Chapter Ten

0 0 0
                                    

Flashback

"Celine baka madapa ka" sigaw ng isang batang lalaki mula sa malayo tinignan lang ito ni celine at tumakbo uli ng mabilis, may goal kase sya at yun ay ang taguan ang batang lalaki na kasing edaran lang nya.

"Huli ka kala mo di kita makikita ah! Dito ka lang naman mahilig mag tago"

"Apaka duga mo naman jeth dapat di mo alam kung asan ako" nakasimangot na saad ni celine

"Ang cute mo talaga kapag naiinis nga pala celine baka hinahanap na tayo ng mommy ko tsaka ng mama mo"

"Mamaya na tayo umuwi, kuha mo muna ako ng mangga"

"Aysss sige na nga"

Dali-dali naman umakyat ang batang jethro sa puno ng mangga, dahil sa madulas ang puno bigla na lang itong nadulas kaya dali-daling pumunta si celine sa kinalalagyan ni jethro at nag aalala nya itong tinignan.

"Jeth okay ka lang? May masakit ba sayo? "

"Wala namang masakit sa akin ang kaso di kita nakuha ng mangga"

"Hindi na importante yun umuwi na tayo para matignan at mahilutan ka ng mama ko"

Masayang umalis ang dalawang bata sa puno ng mangga.

Simula pag kabata ay mag kasama na silang dalawa hanggang sa tumanda sila pareho, may pangako sila sa isa't isa na mag papakasal sila. Sinumpa nila yun sa puno ng mangga kung saan ito ang saksi kung paano nabuo lahat.

Hindi naging hadlang ang kahirapan upang mag mahalan silang dalawa ngunit sadyang mapag laro ang tadhana, kailangan mag aral ni Jethro sa manila kaya napilitan syang iwan muna si celine sa probinsya na kanyang kinalakihan.

Pero nangako si Jethro na kapag balik nya mula sa manila ay papakasalan nya na ang babaeng mahal nya.

Lumipas ang minuto,buwan at taon naging maganda naman ang relasyon ng dalawa ngunit tulad ng sabi ko ang tadhana ay mapag biro.

Nasa byahe pa lang si jethro para umuwi sa bayan na kinagisnan nya ay kinakabahan na sya, kaba na di nya alam kung para saan pero pilit nyang kinalma ang sarili at nag tuloy sa pag papa-andar ng sasakyan nya.

Hindi din naman nag tagal ang byahe nya dahil naka kotye naman ito sa pag tungtong nya sa kanilang mansyon agad nyang hinanap si celine, ngunit bakit tila di nya ito matagpuan hanggang sa pinuntahan nya ito sa puno ng mangga nag babakasali na baka andon lang ito.

Ngunit wala syang celine na natagpuan pilit nyang hinanap ito ngunit di nya makita ang babaeng nais nyang pakasalan, nawawalan na sya ng pag asa kaya bumalik na lang ito sa mansyon.

Ngunit bago pa man sya makatungtong sa mansyon na yun isang malakas na sigaw ang narinig nya at ang sigaw na yun ay pag hingi ng saklolo.

Lakad-takbo ang ginawa nya upang makarating sa mansyon nila ngunit pag tapak nya sa mansyon ay duguan na mga tauhan nila ang nakita nito, umagaw pansin sa kanya ang babaeng kanina nya pa hinahanap halos wala na itong buhay dahil sa tama ng bala.

Agad-agad nya itong pinuntahan nag babakasali na baka pwede nya pa itong masalba pero hindi huli na ang lahat wala na itong buhay ng madala sa hospital, simula nong nangyare ang masalimuot na nangyare sa taong mahal nya ay sinumpa nya na ang lahat ng babaeng dadating sa kanya at sinabi sa sarili na si celine ang tangi nyang mamahalin habang buhay.

Bumalik si jethro ng manila upang hanapin ang mga taong pumatay sa babaeng pinaka mamahal nya at ang masaklap nalaman nya mismo sa ama nya ang lahat.

Madaming kalaban sa negosyo ang mga magulang ni jethro at gusto ng mga ito na mapabagsak sila kaya nong umuwi sya sa probinsya nila.

Sya dapat ang papatayin ng mga ito subalit si celine ang naabutan ng mga ito kaya ito ang nag buwis ng buhay para maligtas sya.

Nagalit sya sa ama nya at halos isumpa nya na ito naging laman ng bar si jethro halos patapon na ang buhay at kung sino-sinong babae ang nakakatabi nito tuwing gabi.

Halos kamuhian na nito lahat at halos isumpa na ang mundo ngunit nag bago ang lahat simula nong nakilala nya si trixie ang babaeng muling nag patibok sa puso nya.

Pinangako sa sarili nya na kahit na anong mangyare handa syang protektahan ito at hindi na mangyare ang nakaraan.

End of flashback

Echoes Of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon