Chapter One

0 0 0
                                    

Sabi nila kapag nag Mahal ka, kailangan tanggap mo din kung anong meron sya,simula umpisa. Kung anong mga hilig nya bago ka pa dumating sa buhay nya.
Pero paano mo, matatangap ang isang bagay kung ito din ang nagiging dahilan ng inyong pag-aaway?

Hi I'm Trixie, may bf ako na ang pangalan ay Gabriel,si Gabriel yung tipo ng tao na mabait,palabiro at maasahan mo sa lahat ng bagay. Ang kaso may isa lang lagi kaming pinag-aawayan,ang pagiging addicted nya sa mobile games. Noong una okay pa sa akin na nag lalaro sya,kase mas nauna naman yun kesa sa akin. Ang kaso habang tumatagal,nawawalan na din sya sa akin ng oras.

Pilit kung inintindi yung ugali nyang ganun,like di ko naman sya pinag babawalan. Ang tanging gusto ko lang naman ay bigyan nya ako ng atensyon pero bakit parang di nya magawa.

Tulad ngayon mahalaga ang araw na ito para sa aming dalawa,pero hanggang ngayon walang Gabriel Ang nag pakita sa akin.
Nakailang tawag na ako sa number nya,pero lagi nya lang pinanapatay.
Para na akong tanga dito na nag aantay kung dadating pa ba sya o hindi na.

Usual nag celebrate nanaman ako na mag isa,our first anniversary na ako nanamang mag isa. Nakakasawa na pero Wala eh,ako na ata ang pinaka manhid na babae sa balat ng lupa.

" Hello trix,ano ba nag lalaro ako" bulyaw na wika nito, matapos sagutin ang tawag ko.

"Mas importante ba yan gab? Kesa sa akin? Ako na gf mo" humihikbi kung saad dito.

"Pwede ba trix,mamaya mo na ako dramahan on game ako" galit pa din nitong sagot sabay patay ng tawag.

Namiss ko na yung dating Gabriel na Mahal ko,bakit ganun? Pakiramdam ko nag iba na lahat. Hindi na sya tulad ng dati na napaka sweet at ang Gabriel na kilala ko ay di ako magagawang sigawan. Pero Wala eh,nag bago na sya. Siguro nga masama akong gf,pero Wala eh manhid ako. Sobrang Mahal ko si gab.

"Bat ka umiiyak,dahil nanaman ba yan sa Gago mong bf" wika ng best friend kung si Chloe

"Huh? Ako umiiyak di ah" sambit ko dito.
"Hindi daw,pero obvious namang umiiyak,kung ako Sayo iiwanan ko na yang bf mo. Hindi nya deserve yang luha mo" pasermon na Saad ni Chloe.

Sa gantong pag kakataon si Chloe lang parati ang nasasabihan ko sa lahat. Alam nya kung paano kami nag kakilala ni gab,at alam nya din kung paano ako tratuhin ni gab. Noong una botong-boto pa sya sa aming dalawa ni gab,pero nong nalaman nya ang pag babaliwala sa akin ni gab nagalit na din sya dito.

"Hanggang kailan ka ba magiging tanga dyan? Look apaka daming lalaki sa Mundo tapos umiiyak ka sa isa" sermon pa din nito.

"Mahal ko kase Chloe,mag babago din naman siguro si gab diba?" Alam kung impossible na pero yun na lang Ang nasabi ko.

" Anong magagawa ng pag mamahal mo,kung di ka na nga nya Mahal,look trix ilang month ka na ba nyang laging iniidian? Ilang months ka na din ba na laging umiiyak. Tapos idadahilan mo Mahal mo. Bakit Mahal ka ba?"  Minsan kailangan ko talagang pokpokin ng materyo para matauhan.

"Alam kung masakit trix,pero kailangan mo na syang iwan. Kesa naman parati na lang kayong ganyan" muling Saad nito

"Hindi pa sa ngayon Chloe, siguro kapag naubos na lahat ng pag mamahal ko sa kanya"Saad ko naman dito

"Hay! Naku sinalo mo na talaga lahat ng kamanhidan sa Mundo"iling-iling na wika nito sabay walk out.

Hindi pa din ako tumigil sa kakakulit Kay gab,minu-minuto lagi ko syang kinakamusta true chat,pero usual puro seen. Kaya naisipan ko na dalawin na sya sa kanila.
Sobrang miss ko na din kase sya kahit ganun Yung ginagawa nya sa akin.

Andito na ako sa harap ng pintuan nya,pag kabukas ko ng pinto usual wala sya,tinignan ko yung paligid malinis Naman,kaso may isang bagay ang nakapukaw sa aking mata.

Mga damit ng babae, sa puntong ito kinabahan na ako. Ang dami ng pumapasok sa utak ko at halos maiyak na ako.
Para makasigurado ako sa kutob ko,agad-agad ko syang pinuntahan sa kwarto nya.

Pag kabukas ko ng pintuan, unti-unting kumawala ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Bakit? Yan Ang unang pumasok sa utak ko. Matapos kung masaksihan ang kalokohan na ginagawa sa akin ni gab. Sarap na sarap sya sa mga pinag gagawa nila, samantalang ako dito durog na durog na.

Dahil sa Hindi ko macontrol na galit, agad-agad ko silang sinugod.
"Ano ba trix bitawan mo nga sya" awat na Saad ni Gabriel sabay tulak nya sa akin,na naging dahilan upang bumagsak ako sa sahig.

" H*y*p ka gab,matapos kung ibigay sayo lahat ganito lang gagawin mo,lolokohin mo ako? Ano pa bang kulang gab? Minahal Naman kita ng sobra diba! Halos mamatay na ako sa pag mamahal ko sayo,halos tanga na nga ako eh. Tapos ito lang igaganti mo sa lahat ng sakripisyo ko sayo. Para lang sa lecheng relasyon na ito. Kulang pa ba lahat gab!" Hinanakit na Saad ko dito

"Hindi ko naman hiniling na mahalin mo ako trix,Hindi ko na kasalanan kung nag pakatanga ka sa relasyon nating ito,kase in the first place pustahan lang naman lahat ito. Oo Trix pinag pustahan ka namin ng mga kaibigan ko" sobrang sakit,yun tipong ako lang Pala talaga Ang nag mamahal sa relasyon naming ito. Puro pakitang tao lang Pala yung pag mamahal nya sa akin nong mga panahon na Akala ko Mahal nya din ako.

"Tigilan na natin ito trix Hindi Naman talaga kita minahal at sawang sawa na ako sayo,kaya nga ako nag games para iwasan yang pangungulit mo,ngayon ako Yung nanalo sa pustahan namin kaya Wala na akong pakeelam sayo. Nakikita mo itong kasama ko gf ko sya at magiging fiance ko sya kaya umalis ka na sa pamamahay ko" Saad nito.

"Sige gab,aalis ako pero ito tandaan mo. Oras na lumabas ako sa pamamahay mo Hindi ka na pwedeng bumalik pa sa akin,o mag habol pa tapos na ako gab,sawa na ako sa kakaiyak at sa pag hahabol sayo,na dapat pala di ko na lang ginawa thankyou for everything gab and sana mag tagal kayo paalam" huling Saad ko dito bago ako umalis,at sa pag Alis ko na ito tatalikulan ko na ang lahat at sa pag talikod ko na ito,sinusumpa ko na makakalimutan ko sya.

"Sa wakas natauhan ka din pero Hindi lang Pala sya Gago cheater din pala sya,ang pangit-pangit nya Naman para mag cheat sayo like hello apaka ganda mo kaya" Saad ni Chloe,napatingin na lang ako sa muka ni Chloe buti pa sya nasa healthy relationship,buti pa sya Hindi niloko.

"Kung maganda ako Chloe edi sana diba Hindi nya ako niloko"Saad ko dito

Correction pinag pustahan ka nila,at di nila na appreciate yung ganda mo sobrang Ganda mo kaya, mas madaming lalaki Naman ang dadating para Sayo kaya huwag ka na malungkot dyan" sa lahat talaga ng kaibigan ko si Chloe lang yung nag papalakas ng loob ko.
"Gusto mo punta tayong bar, sa pinsan ko para makalimot ka Kay gab" muling Saad nito
" Kita mo naman na di ako nag iinom" sabay irap ko dito
"Ano ka ba! Hindi ko naman sinabi na mag iinom Tayo,mag enjoy lang Tayo don sumama ka na kesa Naman mag isa ka nanaman dito sa condo mo."
" Sige na nga sasama na ako mapilit ka talaga eh noh!"
"Syempre kaya mo nga ako naging kaibigan" tumatawang Saad nito.

Hindi talaga ako Pala Alis ng bahay kapag ganitong sitwasyon pero dahil mapilit si Chloe sumama na lang ako sa kanya. Ganito Pala ang pakiramdam kapag nakapasok ka sa isang bar,lahat pwede mong gawin. Walang mag babawal sayo. Siguro kailangan ko lang talaga ilabas lahat ng hinanakit ko. Kahit di ako marunong mag inom, siguro panahon na para pag aralan ang pag iinom.
Unang lagok ko pa lang ng wine na inorder ko puro pait na agad ang nalasahan ko.
Ganito Pala ang lasa nito, hanggang sa di ko namalayan na nakakarami na pala ako ng inom.
Hanggang sa sumasabay na ako sa beat ng  music na nang-gagaling dito sa bar.

"Ops! Sorry miss masyado ka kaseng attractive" Nilingon ko ang lalaking mag sabi non,at sinamaan ito ng tinggin.
Iiwas na sana ako pero patuloy nya akong sinusundan.
"Stop following me! Hindi ka naman siguro aso para sundan ako" naiinis at bwesit kung saad dito
"Chill ka lang miss,gusto ko lang Naman makipag kaibigan,bago ka kaseng muka dito. By the way I'm  Jethro pero kung gusto mo tawagin mo na lang akong love o kaya Mahal doon din naman mapupunta yun"  mahangin at confident nitong Saad.
" Ang hanging Naman dito,grabe Wala akong pakeelam kung sino ka o kung ano ka man,kahit anak ka pa ng pinaka mayaman sa pilipinas walang may pake pwede ba tigilan mo ako" pagalit na Saad ko dito
"Bat ba ang init mo? Gusto ko lang Naman makipag kaibigan Wala ng iba" kamot-kamot na  Saad nito
"Wala ka na don pwede ba layuan mo ako,ayaw kung makipag kaibigan sayo" suplada kung saad dito. Pagewang-gewang akong umalis sa harap ng lalaki na nambwebwesit sa akin.
Dala na din ng kalasingan Hindi ko na namalayan na Wala na pala ang kaibigan ko na si Chloe,hindi ko na din naman kaya hanapin ang loka-loka na iyun  dahil nga lasing ako.

Echoes Of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon