Dami kong mga dapat gawin sa araw na 'to:
Agahan maligo para maagang makapasok para makapagdraft ng chapter bago mag-Flag Ceremony.
Gumawa ng banana shake, maglaga ng itlog, mag-exercise after office hours.
Kumain sa cocobistro, maglaba, magskincare.
Ang nangyari:
Chineck ang Shopee at Lazada kung nakadepart na ba sa Sorting Centers ang parcels ko kaya 'yong 5:30 ko na ligo naging 6:30. Nakasabay ko si Sir Gian sa elevator, nagbatian ng Happy New Year at nakaabot ng Flag Ceremony.
Hindi ako nakagawa ng banana shake at nakapaglaga ng itlog, pero bumili akong Star Margarine, Vitasoy, Peanut butter at Buy one take one na Vaseline Lotion sa Puregold. Di rin ako nag-exerise. Ang justification ko - nag-exercise naman ako kahapon, so technically rest day ko today kaya dumiretso na ako sa Libreng Sakay Bus, umuwi sa bahay para pick-up-in ang parcels.
Pero hindi lang din parcels na pick-up ko, pati mikropono. Nag-karaoke kami ni Mama, at ang last kong kinanta ay Someday ni Nina. Mas enjoy this time kumpara kahapon na tatlo-tatlo ang nagpapatugtog at maya't maya ang pagpapaputok.
Di na 'ko nakapag-Coco Bistro, ayoko na rin maglaba. Naghilamos lang ako ng Perla.
And for all of these, I tried my best not to beat myself up, not to guilt trip, and not be a Ms. Minchin. Mahirap para sa akin na bigyan ang sarili ng konsiderasyon kasi tingin ko, katamaran ko lang ito. That I could have done better.
Alam niyo iyong katagang 'things happen for a reason? It took me this long to see na kapag tinanggal mo 'yong phrase na 'for a reason' it sounds just about right as well.
Things happen. Millenials like to call it 'Shit happens.', Gen Z be like 'Awit!'. I mean, you could only hold your shit for so long. Ba't mo pa patatagalin? Be done with it. Kung hindi nangyari ang gusto mong nangyari, be done with it as quickly as you can. May mga gems din naman along the way, eh. (Ahem, si Sir Gian)
YOU ARE READING
Musings
RandomCreative dumps for my musings in life. The goal is to update this everyday. Will promise to write only from the heart. dedicated to myself first then to everyone