Hello! Kumusta na? Matagal na rin bago ako nagparamdam sa mundo ng pagsusulat. Mga apat na buwan. Um-attend nga pala ako ng talk ni Direk Dulay sa One Ayala noong sabado. Nagbahagi siya ng mga pointers sa paglikha ng script para sa pelikula. I was expecting I'd get jealous, tulad ng pagkainggit ng kasabay ko sa kotse na kesyo ang babata pa lang daw ng mga direktor na ito ay nagagawa na nila ang kanilang gusto. (40 plus na siguro si Kuya, I'm not sure.)
Ini-expect ko maiinggit ako kasi nga, di ba, nagsusulat din ako. May mga idea na ako para sa short film, para sa commercially produced film, para sa indie film, sa novel, novellete, short story, bagamat lahat pending, rough draft, nasa lagas-lagas na notebook, nasa draft sa wattpad. Yet hindi ako naiinggit. Parang hindi inggit ang tamang term. Pero hindi ko rin alam kung ano ang tamang ilapat.
I mean, maganda kung naging libro, naging pelikula, nanalo ng awards and recognition ang aking mga akda, magiging akda. Pero mas maganda... hindi, mas mainam, mas mahalaga sa akin ang makapagsulat muli. Makapagsulat tulad ng pinakauna kong pagsusulat. Iyong kahit kabi-kabilaan ang project, quizzes, assignments noong college, naisisingit ko pa rin. Kasi low-key iyon ang aking priority.
Gusto ko siya muling maging priority. Iyong against all odds hindi puwedeng hindi ako makapagsulat. Alam kong kaya ko. Pero ang tanong ko sa sarili, sa estado ko ngayon, sa sitwasyon ko ngayon, 'Dapat ba ito ang aking unahin?'. Kung ang pagsusulat ay isang bagay na kailangan kong trabahuin, alam ko sa sarili kong hindi ko maibibigay ang aking isang-daang porsyente sa ibang mga bagay.
Hindi ako multi-tasker, that I know. Hindi rin ako ang pinaka-the best sa time management. And so I have to face the consequence. Well, hindi naman talaga consequence, if you look at the bigger picture. It's only a matter of time before things of those sort will happen to me, for me.
Right now, I am where I am. I'm not running to after some limelight. I'm just simply and leisurely walking.
YOU ARE READING
Musings
RandomCreative dumps for my musings in life. The goal is to update this everyday. Will promise to write only from the heart. dedicated to myself first then to everyone