BAGO pa man magtungong mag-isa si James Zhuo sa laboratory buo na ang kanilang naging plano. Ang switch code na kanyang dala ay pinalitan nila ng kahalintulad nito. Nagawa na rin nilang sirain ito kaya ang mga ipinasok na nanochip sa katawan ng tao ay dahan-dahan na itong natutunaw sa kanilang katawan. Maging man ang bakunang ipinasok sa katawan ng mga taong naturukan nito ay unti-unti na ring nawawala ang epekto ng gamot.
Ang nanochip at bakuna ay iisa lamang ang magiging epekto nito sa mga tao. Ang nanochip na siyang ginagawang pangsubaybay sa galaw ng mga taong nalagyan nito. Kapag nailagay na ito sa katawan ng tao kahit anong gawin nila ay maaari nilang magawa sa mga tao. Hindi lamang nila magawang maimaniobra ang mga tao dahil hindi nila hawak ang switch code. At hinding-hindi rin nila ito mabubuksan kung wala ang siyang tanging susi na magbubukas nito. Walang iba kundi ang dugong kulay bughaw ni James Zhuo. Kaya importante siya sa mga ito.
Kung hindi lamang nagawang mailayo ng anak ni Dr. Smith si James Zhuo noong sanggol pa lamang ito baka noon pa man ay nabawasan na nila ang populasyon ng mundo. Palihim na dinala ni Aaron ang sanggol sa bansang Pilipinas kung saan ito mahirap na nahanapin ng kanyang ama. Iniwan niya ito sa harap ng bahay ng pamilya Tavero. Napalaki ng maayos nina Marevick at Michael ang bata kaya naging mabuting tao ito.
At ng malaman ni Dr. Smith ang ginawa ng kanyang anak pinapatay niya ito. Ngunit kahit kailan hindi nila natagpuan ang bata. Bago nila ipinakalat ang sakit na Divoc may lead na sila kung saan nila matatagpuan ang nilikha nilang sanggol noon. Dahil na rin ito sa balita na kumalat sa internet patungkol sa isang binata na may kakaibang kulay ng dugo dito na nila sinimulan na ipakalat sa hangin ang virus. Ang unang virus na COVID-19 ay nagawang malagpasan ng mga tao dahil na rin sa pagtutulungan ng lahat. Taliwas ito sa kanilang mga naging plano kaya muli silang nagpakalat muli ng virus na tinatawag na Divoc dahil sa pagkakatuklas ng isang Pilipinong doktor sa kakaibang dugo ng pasyente na kanilang sinusuri. Hindi lamang nito ipinagbibigay alam sa iba ang pagkakakilanlan ng binata. Ngunit dahil ginipit ito ng nasa itaas na kinabibilangan ni Jack Russell Westbrook nagawa nitong sabihin ang pagkakakilanlan ng binata. Matapos niyon pinatay rin nila ang doktor.
Ng magsimula ang sapilitang pagbabakuna isa sa mga inutusan upang hanapin ang binata ang pangkat ni Klinx. Sa una ayaw nitong sumunod ngunit ng takutin ito na aalisan ng buhay ang mga taong nagpalaki rito pumayag rin siya kalaunan. Ngunit taliwas ito sa napagkasunduan nila. Pinatay pa rin ng mga ito ang tumayong magulang niya. Mabuti na lamang nagawa niyang patakasin ang nakababata niyang kapatid kaya hindi ito napaslang ng mga sundalo. At ng malaman ito ni Klinx labis na galit ang kanyang naramdaman kaya ipinangako niya sa sarili na sa halip na hanapin ang binatang pinapahanap sa kanila mas minabuti niyang protektahan ito. Kasama niya sa planong ito ang magkapatid na Kimuri at Ana. Kaya nga nagpakalat ng video si Kimuri sa internet patungkol sa panganib na epekto ng bakuna kapag naipasok na ito sa katawan ng tao upang kahit paano may mablaan nila ang mga tao. Ngunit ng dahil sa video'ng ito mas lalo gumulo ang sitwasyon. Naging mas agressibo ang mga taong nasa likod ng pagbabawas ng tao sa mundo. Sapilitan na nilang nilalagyan ng bakuna ang mga tao. Ang sangkap ng bakuna ay nilagyan nila ng mas matinding gamot upang mawala sa katinuan ang mga tao kung saan dahan-dahan nitong sisirain ang utak ng tao na humahantong sa pagpapatiwakal ng mga ito. Ngunit dahil sa kaunti lamang ang tumanggap ng booster shot na mas matindi kaysa sa mga una at ikalawang doses na bakuna kaya kinakailangan nilang makuha ang binata pati na rin ang switch code na palihim ring itinago ng kung sinuman ng pasukin ang bahay ni Dr. Smith at patayin ito.
Unti-unti na ring bumabalik sa sa dating kondisyon ang mga naturukan ng bakuna matapos na sirain nina Klinx ang switch code. Maging man ang mga sundalong tinurukan nila upang kanilang mapasunod ay dahan-dahan na ring bumabalik sa kanilang sariling tamang pag-iisip.
Sa inis ni Jack ng mapagtanto nitong naisahan siya ng binata isang malakas na suntok ang ipinadama niya rito sa mukha. Nanggigil na itinutok niya sa sentido nito ang baril.
BINABASA MO ANG
Killing Us Softly (Depopulation Series No. 1)
Science FictionIsang sekretong samahan na ang kanilang layunin ay bawasan ang populasyon ng mundo. Isang sakit na pinakalat sa buong mundo upang maisakatuparan nila ang hangaring sapilitang pagbabakuna sa mga tao. Isang pagsiklab ng kaguluhan na ang kahahantungan...
