IX - JUXTAPOSITION
Imogi's POV
“Gano’n ba? Sige, maghahanap muna ako ng makakasama mo. Hindi ko rin naman kasi pwedeng basta-basta ka nalang hayaan mag-isa.” Sabi ni Captain habang papasok ako sa opisina.
“No need for that. I just ask for further information regarding this case.”
Nagtitipa ako sa selpon nang biglang napahinto at kumunot ang noo ko. May isa pang boses akong naririnig, at ito ay mula sa isang babae. Mabilis akong bumalik ang atensyon sa kausap ko nang mag-reply ito. Sakto pa ay may kumalabit sa aking likuran, kaya lumingon ako at nakita si Christian.
“Lieutenant, alam mo ba ang number ni Daniel? Hinihingi kasi ng babae doon.” Sabay turo niya sa isang direksyon. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang isang babae na tila kanina pa umiiyak.
“Sino ‘yan?”
“Kapatid ng drug dealer na nahuli nila si Lem. Umaga pa lang andito na at nagmamakaawang ilabas sa kulungan ‘yong kuya niya.” Sabi niya habang ako’y sinagot ang tawag na nagmumula sa aking selpon.
“Bakit hinihingi ang number ni DK?”
“Gusto raw niya makausap si Daniel at ipaliwanag na hindi kayang gawin ng kuya niya ‘yon. Wala pa sila rito, kaya sa’yo ko na hiningi.”
Tumango ako at kinuha ang ballpen at maliit na notebook sa tabi. Yumuko ako upang isulat ang numero ng kaibigan habang pinakikinggan ang kausap sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko sa narinig, hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.
“Anong sabi mo?” tanong ko bago tumayo ng tuwid at pinunit ang papel.
“I wasn’t able to close the deal for 60 million.” Sabi niya.
Inabot ko ang kapiranggot na papel kay Christian habang ito ay paulit-ulit na tumitingin sa akin at sa hawak niyang papel. Tinaasan ko siya ng kilay, isang indikasyon na nagtatanong kung bakit may bahid ng pagtataka sa kaniyang mukha. Tumingin din naman siya sa akin bago itaas ang papel at nagsalita ng pabulong.
“Kabisado mo?”
I slowly nod my head while knitting my forehead. Sunod-sunod din naman siyang tumango bago sumenyas na lalabas. Humawak ako sa tuwalyang nakasabit sa aking balikat at pinunasan ang leeg dahil may butil pa ng tubig dito. Kakalabas ko lang ng banyo para maghilamos, at saktong paglabas ay nagpadala ng mensahe si Money tungkol sa pabor na hiningi ko sa kaniya.
“Then close the deal for 100 million,” I replied and turned around. Saktong nandito pala si Capt kaya maliit akong ngumiti sa kaniya.
“Seryoso ka ba? Marami pa namang condominium diyan na mas may better accommodation and spacious. Do not settle your money for something that doesn’t even include the furniture and appliances!” asik nito, halatang naiinis na.
“Ikaw ba ang titira?” tumalikod ako sa kasama upang masagot itong isa.
“Imogi, what I am trying to say is that there is so much---”
“Kapag hindi pa rin pumayag, itaas mo lang nang itaas ang presyo. Do not hesitate to end the deal with 1 billion if that happens. Kailangan ko ‘to, I need this condo.”
I really, really need this one. Bilang proteksyon na rin para kay Iñigo kapag may nangyaring hindi maganda.
She defeatedly heaved a sigh before dismissing our topic. “Fine. Hindi ko naman pera ang mawawala at alam kong alam mo naman ang ginagawa mo. Anything else?”
“Ilipat mo na ang mga gamit sa apartment papunta sa condo. Huwag mo lang galawin ang nasa kwarto ko. Ako na ang bahala roon.”
“Parang sigurado ka nang papayag si Mr. Fukimoto ah? Gano’n kataas tiwala sa presyuhan, Imogi?”
YOU ARE READING
My Innocent Love
ActionHaving the ability to remember even the smallest details, Imogi took that opportunity to work as a detective and was assigned as the youngest lieutenant on the team. With the help of her subordinates to unlock all the mystery crimes going around, un...