Chapter 10

9 4 0
                                    

Ngayon, naglalakad kami ni David sa gitna ng hallway. Hindi ko alam kung bakit pero basta ko na lang napagtanto na nakahawak pala ako sa braso nito na parang bata.

Agad kong tinanggal ang pagkakahawak sa kaniya at inayos ko ang aking buhok.

Hindi naman ito ang first time na humahawak ako sa braso niya, maraming beses na. Pero iba ngayon, naaawkwardan ako. Lalo na may namumuong feelings ako para sa kanya.

Bumuntong hininga ulit ako.

"Sa totoo lang may problema ako."

Pagbasag ko sa katahimikan. Halos kaming dalawa lang ang narito sa napakahabang hallway, katatamtaman lang din ang liwanag, kaya ramdam na ramdam ko ang pangyayari.

"Hayy.. Nasira na ang pamilya ko." panimula ko ng topic, ramdam ko na rin ang namumuong mainit na likido sa aking mga mata.

"My father cheated, not once nor twice but a lot of times." dagdag ko, hinagod niya ang aking likod gamit ang kaniyang palad at sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang bumagsak ang nasabing likido mula sa aking mga mata pababang umagos sa aking pisngi.

Mas binilisan namin ang aming paglakad para marating namin ang aming tambayan. At nang makarating na kami, agad akong naupo. Inabot nito sa akin ang bottled water na hindi ko napansing hawak niya pala.

"Don't worry, di ko pa yan naiinuman." paninigurado nito, pansin ko rin namang hindi pa ito bukas.

Uminom ako nang kaunti bago naisipang ituloy ang kwento, wala namang mangyayari kung sasabihin ko at para mabawasan naman nang kaunti ang dinadala ko.

"Maraming problema sa bahay." muli akong bumuntong hininga, "Ako mismo ang nagpalayas sa sarili kong ama, wala e di siya tumitino." habang sinasabi ko ang mga katagang ito, may namuong malungkot na ngiting sumilay sa labi ko.

"Naisip ko lang kung paano na kayanan ni mama ang ngumiti kahit na ganoon ang nangyari." dagdag ko pa.

"Hayy.. alam mo, Mia, ganyan talaga ang mga nanay, ayaw na ayaw nilang nakikita ng anak nila ang lungkot na tinatago nila." turan nito.

"Alam mo, maayos naman na ako, kaya ko na to." saad ko, tumango lang naman siya bilang sagot mgunit alam kong tutol ang nasa isip niya.

"Di ba ngayon na yung practice?" pagpapaalala ko.

"Ay oo nga pala, lika na, ipapakilala pa kita." nilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ko, tinitigan ko pa ang kanyang palad at sumunod naman ang tingin ko sa kanya bago tuluyang kumapit sa kanya.

Magkahawak ang aming kamay habang naglalakad sa ilalim ng bughaw na kalangitan na kasakasama ang marikit na alapaap, preskong hangin, at payapang kapaligiran. Tila ang pagkakataon na ito ay kaibig-ibig, tunay na ako ay nahihiwagan, ito ay marahuyo.

Sa pagkakataon ding ito, ang tanging hiling ko ay ang bumagal ang orasan, ibigay sa amin ng daigdig ang pangyayaring ito.

Sa palagay ko, siya na ang aking tinatangi.

"David, ano sa tingin mo anong dapat gawin ng isang tao kapag nahulog na siya nang malalim sa taong nagugustuhan niya?"

Inabot siya ng ilang segundo bago sumagot, siguro pinagiisipan niya pa ang isasagot niya.

"Hayaan lang, dapat matutuo ang taong yun na sumugal." sagot nito na may sincerity.

"Paano mo nasabi?"

"Kasi ganoon naman talaga iyon." diretso nitong sagot.

"I mean paano mo nasasabi ang ganyang mga bagay?"

"Hindi ko rin alam."

"Ilan na ba ang naging karelationship or situation ship mo?" nacurious kong tanong, and I expect that his past relationships are much more few than i thought.

But I was wrong....

"One." sagot nito.

"Hehh?"

"Yeah, you heard it right." nakangiti nitong saad.

"I was fourteen that time, and it was a long time ago so you have nothing to worry about." he then added.

Tunog nagbinigay assurance.

Sa kasalukuyan, naglalakad kami sa field, hindi ko nga lang alam kung saan kami direktang patungo.

Ngunit tila masasagot na ang katanungan ko nang masilayan ko ang  mga kabanda nitong nakatayo sa di kalayuan.

Ngayon, patungo na kami sa isang studio kung saan naroon ang mga kaibigan nito.

"Hi guys, meet my friend Mia." pagpapakilala ni David sa akin.

Nakangiti naman ang mga kaibigan nito.

"Hi Mia, nice to meet you, I'm Darren." bati ng poging may dimples, maputi at mukhang anak mayaman, kaya naman ngumiti ako pabalik.

"Mia, I'm Justine." bati naman ng isa. Medyo mas matangkad siya ng kaunti kay Darren, kayumanggi din.

"They're from section B." sabat naman ng David. 

''Naging classmate kita nung grade 8, Mia." ani naman ni Justine, kaya pala familiar.

"Sorry, di ko naalala." ngumiti na lang ako sa sinabi ko.

''So let's start." saad ng David.

Si Justine ang drummer at si Darren ang pianist, kinuha naman ni David ang gitara habang ako naman sa gitna bilang ang vocalist.

Kaming dalawa ni David ang nakaupo sa highchair, nakatapat ang mikropono.

Since 'ikaw ang musika' ang kakantahin, dalawang boses namin ni David ang magsasama.

Nagfocus na rin ako dahil nagsimula na ang kanta.

______
"Good job guys." saad ni David pagkatapos ng practice. Halos nakatatlo kaming ulit bago maperfect.

"Yeah, nice voice, Mia." compliment ni Darren, ngumiti lang ako bilang sagot, hindi naman kasi ako sanay makatanggap ng compliment galing sa ibang tao.

"Alis na kami." saad naman ng David.

Nagpaalam na ako sa dalawa bago tumalikod at sumabay kay David sa paglakad.

As usual, hinakbayan na naman ako nito habang naglalakad.

3:27 na rin ng hapon. Sigurado akong pagbalik namin sa room, boring ang maaabutan namin.

"Kain muna tayo." pagyaya nito.

"Wala akong dalang pera." pagsalungat ko.

"Sinong nagsabing gagastos ka?" ani naman nito.

"Ehh?"

"Libre ko, ano? g?" napangiti ako sa dinagdag nito.

"G!" buong galak kong saad.

Habang naglalakad kami patungo sa food court, may nakita akong grupo ng mga babae mula sa hindi kalayuan.

Si David naman ay nagcecellphone habang nakaabay sa akin. Ako, nakatingin lang diretso sa daan.

Malapit na kami sa nasabing grupo ng mga babae nang marecognize ko yung isa sa kanila.

Si Eunice.

Nakita kong lumapit ito sa amin–hindi, sa katabi ko pala.

"David, can we talk?" panimula nito. Mula sa cellphone, nagangat ang tingin nito sa Eunice.

"Please?" dagdag ng babae.

Tumingin si David sa akin na para bang humihingi ng permiso, wala naman akong magagawa kung hindi ang tumango at hayaan sila.

Sino ba naman ako?

Sa ayaw man o sa gusto ko, nauna na ako patungo sa food court.

_______
Please vote and comment your thoughts.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Perfect FutureWhere stories live. Discover now