NAGMAMADALING hinanap nina Kenneth at Jennie si Ma'am Ana upang ipaalam rito ang ginawang pag-alis nina James Zhuo. Labis naman ang pag-alala nito ng malaman nito ang ginawa ng kanyang ilang mga estudyante. Ano na ang kanyang gagawin? Mapanganib sa labas para sa mga ito. Lalo pa nga't patuloy na hinahanap ng mga sundalo ang isa niyang estudyante. Kapag napasakamay ng mga ito si James Zhuo magiging katapusan na ng lahat. O nararapat na sabihin na kailangang hindi rin siya makuha ng mga ito dahil siya lamang ang nakakaalam ng switch code upang sabay-sabay na wasakin ang mga naturukan ng bakuna. Sa kanya ipinagkatiwala ni Klinx ang bagay na ito. Ng mamatay ang taong siyang gumawa ng bakuna ninakaw ito ni Klinx. Hindi lamang niya malaman kung nasaan ang susi nito. Maging man si Klinx ay hindi ito alam. At isa rin sa labis niyang ipinagtataka ay kung ano ang kinalaman ng kanyang estudyante sa bagay na ito. Sinabi na sa kanya dati pa ni Klinx na ito ang susi upang tuluyang malusaw ang napakaliit na device na inilagay sa katawan ng tao kasabay ng bakunang itinurok sa mga ito.
Hindi mapapansin ng mga tao ang device na ito dahil napakaliit lamang nito. Kaiba ito sa microchip na inilalagay sa kamay ng tao na maaaring magamit mo sa anumang transaksiyon sa gobyerno. Ang device na ito ay tinatawag na nanochip. Ang nanochip na ito na oras na paganahin gamit ang switch code sabay-sabay na mamamatay ang mga taong naturukan ng bakuna. Kaya mabagal ang kanilang pagkamatay dahil hindi agad ito umeepekto sa mga tao. Ang una at ikalawang doses ng bakuna ay hindi masyadong malala ngunit naroon na sa katawan nila ang nanochip na inilagay sa dulo ng malaking karayom ng syringe. Ang tumanggap ng mga booster shot ang mas nakararanas ng matinding side effects dahil mas matindi at matapang ang sangkap ng bakunang inilagay rito.
"Bakit hindi n'yo sila pinigilan?" sa mahinahon ngunit mababakas ang galit sa kanyang boses sa kanyang dalawang estudyante. "Paano kung matagpuan nila sila? Ano ng gagawin natin? Magiging katapusan ng mga taong naturukan ng bakuna."
Makikita ang pagkalito sa isipan nina Kenneth at Jennie. Hindi ng mga ito maintindihan ang kanyang mga sinabi.
"Hanapin n'yo na sina Andrei at Sophia," utos niya sa dalawa. Malakas ang kutob niyang may hindi magandang mangyayari sa kanila dahil simula ng maka-usap niya ang kanyang kapatid hindi na ito tumawag pa. Kahit anong gawin niyang pagkontak rito gamit ang walkie talkie hindi na ito sumasagot. "Kailangang wag kayong maghiwa-hiwalay."
Agad naman na sumunod ang dalawa.
Tatawagan niya si Klinx upang ipaalam ang sitwasyon. Agad naman itong sumagot.
"Umalis na kayo riyan..." Ito lamang ang narinig niyang sinabi nito dahil bigla ring naputol ang tawag. May hindi rin ba magandang nangyayari sa binata?
Napasilip siya sa bintana ng marinig ang paghinto ng mga sasakyan sa labas. Una niyang nakitang bumaba ng sasakyan ang kanyang kapatid na si Kimuri. Ngunit nagtataka siya kung bakit napakaraming mga sundalo ang kasama nito. Ang alam niya matagal ng pinaghahanap ang kanyang kapatid ng mga ito. At bakit tila sa nakikita niya ay ito ang siyang may mataas na katungkulan sa mga ito. Parang may hindi tama sa mga nangyayari. Agad niyang hinanap ang kanyang mga natitirang estudyante.
Mabuti na lamang sa lumang silid na pinagtaguan nila ang mga ito naroroon. Nagulat sila pareho ng marinig ang dalawang magkasunod na putok ng baril. Kahit natatakot man mas pinili niyang alisin ang takot na kanyang nararamdaman. Kung hindi niya ito haharapin hindi niya matutulungan ang kanyang mga estudyante na umaasa rin sa kanya.
"Titingnan ko kung sino ang mga dumating. Dumito lamang kayo at kahit na anong mangyari wag na wag kayo ritong aalis," wika niya sa mga ito.
"Sasama ako sa iyo," presenta ni Andrei.
"Wag. Alam kong hindi ang kapatid ko ang dumating. Kailangan ko silang iligaw upang hindi nila kayo makita."
Lumapit siya sa dalawang lumang kabinet at hinila ito. May sekretong silid pala ito. Kinuha niya sa pinaglalagyan ang switch code. Ibinigay niya ito kay Kenneth.
"Kahit na anong mangyari wag na wag kayong lalabas sa silid na ito. Kapag dumating rito si Klinx ibigay n'yo ang bagay na ito sa kanya." Ang tinutukoy niya ang switch code na nakalagay sa makapal na itim na suitcase.
"Ano ang bagay na ito ma'am?" tanong ni Kenneth sa kanya.
"Wag na wag n'yo iyang pakikialaman. Iyan ang dahilan kung bakit maging ako ay hinahanap rin nila. Malaki ang kinalaman niyan sa mga nangyayari sa sangkatauhan ngayon. Tanging ang inyong kaklase'ng si James Zhuo lamang ang makapagbubukas niyan," mahabang wika niya sa mga ito.
Nagtataka man ang mga ito at nalilito sa mga sinabi niya tumango ang mga ito bilang tugon sa kanya.
"Mag-iingat kayo, ma'am," magkasabay na wika nina Jennie at Sophia.
Ngumiti siya sa mga ito bilang tugon.
Isinara na niya ang lihim na silid sa lumang aklatan at muling hinarang ang dalawang kabinet na pinaglalagyan ng mga lumang libro.
Inayos niya ang sarili at pormal na naglakad pababa ng gusaling kinaroroonan nila upang salubungin ang nagpapanggap na kanyang kapatid. Alam niyang hindi talaga ito si Kimuri dahil ng huli niya itong maka-usap sinabi nito sa kanya na tatawagan siya nito.
Nakita niya ang mga sundalo na kasama nito na inutusan na isa-isahin ang bawat mga silid. At ng makita siya nito isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Pormal niyang hinarap ang ito at nagpanggap na wala siyang alam na hindi niya ito kapatid. Niyakap siya nito ngunit hindi niya ito tinugon.
"Sobra kitang namiss ate," wika nito na hindi naalis ang pagkakangiti.
"Namiss din kita Kimuri. Ang tagal nating hindi nagkita," pormal niyang tugon rin rito.
"Oo nga, eh." Inilibot nito ang tingin sa buong paligid. "Bakit ikaw lang? Nasaan ang mga estudyanteng kasama mo?"
"Umalis na sila," sagot niya.
"Sigurado ka bang umalis na talaga sila?" Biglang naging seryoso ang boses nito.
Inilapit niya ang mukha sa mukha ng babaing nagpapanggap na kapatid niya. At walang sabi na hinablot niya ang suot nitong maskara.
"Sa tingin mo malilinlang mo ako?!" madiin at gigil niyang wika rito na bahagyang ikinagulat ng babae.
Hinugot nito ang baril at itinutok sa kanya. "Tama nga sila na napakatalino mong babae. Kapatid ka nga ni Kimuri, wala kayong pinagkaiba."
"Nasaan siya? Anong ginawa n'yo sa kanya?" galit niyang sigaw rito.
Makahulugan itong ngumiti. "Ituro mo muna kung saan mo inilagay ang switch code at kung nasaan ang isa mong estudyante mo na kailangang-kailangan namin na mahanap."
"Sa tingin mo ibibigay ko ang switch code at ituturo ko kung nasaan siya," matigas niyang sabi.
"Wag ka ng magmatigas pa Ana Liza kung gusto mo pang makitang buhay ang kapatid mo!"
"Sa tingin mo maniniwala ako sa iyo na nasa inyo nga siya."
Dahil sa matigas talaga siya inutusan nito ang dalawang tauhan nitong sundalo na hawakan siya at isakay sa loob ng sasakyan.
Nagpupumiglas siya habang sapilitang kinakaladkad palabas. Ngunit anong laban niya sa dalawang sundalong may hawak sa kanya.
At ng makarating na sila ng sasakyan gigil na hinawakan nito ang kanyang buhok. "Masyado kang matigas! Kung patuloy kang magmamatigas baka hindi mo magugustuhan kung anuman ang gagawin namin sa iyo!"
Dinuraan niya ito sa mukha. "Hindi ako natatakot sa inyo!"
Dahil sa mabastusan ito sa ginawa niya ubod lakas siyang sinampal nito dahilan upang mapasubsob siya sa upuan ng sasakyan.
"Ipasok na ninyo ang babaing iyan. At tingnan lang natin kung hindi siya umamin!" Nanggigil na wika nito.
Senenyasan nito ang mga sundalong umalis na.
Kung saan siya dadalhin ng mga ito hindi niya alam. Ngunit kahit anong gawin ng mga ito sa kanya hindi niya ituturo kung nasaan ang switch code at ang estudyanteng hinahanap nila. Kahit patayin pa siya ng mga ito walang silang makukuhang kasagutan mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
Killing Us Softly (Depopulation Series No. 1)
Ciencia FicciónIsang sekretong samahan na ang kanilang layunin ay bawasan ang populasyon ng mundo. Isang sakit na pinakalat sa buong mundo upang maisakatuparan nila ang hangaring sapilitang pagbabakuna sa mga tao. Isang pagsiklab ng kaguluhan na ang kahahantungan...
