Trixie POV:
Dalawang lingo na akong nandito at di na ako natutuwa sa dalawang lingo na yun puro dagat na lang nakikita ko sometimes is peaceful pero bakit naman kase nasa bundok kami, sa lahat ba naman ng pwedeng kumidnap sa akin bakit sa dagat pa naisipan.
Apaka baduy mag isip ng pasimuno nito isa pa sa dalawang linggo na yun di ko pa din alam ang pangalan nya, misteryoso pa din sya dahil kahit anong tanong ko sa pangalan nya puro kapilosopohan ang sinasagot nya nakakamiss na uli bumalik sa university kamusta na kaya ang bff ko na si chloe ang tagal na din naming hindi nag bobonding, lately kase nabusy ako sa pakikipag date kay Jethro isa pa yung gago na yun sakit nya mahalin kamusta na kaya sila ni celine.
Masaya kaya syang sinaktan nya ako? Nyeta paulit-ulit na lang phase ng pananakit ng mga walang kwentang minamahal ko ah! May pasabi-sabi pa syang mamahalin kita hanggang mamatay ako malaking scam din pala sya sarap nyang tirisin ng pinong-pino."Dahan-dahan naman sa pag balat ng sibuyas minumurder mo na yan ohh! Kawawang sibuyas" pinanlisikan ko naman ng mata itong no name na ito
"Aga-aga badtrip ka kaya ka lalong pumapangit eii naka simangot ka nanaman pero para sa akin maganda ka pa din" opo ganyan sya bigla na lang mambobola ng napaka mais pero eii bat ako kinikilig parang tanga
Huwag mag pahata trixie ipag patuloy mo lang pagiging masungit mo.
"Alam mo no name kung ayaw mong ikaw ang tadtadin ko huwag mo ako guluhin dito nabebwesit nanaman araw ko sayo ah!"
"Init ng ulo may period ka ba tinggin ako"
Sa sobrang bwesit ko naihagis ko sa kanya yung binabalatan kung patatas ayun sapul sa ulo at bumukol ito masyado atang napalakas pag hagis ko sa kanya pero deserve nya naman yun.
"Look anong ginawa mo sa pogi kung pag mumuka apaka amazona mong babae tss bat sayo pa nag kagusto kakambal ko"
Teka word of kambal confirm kambal nga sila ng walanghiya jethro bigla naman itong napatakim sa bibig at sabay kalipas ng takbo mukang tanga lang.
Ako naman pinulot ko yung patatas at hinugasan baka mamaya may germs pa ulo non. Mahirap na baka mag kasakit pa ako dahil sa kanya.
Ilang minuto lang din ay natapos na ako sa pag luluto at maya-maya din bigla na syang bumaba na walang damit pang itaas di ba sya aware na may babae syang kasama.
"Sabi na nga ba eii pinag nanasaan mo ako"
"Pareho kayo ng kakambal mo apaka hangin ang pangit nyo naman pareho tumabi ka nga dyan" sabay lagpas sa kanya pero infernes ang bango nya grabe trixie landi era mo ba.
"Bat ang sarap mo mag luto kahit simpleng cornbeef lang kapag ako nag luto nito kung di sunog walang lasa" kamot-kamot na saad nito
"Hindi ka kase marunong mag luto yun lang yun isa pa mag salita ka ng walang laman ang bibig"
"Opo mommy"
"Iww huwag mo nga akong tawaging ganyan wala akong anak na gurang na kumikidnap ng nanay"
"Hindi naman kidnap ito, saan ka nakakita ng kidnap na pinapakilos at inuutusan mag luto ang hostage tsaka kung kidnap ito malamang sa malamang naka tali mga paa at kamay mo tapos nandon ka sa isang kwarto na madilim pag katapos baka ginagahasa na kita"
"Ang dami-dami mong say kumain ka na nga lang dyan"
Napatawa na lang ito at pinag patuloy namin ang kumain ng tahimik inip na inip na talaga ako dito gusto ko na uli makita ang siyudad, maski nga cp wala ako letye tinago o nawala ko ata phone ko during nong nag inom ako kaya wala akong magawa dito kundi kumain at matulog.

BINABASA MO ANG
Echoes Of Yesterday
RomanceIt's about the people you love and the memories you create. It's all about the love you shared together, a love that fire. Fire like no one can replace. Tama nga bang iwan ang taong minsang bumuo sayo! Ang taong minsang nag pasaya sayo. Being a week...