Dreams

12 1 0
                                    

Nagchat sa akin ang batchmate ko nong college, which is also my friend. He asked me kung puwede niya raw ba akong gawing guest speaker para sa kaniyang club. Kuwentuhan ko raw ang mga estudyante tungkol sa buhay ko bilang estudyante until where I am now.

Nabida na ako nitong friend ko sa club members niya na nakapagpublish na ako ng libro so I guess, inescapable iyong pag-usapan -yong pag-achieve ko sa dream ko.

Hindi ako agad nag-yes sa kanya kahit na babayaran niya naman daw ako. It's just, ang random naman niya para ako ang imbitahan niya. Also, hesitant ako kasi what he thought I considered a dream that became a reality e, hindi na ganoon ka-big deal sa akin. But when he finally said na, ang gusto lang talaga nila malaman ay kung ano yong nasa puso at kaluluwa ko, medyo narelax ako. Coz who could go wrong by being yourself?

Kanina habang nakikipagchat ako sa friend ko, narealize ko na, hindi ang dream mo ang magbibigay sayo ng fulfillment at hindi rin ibig sabihin na hindi ito nagmaterialize ay hindi ka na magiging masaya. Ika nga ni Miley Cyrus, 'It's the climb'.  The steps, the journey, that brings you much fulfillment.

MusingsWhere stories live. Discover now