Trixie POV:
Kasalukuyan akong andito sa bar luluk na ng alak ang sistema ko halos di ko na mabilang kung ilang alak na ba ang nainom ko. Halos wala na akong pakeelam sa paligid ko sa mga manlalanding asa harapan ko, sa mga taong pumapagitna na sa stage wild kung titignan makikita mo sa mga mata nila yung pag nanasa.
Pero ito ako lunod na sa alak muli nanaman gumuho ang buhay ko akala ko magiging kami, akala ko ako ang mahal nya pero tang ina akala ko lang lahat pala yun. Umaasa lang pala ako sa wala trixie ang tanga-tanga mo, wala ng natira sayo maski sarili mo naibigay mo na sa hayop na yun.
Tang inang mga luha ito hindi na natapos pagod na pagod na akong umiyak.
Isang lagok pa ng alak alam kung tutumba na ako, how i wish na sana mawala na lang yung sakit pero hindi ang sakit-sakit.
In the first place ako yung umasa ako yung nag feeling na may nararamdaman din sya sa akin pero its all lie pala, kasinungalingan lang pala ang lahat sarap nyang ibigwas at itapon tang ina nya.
"Hey miss tama na yan" tinignan ko ang kumuha ng alak na iniinom ko at tinignan ito ng masama, panibagong salot nanaman.
"Pake mo? Sino ka ba? Umaalis alis ka nga sa harapan ko" pag taboy ko dito
"Ang harsh mo naman ikaw na nga pinipigilan uminom tinatarayan pa ako"
"Sinabi ko bang pigilan mo ako? Kaya nga tinawag na bar ito kase madaming alak, ano feeling shining amor ka? I don't need your help"
"Ang kulit ng lahi lika na hahatid na kita pauwi baka malagot pa ako sa boss ko"
"Wala akong pakeelam sa boss mo, pwede ba iwan mo na ako i don't need your help" kahit pasuray-suray ay pinilit ko lumakad ng diretyo para lang maiwasan itong lalaking epal na ito.
Pero unang hakbang ko pa lang muntikan na akong tumamba siguro nabanog na ako kung di pa ako nasalo ng lalaking ito, aba ang gago binuhat ako muka ba akong lampa.
"Ano ba ibaba mo ako"
"Isa pang pumiglas mo hahalikan kita dyan"
Tang ina pala nito eii mga gago talaga ang lalaki.
Hindi na lang ako nag pumiglas para saan pa mamaya halikan nya nga ako, ayaw ko na uli gumawa ng ikakasisi ko nanaman.
Pero kung sino man itong lalaki na ito sana di sya mangulo sa buhay ko, kakalimutan ko na ang mga taong nanakit sa akin panahon na ata upang lumayo.
Nagising ako sa sinag ng araw tinignan ko ang paligid at nag tataka kung nasan ako, una kung tinignan ang katawan ko nakahinga naman ako ng malalim ng makitang ito pa din ang suot ko.
Pero nasan nga ba ako? Kaninong bahay ito makikita mo sa bahay na ito na simple lang, tumayo na ako sa higaan at tinignan ang labas ng terrese kitang-kita dito ang mga bahay maging ang bundok isa pa may dagat.
Tang ina nasa isla ba ako? Pero sinong nagdala sa akin dito putang ina wala akong matandaan.
Agad-agad akong lumabas ng terrese at dumiretyo palabas ng pintuan, kailangan kung malaman kung sino ang nag dala sa akin dito.
Ilang hakbang na lang ang hahakbangin ko para makapunta sa living room, pero naudlot ang pag hakbang ko dahil may nakita akong lalaking mistiso na prenteng nakaupo sa sofa, akalain mo ngang hari sya kung titignan pero teka bat kamuka nya si jethro.
Dahil busy ako sa pag tinggin sa makisig nitong katawan hindi ko namalayan na na out of balance na ako. Buti na lang kamo naagapan nyang saluhin ako.
"Clumsy woman kung gusto mo naman pag nasaan ang katawan ko handa ko na mang iaalay sayo"
Nang init bigla ang mga pisngi ko dahil sa sinabi nito.
"Cute mo pala mag blush"
Inirapan ko lang ito mag pupumiglas na sana ako sa pag buhat nya pero hindi nya hinayaan na makawala ako, feeling ko isa akong prinsesa na pinag sisilbihan ng hari.
Ano nanaman ba pumapasok sa kokote ko.
Tuloy-tuloy nya akong binuhat hanggang sofa at binaba nya ako ng dahan-dahan.
Gusto ko malaman ang pangalan nito bat kamuka nya si jethro don't tell me mag kapatid sila.
Itong isang ito mistiso na singkit nakaka akit ang kulay ng mata nito malalaman mo agad na hindi ito pure na pinoy base sa singkit ng mata nito maging sa kulay nito.
Katulad ni jethro singkit at mapungay ang mata na akala mo laging humihingi ng halik pero itong isang ito iba kesa kay jethro mas possessive ito kung titignan.
"Anong pangalan mo? At ang hamak mo ah! Asan ako kidnapper ba kita? Wala akong ibabayad sayo"
"Sa gwapo kung ito napag kamalan pa akong kidnapper ang harsh mo talaga sa akin kagabi ka pa sa bar." Ismid na sabi nito inirapan ko na lang uli ito.
"So sino ka nga? Bat mo ako dinala dito"
"Well let me think sino nga ba ako? Tsaka bat kita dinala dito alam mo kung bakit kase trip ko lang"
Napanganga na lang ako sa sinabi nito, tang ina bat ang daming baliw ngayon napasama pa itong isang toh!
"Pakitakip ng bunganga baka mapasukan ng langaw"
"What ever mr. Uuwi na ako sa amin" didiretyo na sana ako sa labas ng pintuan pero agad nya akong pinigilan.
"Hep hep hindi ka pwedeng umalis dito ka lang sa isla hangga't di ako nakaka sigurado na ligtas ka"
Ligtas? Muka bang nanganganib buhay ko wala na lang akong nagawa kundi ang umupo na lang sa sofa.Continuation of chapter twelve
Trixie POV:
Ayaw ko ng makipag talo sa lalaking kaharap ko masyado akong binabanas sa kanya, ni di ko nga alam kung anong pangalan nito. Galing nya kase mag joke time.
"Marunong ka ba mag luto?" Out of nowhere na tanong nito
"Oo bakit?" Taka ko namang sagot dito
"Nagugutom na kase ako baka pwede ipag luto mo ako"
"Ang kapal naman ng muka mo wala ka bang kasambahay"
"Kung may kasambahay ako tinggin mo mag papaluto ako sayo"
Napa face palm na lang ako dito at dire-diretyo pumasok sa kusina.
Ilang sandali lang ay natapos na ako mag luto tatawagin ko na sana sya ang kaso ang loko mas nauna pa sa lamesa.
Tahimik lang kaming kumakain ng binasag ko ang katahimikan.
"Wala ka talagang balak sabihin kung anong pangalan mo?"
"Ako si natoy na mahal na mahal ka"
Putang ina baliw na nga sya, inirapan ko na lang ito at dali-daling tinapos ang pag kain ko gusto kung makaalis sa harapan ng lalaking ito baka masapak ko lang ito.
"Oh! saan ka pupunta"
"Alam mo wala akong panahon makipag usap sayo no name" sabay alis sa harapan nito.
Narinig ko lang itong tumawa baliw talaga ang daming baliw ngayon ah! Kailan ba sila madadala sa mental hospital.
BINABASA MO ANG
Echoes Of Yesterday
RomanceIt's about the people you love and the memories you create. It's all about the love you shared together, a love that fire. Fire like no one can replace. Tama nga bang iwan ang taong minsang bumuo sayo! Ang taong minsang nag pasaya sayo. Being a week...