubong namin yung babaeng nakasulubong ko kanina.
Tumingin ito kay David at sa akin, napansin ko ring lumanding ang tingin ng babae sa kamay naming magkahawak.
Gusto ko sanang bumitaw dahil nahihiya na ako ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang hawak.
Nang malagpasan na namin ang babae agad akong bumulong kay David, "Dapat binitawan mo ako, ansama sama ng tingin sa akin nung babae."
"Yung babae?" bulong naman nito kaya tumango ako, "Kilala mo?" tanong ko.
"Oo, si Eunice, matagal ng may gusto sa akin yon." sagot nito kaya napatingin ako.
"Pero hindi ko yun pinansin kahit isang beses, promise." dagdag nito.
Teka lang pare, para niya akong girlfriend kung makapagbigay ng words of affirmation.
Pati yung physical touch kanina, yung hawak kamay at halik sa buhok.
Pagpasok namin sa room, hindi namin napansin na tahimik.
Nasa isang gilid lang ang iba naglalaro ng mobile legends, yung iba nasa labas.
Napansin ko ring may nakapalibot na upuan sa gitna at doon nakaupo ang mga officers.
Halos lahat ng officers nakatingin sa amin, at napansin din naming nakatingin sila sa kamay naming nakaintertwined.
Kusa kaming napabitaw sa isat isa at tumungo na sa dalawang bakanteng upuan para sa officers. Pero magkatabi lang naman kami ni David.
"Akala namin best friends lang kayo?" tanong ni Yena.
"Baka sila talaga." sabi naman ni Kiko, PIO, agad naman akong umiling.
"Ahh bff premium." sabat naman ni Megan, secretary.
Hot seat.
"Akala ko ba tungkol to sa festival?" sabi ni David, kaya walang nagawa kung hindi ang magproceed na sa topic.
"Sa photo booth and designs sa room muna tayo." saad ni Yena, "Justin, ilan na lang ang funds?" dagdag na tanong nito sa treasurer.
"Nasa one thousand six hundred pa."
"Kulang pa yan sa mahal ng mga bilihin ngayon." saad ni David.
"Magambagan na lang ulit." suggestion ko.
"Okay lang ba kung 50 pesos? 50 pesos times to 40 is 2,000 plus 1,600 is 3,600, and I think that's enough to buy anek-anek." dagdag ko.
Nagagree naman sila kaya 50 pesos na ang ambagan, sa December 1 na rin bibili. Napagusapan na din na si president, and business managers ang bibili.
"Sa pageant each section may candidate, so as a muse Mia, ikaw ang representative ng section a." sabi ni David.
Shet, rarampa rampa, di ako marunong.
"Is there a problem, Mia?" tanong ni Megan nang mapansing hindi ako mapalagay.
"Ano–kasi–" hindi ko matapos ang sentence ko, nakakahiya.
"Hindi siya sanay sa modeling." si David na ang kumumpleto.
"Yun lang ba? Tutulungan ka namin, marami pa namang oras." nakangiting ani ni Megan.
May mga pinagusapan pa, like sa food and other important matters.
"4:00 pm na guys!" sabi ni pres kasabay ang pagtunog ng kampana.
Inayos na namin ang upuan kasabay ng paglabasan ng mga kaklase namin.
"Maria Iris!" tawag ni mama, hindi naman siya galit, tinawag lang ang pangalan ko.
"Po, Ma?"
"Bilisan na ninyo magayos." utos niya. Si mama kahit nasa school utos pa rin nang utos.
"Ma'am kahit hapon na, fresh ka pa rin." compliment ng David sa mama ko.
"Hay naku, David." tanging sabi ni mama.
Kung assuming lang ako, iisipin kong nagpapagood shot to sa mama ko e.
________
Kilig to the max na daw sabi ni PrincessAngelhshshs HAHAHAHappy new year!!!
Please vote and comment your thoughts.