II - PATHS CROSS
A/N: I’m not a professional writer and my knowledge has its limits, so I always search before putting anything here. If I’ve provided any incorrect information, feel free to correct me. Thank you.
Imogi’s POV
Maaga akong bumangon upang maghanda ng agahan. Dumiretso ako sa kusina at naghagilap ng maluluto. Nang mamataan ko ang pancake mix, iyon na lang ang kinuha ko at hinanda. Dahil naaabala ako ng buhok ko, itinali ko muna ito bago inabot ang apron at nag-umpisa nang kumilos.
Habang nagsasalin ako ng batter sa kalan, biglang tumunog ang selpon ko. Inabot ko ito gamit ang isang kamay at inipit sa pagitan ng aking tainga at balikat bago sinagot. Patuloy lang ako sa pagluluto habang hinihintay siyang magsalita.
“Pumasok ka na bukas,” sabi niya. “Order ni Chief.”
Napatango ako kahit hindi niya nakikita. “Okay,” sagot ko.
“Magpasa ka bukas ng report sa kung anong nangyari last week. Stress na naman ang matandang ‘yon dahil sa’yo,” patuloy niya, kasunod ng mahinang tawa.
“Hanggang ngayon ay galit pa rin?” tanong ko bago binaliktad ang pancake.
Isang linggo na ang nakalipas simula nang rumesponde kami sa El Salvador University at isang linggo na rin akong hindi pinapasok sa trabaho. Sa pitong araw na iyon, nandito lang ako sa bahay. Nagtatrabaho pa rin naman ako dahil pinapasahan ako ni DK ng mga impormasyong makakatulong sa imbestigasyon namin, at isa-isa ko iyong pinag-aaralan. Ang bawat detalye ay binibigyan ko ng pansin, umaasang na makahanap ng butas sa kaso.
I was detained for 1 week by the Chief himself. Nang makabalik sa presinto ay nakaupo siya sa upuan ko habang naghihintay. Nang makapasok sa opisina ay hindi ko alam kung gusto niya ba akong sigawan o pagsabihan ng kalmado, tataas at hihina kasi ang boses nito kapag mapapatigil siya na akala mo ay may naalala.
“Sabi nila AJ ay nagpapanggap nalang daw kasi noong tumawag ang direktor, galit raw si Chief pero nang matapos ang usapan, sinabing pagsabihan ka raw ni Capt. Para hindi na maulit.” Sagot nito at may narinig akong tipa ng computer.
“Presinto ka?”
Nang matapos sa paggawa ng pancake ay pinatay ko na ang stove at nilapag sa lamesa ang dala. Lumapit naman ako sa istante ng mga powder at nilabas ang gatas. Nagtitimpla ng maiinom patuloy kong kausap si DK sa kabilang linya.
“Hindi ako umuwi kagabi pero sila Lem umuwi.” Saad nito.
“Did you find anything else?” ani ko.
Nang may maalala ay inabot ko ang chocolate syrup at strawberry. Kinuha ko rin ang maliit na molder na hugis Doraemon at binakat sa pancakes. Matapos gawin iyon ay binalik ko sa kausap ang atensyon.
“Nothing. Sa totoo nga niyan, malapit na akong makumbinsi ni Alex na maghintay na lang sa susunod na krimen para makahanap ng ebidensya.” Buntong-hiningang pahayag niya. Naririnig ko sa kaniyang tono ang pagkadismaya.
“Mahahanap din natin ‘yan,” sabi ko na lang, sinusubukang palakasin ang loob niya. Alam kong magkakaroon din ng pagkakataon na mag-iiwan ng bakas ang kriminal na ‘to.
Mayroon kaming nakalap na ebidensya, iyon ay ang sinabi ng isa sa forensic team. Iyon ang mga dokumentong pinasa sa akin ni DK noong nakaraan. Nagtripleng suri lang ako sa mga identidad ng mga taong posibleng kilala rito sa Pinas sa pagiging eksperto sa mga kemikal pagdating sa gamot.
YOU ARE READING
My Innocent Love
ActionHaving the ability to remember even the smallest details, Imogi took that opportunity to work as a detective and was assigned as the youngest lieutenant on the team. With the help of her subordinates to unlock all the mystery crimes going around, un...