Trixie POV:
Ilang lesson pa ang nag daan tuluyan na natapos ang araw na ito, araw kung kailan nag yaya sya mag date sa coffee shop.
Hindi man tunog romantic pero kakaiba ang nararamdaman ko para bang ang saya ng puso ko minsan napapatanong na din ako sa sarili ko "INLOVE NA NGA BA AKO? " pero naguguluhan pa din ako masyadong madaming nangyare.
Hindi ko na din maiintindihan minsan ang sarili ko sa sobrang lalim ng pag iisip ko di ko namalayan na andito na ako sa parking lot at di ko namalayan na pinag mamasdan ko na syang palabas ng university.
Kay bilis ng tibok ng puso ko sarap nitong pag masdan mula sa malayo ang mga bisig nito na kahapon lang ay nasa mga katawan ko at ang mga labi nito na kahapon lang ay mainit naming pinag sasaluhan, shock tuwing naalala ko talaga yung nangyare sa amin sobrang umiinit nanaman ang pakiramdam ko hindi sa gusto kung maulit ito sadyang parang nanliliit lang ako sa sarili ko sa isang iglap bigla na lang nawala lahat.
Hindi ko namalayan na tumigil na sya sa harapan ko at binibigay ang helmet tinignan ko lang ito dahil wala talaga akong idea kung paano ito suotin like hello di naman ako nag momotor, ginagamit ko lang namang sasakyan non ay kotye pero never ako nakagamit o nakasakay sa motor kaya wala akong idea kung paano mag suot ng helmet. Buti na lang nahalata nya na di ako marunong mag kabit ng helmet kaya dahan-dahan syang lumapit sa akin at sinuot ang helmet pero bago pa man nya isuot ang helmet hinalikan nya muna ako sa noo.
Enebe yung puso ko todo kalog nanaman abnormal na puso para akong aatakihin na di ko maintindihan pero ang alam ko masaya ako tuwing kasama ko sya.
Maya-maya lang ay nakaangkas na ako sa kanya nong una ay di ko pa alam kung paano umangkas at humawak sa kanya pero kinuha nya ang kamay ko at nilagay nya ito sa tyan nya kung baga naka back hug ako.
Pero ang angas nya pag masdan kapag nakamotor dahil dyan dagdag pogi points para sa kanya, hindi din naman nag tagal ay nakarating na kami sa sinasabi nyang coffee shop maliit lang ito at kakaunti lang ang mga taong pumupunta dito.
Pero yung atmosphere yanong ganda, hindi ko din alam kay jeth kung bakit dito nya napili pumunta, siguro mahalaga din sa kanya itong place na ito.
"Hi ser jeth long time no see, yung dati pa din bang order nyo" napatingin naman sa akin yung cashier dito tinggin ko mataray ito base na din sa pag tinggin nito sa akin.
"Yes, ikaw love anong want mong coffee"
Ayan nanaman sya sa pag tawag nya sa akin ng love and ako naman itong si tanga, kinikilig nanaman pero dapat di mag papahalata like strong independent woman
"Yung best seller nila gusto kung itry"
"Okay ma'am and ser paki intay na lang po ng order nyo" halatang naiba ang timpla ni ate cashier matapos akong tawaging love ni mokong.
Inassist ako ni jeth sa upaan at hinawakan ang kamay ko gusto ko sana alisin pero hinayaan ko na lang din gusto ko lang mang inis ng cashier na may gusto sa future bebe ko. Assuming na ba ako nito pero malay mo diba napansin naman ni jeth na ngumingiti ako mag isa siguro iniisip nito nababaliw na ako.
"Love okay ka lang ba kanina ka pa kase ngumingiti dyan may nakain ka bang hindi maganda? Para lagi ko sayong mapakain" tinignan ko naman ito ng masama at humalakhak naman ito ng bonga dahil sa inasal ko mukang binabawi ko na pogi ito ang pangit nya na sa paningin ko.
Maya-maya ay dumating na din ang order namin at itong si ate cashier todo papansin sa jeth ko kaya ang ginawa ko, lumapit ako kay jeth at hinalikan ito gulat si ate cashier sabay walk out ito.
Balak ko na sanang tapusin ang kissing scene namin ni jeth pero ang gago na willing na napalalim na ang halikan namin itutulak ko na sana ito pero ang gago ayaw paawat lalo nyang nilaliman nakakahiya buti na lang walang masyadong tao ngayon, ilang minuto lang at bumitaw na sya sa halikan namin siguro ay naubusan na ng hininga.
"Ang sarap talaga ng lips mo mas masarap pa sa kape ko"
"Pero kung mas masarap ako sa kape bakit dito ka pa din nag kakape" pilosopo Kung sagot dito natawa naman Ito sa sinagot ko pero hindi ko na lang pinansin at inumpisahan na inumin ang kape na inorder ko.
Hindi din masama ang best seller nila ah! Hindi ko pa nakakahalti ang kape ko ng biglang nag kagulo sa labasan dahil dakila akong chismosa gusto ko pa sanang silipin kung anong meron pero nagulat na lang ako ng biglang akong pinadapa ni jeth at ang sunod na lang nangyare ay palitan ng baril.
Ano ba kase talaga si Jethro? Bakit ubod ata sya ng malas bakit parati na lang syang hinahunting ng mga may baril jusko kapag siguro ito naging syota ko delikado lagi buhay ko.
Maya-maya lang ay tumigil na ang putukan tatayo na sana ako pero pinigilan pa din ako ni Jethro huli na ng mapatanto ko na may tama sya.
"Gagi okay ka lang? May tama ka masakit ba wait tatawag ako ng abulansya"
Agad-agad ko dineal ang number ng ambulance kaso tulad ng sa pelikula mamatay na lang ang bida apaka tagal pa mag si dating, tinignan ko naman si jeth at ang loko nagawapang ngumiti yung totoo baliw na ba talaga ito? Maya-maya lang dumating na ang ambulance todo madali sila na asikasuhin si Jethro ngayon ko lang narealize na ang dami palang sumugod sa kanya.
Bakit pakiramdam ko hindi ko talaga kilala ang buong pag katao ni Jethro, bakit tila ang dami nyang kaaway.
Ang daming tanong na gumugulo sa utak ko, mga tanong na di ko alam kung paano masasagot o Kung may kasagutan nga ba?

BINABASA MO ANG
Echoes Of Yesterday
RomanceIt's about the people you love and the memories you create. It's all about the love you shared together, a love that fire. Fire like no one can replace. Tama nga bang iwan ang taong minsang bumuo sayo! Ang taong minsang nag pasaya sayo. Being a week...