"DAMN IT!" Napamura si Klinx ng bigla niyang mabitawan ang walkie talkie at naihagis ito sa labas. Hindi niya maiwasang mag-alala para kina Ma'am Ana at sa iba pang kasama nito. Mas lalong nadagdagan ang inis niya ng makita sa side mirror ng sasakyan na malapit na ang robot na humahabol sa kanila. "Ikaw ang magmaneho nito ng sasakyan," utos niya kay Zindel na nasa tabi niya.
Hindi pa man sila nakakapagpalit ng posisyon ng tumalon sa bubungan ng sasakyan ang robot. Napatili naman si Zen sa pagkakabigla.
Pinagsusuntok ng paulit-ulit ng robot ang bubungan ng sasakyan. Sa bawat pakawala nito ng suntok sabay ding napapatili ang babaing kasama nila.
"Bilisan mo!" sigaw na niya kay Zindel na natigilan dahil sa ginawa ng robot.
Nagpatuloy lamang ang robot sa ginagawa hanggang sa magawa nitong butasin ang bubungan ng sasakyan. Mas lalong lumakas ang pagtili ni Zen dahil nasa tapat ito ng robot.
Nagawang mahawakan ng robot si Zen sa leeg. Pilit itong nagkukumawala sa pagkakahawak na mas lalo namang hinigpitan ng robot. Isang mabilis naman na pagkilos ang ginawa ni James Zhuo, inundayan niya ng saksak nag braso ng robot ngunit tila hindi naman ito iniinda nito. Si Tyronne naman pilit na inaalis ang kamay ng robot mula sa leeg ni Zen.
Binuksan ni Klinx ang pinto ng sasakyan ngunit ng palabas na siya muntikan na siyang mahulog dahil sa biglang pag preno ni Zindel ng mababangga sila ng isang pasalubong na sasakyan. Mabuti na lamang nagawa niyang makakapit sa baywang ni James Zhuo at hindi siya tuluyang nahulog.
Nagulat naman si James Zhuo sa bigla niyang pagkapit sa baywang nito kung kaya't nakabitiw ito braso ng robot ngunit mabilis din naman na nahawakan ni Tyronne ang kamay niya. Muntikan na silang ihagis na dalawa ni Klinx palabas ng sasakyan.
Aakyat na sana sa bubungan ng sasakyan si Klinx ng bigla ay magulat sila ng pasabugan ng nakasunod na sasakyan sa kanila ang robot. Nagawa ring mabitawan ng robot si Zen ng ihagis ito sa malayo dahil sa lakas ng impact ng pagtama rito ng bombang pinakawalan ng isang lalaki na nakasakay sa isang military truck.
"Ayos ka lang ba Zen?" tanong ni James Zhuo sa dalaga ng sunod-sunod ang naging paghinga nito ng mabitawan ng robot. Namumula halos ang buong mukha nito.
Sunod-sunod naman ang ginawang pagtango ng dalaga na napakapit ng mahigpit ng balikat niya.
Nagkapira-piraso naman ang robot ngunit mabilis ding nabuo nito ang sarili.
Napamura naman si Klinx ng makitang tumayong muli ang robot. At pasugod na muli ito sa kanila. Hindi naman hinahayaan ng isang lalaking nakasunod sa kanila na muling makalapit sa kanila ang robot. Sunod-sunod ang pagpapakawala nito ng bomba. Nagagawa naman itong mailagan ng robot.
"Wala tayong laban sa kanila!" sigaw ni Zindel at inihinto ang sasakyan dahil pasugod sa kanila ito.
Dahil sa gigil ni Klinx lumabas siya ng sasakyan at hinarap ang robot na walang kamatayan. Humanda siya sa nalalapit na pagsalakay nito. Natigilan siya ng makita ang pulang ilaw sa leeg nito. Tiyak niya ito ang magpapahinto ng buhay ng robot. Kailangan niyang mapindot ito upang hindi na makagalaw ang robot.
Ang dalawang lalaki naman na nakasunod sa kanila inihinto nito ang sasakyan upang tulungan si Klinx.
"Dad?!" wika ni James Zhuo ng makilala niya ang kanyang ama.
Nilingon naman siya ng kanyang ama ngunit hindi siya nilapitan nito. Mas inuna nitong tulungan si Klinx na nakikipagbuno sa robot.
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ng robot sa sikmura ni Klinx dahilan upang maihagis ito sa malayo. Malapit na sana niyang mapindot ang switch kill nito ngunit ng akma na sana niya itong pipindutin naunahan siya ng robot na tila nakahalata ito sa kanyang binabalak.
BINABASA MO ANG
Killing Us Softly (Depopulation Series No. 1)
Ficção CientíficaIsang sekretong samahan na ang kanilang layunin ay bawasan ang populasyon ng mundo. Isang sakit na pinakalat sa buong mundo upang maisakatuparan nila ang hangaring sapilitang pagbabakuna sa mga tao. Isang pagsiklab ng kaguluhan na ang kahahantungan...
