Chapter Nine

0 0 0
                                    

Chapter nine:

Jethro POV:

Minsan ko na nga lang sya yayain mag date naging memorable pa sa kanya.

Date with hospital ang theme namin ngayon bat kase ayaw akong tantanan ng mga kaaway ni daddy sa company, pati ako naiipit and mas worse pa is baka madamay din si trixie makakapatay talaga ako ng tao oras na hawakan o kahit  na dumampi ang kamay nila kay trixie.
Ayaw ko syang pinag aalala kaya hangga't kaya ko syang iiwas sa gulo ng pamilya ko ay iiwas ko sya.

Hindi pwede na pati sya mawala o madamay sa akin ayaw ko na mangyare ang nangyare noon, hindi ko man lang nagawa protektahan ang taong mahal ko non pero ngayon alang-alang kay trixie sa abot ng aking makakaya proprotektahan ko sya.

Kanina ko pa sya pinag mamasdan sya pa ata yung natamaan ng bala paano naman kase sya yung natutulog, hindi na ako mag papatumpik-tumpik pa may gusto na talaga ako sa babaeng ito. Yanong lakas ng epekto nito sa akin dinaig pa ang gin at lambanog sa sobrang lakas ng tama ko sa kanya, maski nga ata red horse walang katumbas confirm baliw na nga ako sa kanya.

Alam ko at ramdam ko na may nararamdaman na din sya sa akin, kung wala syang nararamdaman sa akin aba'y pwede naman ipilit tsaka hahalikan nya ba ako kanina sa coffee shop kung di nya ako gusto. Isa pa papayag ba syang may mangyayare sa amin kung di nya din ginusto, pareho lang namin ginusto ang nangyare at masaya ako don masaya ako dahil after a years natutunan ko uli mag mahal after what happened sa past.

I love trixie handa akong isugal ang buhay ko para lang maprotektahan sya, simula nong naging akin sya at nakuha ko ang matagal na nyang pinag kakaingatan alam ko sa sarili ko na may dapat akong protektahan at walang iba kundi sya.

Ewan ko ba sa sarili ko pero nakaka adik talaga ang mga labi nito, unti-unti kung nilalapit ang muka ko malapit sa muka nya upang mahalikan ko sya. Sa pag malapit na pag lapit ng labi namin ay ang syang pag mulat nito kaya napaayos ito ng upo, lihim naman akong napamura dahil mukang alam nya kung ano nanaman ang gagawin ko kaya kailangan ko gumawa ng dahilan.

"Anong ginagawa mo, nangtyatyangsing ka nanaman" bugnot nitong bulyaw sa akin

"Assuming ka nanaman natulo kase laway mo kaya balak ko sana punasan, grabe ka pala matulog noh! Kulang na lang mag karoon ng baha dahil sa pag tulo ng laway mo" agad nya namang hinipo ang labi nya at chinceck kung meron nga ba talaga syang laway at ng mapatanto nyang niloloko ko lang sya, ay bigla nya akong pinag hahampas ako namang ito si baliw tawa ng tawa.

Ganun lang pala sya kabilis mauto pero ang saya sa pakiramdam dahil alam kung meron sya na pag mamay ari ko, pilyo man ako pero alam ko sa sarili ko na mag babago ako dahil sa kanya handa akong kalabanin lahat. Handa kung isugal maski ang buhay ko upang maprotektahan lang sya at hindi na maulit pa ang nangyare sa nakaraan.

Echoes Of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon