Kabanata XXVI

27 4 0
                                        

MAHIGIT isang oras bago narating ng mag-amang Michael at Valerie ang Lungsod ng Legazpi. Dahil sa wala namang mga sasakyan ang tumatakbo sa kalsada kaya hindi sila nahirapan na patakbuhin ng mabilis ang sasakyan. Pagkarating nila hinahanap pa nila sina Klinx kung nasaan. Agad din nila itong natagpuan paalis na sana ang mga ito. Hindi nila alam kung saan papunta ang mga ito. May kanya-kanyang hawak na baril ang mga ito. Ngayon na ba sila susugod? Wala pa silang balita kung ano na ang kinahinatnan ng lakad ni James Zhuo.

Naglalakad si James Zhuo patungo sa bungad ng main gate ng isang gusali na napipinturahan ng kulay puti. Sa una iisipin mong isa lamang itong simple'ng gusali ngunit kapag napasok mo ito sa loob dito mo matutuklasan kung ano ang totoong mga nagaganap rito. Isa itong lihim na laboratoryo.

Hindi pa man siya nakakaabot ng main gate sinalubong siya ng apat na sundalo. Akmang hahawakan siya ng isa pinigilan niya ito.

"Subukan mo akong hawakan hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo," babala niya rito na ikinatigil naman nito. Nakatutok sa tagiliran nito ang hawak niyang baril.

Agad naman na sumenyas ang isa na hayaan siya na malayang makapasok sa loob. Bitbit niya ang switch code. Kaya siya naroroon hindi para kay Zindel na alam niyang ang mga larawang ipinadala sa kanya ay isang edited lamang. Naririto siya upang iligtas si Ma'am Ana. Patay na si Zindel at alam niya iyon. Nakita niya na hindi na ito humihinga ng iwan nila ito. Masakit man sa kanya ngunit kailangan niyang magpatuloy.

Iginiya siya ng dalawang sundalo papasok sa silid ni Jack Russell. Pagkapasok niya rito iniwan na siya ng mga ito. Wala siyang nakitang tao ng pumasok siya sa silid. Napakatahimik ng buong paligid. Saglit niyang inilibot ang paningin sa buong paligid. Napakagara, wala siyang ibang masabi. Naagaw ng kanyang pansin ang maraming monitor na nakadikit sa isang pader. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Makikita sa screen ang totoong mga nangyayari sa buong Pilipinas. Ibig sabihin nito sinusubaybayan nila ang bawat galaw ng mga tao. Matagal niyang pinaglipat-lipat ang tingin sa mga monitor. Sa ibang lugar ng Pilipinas nagpapatuloy pa rin ang kaguluhang mga nagaganap. Matinding galit ang kanyang nararamdaman ng makita ang hindi makataong ginagawa ng mga sundalo sa mga taong makita nila. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao. Kailangan ng matapos ang karahasang ginagawa nila.

Nagulat siya sa biglang paglitaw ng isang lalaki sa kanyang likuran. Hinawakan nito ang switch code na dala niya ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya dito.

"Ibibigay mo ba sa akin o gusto mo ng tapusin ko ang buhay ng kaibigan mo?" Nakatutok sa kanyang tagiliran ang hawak nitong baril.

"Nasaan muna siya? Hindi mo makukuha ito sa akin hangga't hindi ko siya nakikita," matigas niyang sabi.

Senenyasan nito ang dalawang sundalo na ilabas si Zindel mula sa silid na kinalalagyan nito. Binitawan na rin siya ni Jack Russell at pinaupo sa sitter sofa kaharap ito.

Nakikiramdam naman siya habang nanatiling nakatitig sa lalaking kaharap niya. Hawak pa rin nito ang baril. At ng kapain niya ang baril sa kanyang baywang wala na ito. Napansin naman siya nito kaya napangisi ito.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Napatingin siya sa baril na hawak nito sa isang kamay. Paanong napunta rito ang baril niya?

Tumayo ito at inilapit ang mukha sa kanya. "Sa tingin mo pareho ko kayong pakakawalan?" Napangisi itong muli.

"Gawin mo kung ano ang gusto mo hindi rin naman kayo magtatagumpay sa binabalak ninyo," siya naman ang ngumisi na may halong panunuya.

Napatingin siya ng pumasok ang dalawang sundalo dala nito si Zindel. Sa una nag-aalangan siyang paniwalaan kung ito nga ang kaibigan niya. Iniisip niyang isa lamang itong robot na binihisan ng wangis ng katulad ng kanyang kaibigan. Ngunit hindi, dahil totoong ang kaibigan niya ito. Buhay ito. Ngunit, paanong nangyari iyon? Ang alam nila ay patay na ito. Bigla niyang naalala ang mga sinabi ni Klinx.

Killing Us Softly (Depopulation Series No. 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon