Chapter 2

14 4 0
                                    

"SIGE SUBUKAN MO!"

Laban ni mama kay papa.

Akmang sasampalin na ni papa si mama nang pigilan ko ito.

"ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO, PA!" sigaw ko na nagpatigil sa kaguluhan.

Pati ako nagulat sa ginawa ko. Nasabi ko kung anong nasa isip ko. Siguro dala to ng kaba.

Huminga ako nang malalim bago maglakad pababa ng hagdan. Tanging footsteps ko lang ang naririnig.

Nang makalapit na ako sa kanila, unang una kong hinarap si papa. Masama na sa masama pero galit ako. Galit na galit.

''Umalis ka na." panimula ko.

"Umalis ka na kung aalis ka, sumama ka sa kabit mo." dagdag ko.

''Mia–" halatang pinipigilan ako ni mama sa malambot niyang tono ngunit di ako papapigil.

"Umalis ka na kung aalis ka, hindi yung mamimisikal ka pa, hindi ka nagpapakita ng tunay na pagkalalaki."

Tumingin ako sa kanya nang diretso, ilang segundo bago ako tumingin sa pinto at tinuro ito.

"Umalis ka na kung aalis ka, bukas ang pinto. Gusto mo pati gate buksan ko para sayo."

"Umalis ka na, nananakit ka ng inosenteng babae, asawa mo pa. Hindi mo alam, pati kami na anak mo nasasaktan mo na rin e."

Pilit ko pa rin pinapakalma ang loob ko at pinipigilang ang pagtulo ng luha ko, dahil sa oras na may isang pumatak, asahan na pasunod sunod na yan.

"Nananakit ka, para saan? Para dyan sa babae mo?" dagdag kong tanong.

Hindi ko ibababa ang tingin ko, taas noo akong sasagot.

"Hindi ka tunay na lalaki." sagot ko sa sariling tanong.

"Bibigyan kita ng 30 minutes para ipunin lahat ng gamit mo at walang ititira ni isa."

Yan ang huli kong sinabi bago tumalikod sa kanya, hinawakan ko ang kamay ni mama ganon din ang ginawa ni kuya at niyaya papunta sa kwarto ni kuya.

Nandito pala si kuya kanina pa, nasa likod ni mama, inaalalayan siya.

..

Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni kuya. Si mama ay kumakalma na, habang si kuya naman ay nagaalala pa rin. Pero ako? Galit.

Iam only 16 years old, 10th grade.

But suddenly a day comes to ruin my beliefs in love.
The feeling of even the couple that I thought won't separate, just broke up that easily.
Why? Because of temptation.
And I hate that girl for ruining my family.
I hate my father.

From now on, I will build a high wall that no one can neither reach nor enter.

So no one can hurt me.

Like what my father did.

"Mia?"

Napabalik ako sa reyalidad ng magsalita si mama.

"Bakit po?"

"Kanina ka pa nakatulala. Ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong nito, pati si kuya napatingin na rin sa akin.

"Ah ayos lang po." sagot ko. "Magpapahangin lang po ako." paalam ko saka tumayo at lumabas.

I need fresh air.

Paglabas ko ay saktong pagbukas ng pintuan sa kwarto ni mama. At doon iniluwal ng pinto ang tatay kong asungot.

Didirediretso na sana ako nang makarinig ako ng isang salita galing sa kanya.

"Maria Iris."

Humarap ako dito at itinaas ko ang isa kong kilay. "Oh?" pagtataray ko.

"Sana patawarin mo ako."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa mga binitawan niyang salita. Seriously?

Humakbang ako nang kaunti palapit sa kanya at buong tapang ang tingin.

"Hinding hindi." maikli pero damang dama kong saad.

Tumalikod na ako at pumunta sa patutunguhan ko dapat nang hindi lumilingon sa likod.

Narealize ko lang, maling mali ang mga sinabi ko kanina. Kahit papaano naman, siya ang tatay ko. Kung wala siya, wala rin ako. Pero siya rin lang ang dahilan kung bakit ako nasasaktan.

My father was my first heartbreak.

_________

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi sa lalim ng iniisip ko. Random things.

It's already 9 in the morning according to the wall clock.

Bumangon na ako at ginawa ang morning routine ko at pagkatapos ay napagisipan ko nang bumaba para kumain.

"I already told you, Grace." boses kaagad ni mommyla ang narinig ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kitchen.

Agad akong lumapit at bumeso sa kanila, at dumiretso sa ref para kumuha ng malamig na tubig.

Yan ang simula ng breakfast ko.

"Simula pa lang, from the time na nililigawan ka pa lang niyan, hindi ko na talaga siya gusto para sayo." sermon pa ni mommyla.

"Mommy, kahit na. If not because of him edi sana wala ang mga anak ko ngayon." pagdadahilan ni mama.

''Ma, pinagtatanggol mo na naman." sabat ko kahit na hindi pwedeng makisabat sa usapang matatanda.

Please mommyla, kampihan mo ako.

"Tama si Maria, Grace. Wag mo nang ipagtanggol yang loko loko mong asawa." saad ni mommyla, buti na lang.

Thank you, Lord.

"Kahit yang anak mo e ayaw na sa sarili niyang ama." dagdag pa ni mommyla.

Busy akong nakatingin sa kawalan nang may narealize ako.

"History repeats itself." mahina kong saad, sapat na upang hindi nila marinig.

Ganto rin ang kwento ni mama na nangyari kay mommyla at sa asawa niya.

Wag naman sanang mangyari to sakin.

______

Weekend na parang 5 minutes lang.

May pasok na naman, umay.

Bet ko na magbakasyon, Christmas break kumbaga. Masyado na akong stressed sa mga nangyayari.

Kapagod din pala.

Ngayon, naglalakad ako papasok sa classroom nang biglang may shutanginames na gumulat sa akin at inakbayan ako.

Kung di ako nito inakbayan baka nagbounce na ako rito e.

"Yow! It's David!" pabati nito.

"Ano ba naman yan, aga aga nandedelubyo!" sermon ko habang naglalakad.

''Wag kang mainis, lalo kang pumapangit, saka ayaw mo bang makita ang matalinong poging masipag mong best friend." paninira pa nito ng araw ko.

"Yucks, aga mo naman magjoke." banat ko rito habang inaalis ang braso niya sa akin.

"Miamiamia, wala ka namang ibang best friend dito kundi ako, kaya wag ka nang maarte." pangaasar pa nito na akala niyang kinacool niya.

Nang matanggal ko na ang braso nito, agad akong lumayo ng ilang metro.

"Assuming to, may best friend pa ako sa kabilang section!" saad ko at mas binilisan ang paglakad at nauna nang pumasok sa classroom.

__________
AN: Comment your thoughts mga othoughts hehe. loveyah.

Perfect FutureWhere stories live. Discover now