Nakatulala ako ngayon sa labas ng university namin,habang inaantay si Chloe, sobrang tagal nanaman kase ni Gaga,kanina pa ako dito at halos mangalay na kakatayo.
Kay Chloe kase ako sumasabay kapag uwian,wala naman kase akong sariling sasakyan dahil ayaw ako bigyan ng mga magulang ko..
Natatakot kase sila sa pwedeng mangyare sa akin..
Sa gitna ng pagiging tulala ko dito may umagaw sa pansin ko,sino pa nga ba edi ang professor namin..
Pinag masdan ko uli ito,ang hot nya talaga,aminin ko man o hindi gwapo talaga sya..
Sabi ko galit ako sa kanya ngunit bakit parang ngayon nagugustuhan ko na ata sya.
Erase erase Trixie Hindi pwede dahil professor mo sya at tsaka ninakaw nga pala nito ang first kiss ko,pero deep inside gusto ko din naman yung halik nya.
Nakakabaliw kase ito. I hate my mind na, kasalukuyang syang nag lalagay ng helmet sa ulo nya because motor ang gamit nya.
Ang angas nya sa lagay na yan lalo syang naging hot sa paningin ko. Sarap talagang sampalin ng sarili ko,parang di ako dumaan sa pagiging broken kay gab, sabagay may fiance nga pala sya.
Siguro nga kailangan ko na talagang tangapin na hindi na talaga maibalik yung dating kami.Hanggang ngayon kase umaasa pa din ako, pero bakit nga ba ako aasa sa isang bagay na possible na.
"Masyado mo na ata akong pinag nanasaan love, if you want me just tell me payag naman ako" tinignan ko ito ng nag tataka dahil sa walang kwentang sinabi nito
"Excuse me,I don't like you hindi ako pumapatol sa professor,tsaka kapag ikaw wag na lang" pabara kung wika dito
Nakita ko naman ang pag ngisi nito,ngisi na hindi ko alam kung saan nang-gagaling
"Huwag ka mag salita ng tapos love, dahil simula ngayon inaangkin na kita yan ang tandaan mo" mga kataga nyang nag pabilis ng tibok ng puso ko.
Unti-unti syang lumapit sa akin at kinuha ang mga kamay ko,at bigla nya itong hinalikan,mabilis ko naman itong binawi dahil para na akong mababaliw sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"I will make sure na magiging akin ka,walang pwedeng manakit sayo kundi ako lang siguro nga mali na mahalin ka pero walang Mali sa pag mamahal ko" na shock na lang ako sa mga sinabi nya dahil para itong nahihibang..
Anong pinag sasabi ng lalaking ito,muka itong naka drugs mas minabuti ko na lumayo mula sa kanya dahil hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko..
Hindi pa din sya umaalis sa harapan ko,para nga itong baliw sa kakatitig sa akin..
Ganun na ba talaga ito kapatay sa beauty ko."Sino pala inaantay mo" basag nito sa katahimikan na bumabalot sa paligid naming dalawa
"Ano nanan sayo? Pwede ba umalis-alis ka sa harapan ko" inis na Saad ko dito
"Apaka sungit mo talaga,pero I like your attitude pasado yan sa taste ko" ngising saad nito
"So,I don't like you kaya leave me alone jerk"
"I said wag kang mag salita ng tapos,malay mo mahulog ka sa akin,well kahit naman hindi ka mahulog sa akin. Akin ka pa din naman yan ang tandaan mo love,walang lalaking pwedeng lumapit sayo kundi ako lang,madamot ako sa isang bagay na pag mamay ari ko. Either you like it or not akin ka" maoturidad na saad nitoBakit ako kinikilig sa mga sinasabi nito,tapos yung puso ko walang tigil sa pag kabog para itong sasabog..Hindi ko namalayan na umalis na pala ito sa harapan ko.
Iniwan ako nitong nakatulala at naguguluhan sa mga sinabi nya,pati puso ko walang tigil sa pag kabog.Hindi ko namalayan na mag gagabi na, hanggang ngayon wala pa din si Chloe kaya mas minabuti kung tawagan ito.
"Hello,Chloe asan ka na ba? Mag gagabi na oh!"
"My gosh I forget na sabihin sayo mamayang gabi pa uwi ko,dahil nabago ang shift schedule ko. Sorry na beshy promise babawi ako bukas."
"Bakit di mo sinabi sa akin,kanina nong nasa cafeteria tayo"
"Nakalimutan ko kase beshy hehehe sorry na commute ka muna ngayon,basta mag iingat ka beshy ko"
" Wala naman akong choice Chloe,sya sige na mag iingat ka din pauwi"
"Sige beshy,ingat ka din tawagan mo ako kapag nakauwi ka na"huling habilin ni Chloe bago ko tapusin ang tawag naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Echoes Of Yesterday
RomanceIt's about the people you love and the memories you create. It's all about the love you shared together, a love that fire. Fire like no one can replace. Tama nga bang iwan ang taong minsang bumuo sayo! Ang taong minsang nag pasaya sayo. Being a week...