VII - DUAD
A/N: The portrayal in this scene might not accurately represent real-life situations or procedures. It's important to remember that this is a fictional story, so some parts might not be entirely realistic.
I’m not a professional writer and my knowledge has its limits, so I always search before putting anything here. If I’ve provided any incorrect information, feel free to correct me. Thank you.
Imogi's POV
Nakapatong ang jacket sa aking braso habang pumasok ako sa presinto. Naglalakad pa lang patungong opisina, alam ko nang wala ako sa sarili. Sariwang-sariwa pa rin sa aking isipan ang mga kaganapan kanina. Ang dapat masayang araw kasama sila Mharu ay nauwi sa isang insidenteng nagdulot ng takot sa aking kalooban.
“Magandang araw sa’yo, Imogi,” bati sa akin ni AJ nang pagbuksan ako ng pintuan. Doon ko lang din namalayan na kanina pa ako nakatayo.
Tumango lang ako sa kaniya bago nagtungo sa aking lamesa. Nilapag ko ang aking mga gamit sa ibaba at pinatong ang kamay sa upuan. Tiningnan ko silang apat na mukhang naguguluhan sa akin kaya huminga ako ng malalim bago nagsalita.
“Bakit wala kayo kanina sa scene?” tukoy ko sa kasong umusbong kaninang madaling araw lamang.
Sabay-sabay na nangunot ang kanilang noo bago nagkatinginan. Si DK ang unang sumagot para sa kanila. “Merong kaso ulit? Wala kaming natanggap na notice.”
Sakto namang pumasok si Capt kaya lahat ay napalingon sa kaniya. Nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming lima at halatang naguguluhan. Sa paraan ng kaniyang pagtingin sa amin ay para niya kaming nahuling pinagsasalitaan siya ng masama dahil biglang sumama ang tingin niya sa aming lahat.
“What?” parang inaaping hayag nito.
“May kaso na naman kanina. Bakit wala kaming natanggap na abiso?” ani Lem.
“Wala ba?” kunot-noong asik ni Capt at kinuha ang kaniyang selpon. “Hindi pala nagsend ang message ko sa inyo kanina. Nagmamadali kasi ako at hindi rin naman kayo matawagan. Si Imogi lang ang sumagot.” Imporma nito at naglakad sa kaniyang pwesto habang may bitbit na malalaking kahon.
“Pasensya na, Imogi, pero may kaso rin kasi kami kaninang pinuntahan. Natagalan kami makabalik dahil nakipaghabulan pa sa amin ‘yong isang drug dealer.” Salita ni AJ at nanghihinging tawad na ngumiti.
Tumango nalang din ako dahil wala rin naman nang mababago at nangyari na. Kinapa ko ang likod ng aking ulo bago napangiwi. Pahilom na nga ‘yong bukol sa aking noo pero may bago na naman sa likod. Pero mas mabuti na rin ang ganito, hanggang bukol lang dapat at hindi saksak ang matatamo.
“Ano ‘yan, Capt?” rinig kong tanong ni AJ habang ako ay naglakad sa mini kitchen dito.
“Mga impormasyon no’ng huling biktima. Madami-dami dahil napag-alaman kong ex convict pala ‘to na nakalaya tatlong buwan ang makalipas.”
Inabot ko ang isang tasa at nagsalin dito ng mainit. Balak ko magkape dahil nauuhaw ako at sabayan pa ng antok. Pagkabalik ko kanina sa bahay ay wala namang nabago o nawala, pero kailangan kong lumipat ng tirahan dahil delikado. Hindi ako p’wede maging kampante lalo na at malapit lang sa amin ang pinangyarihan ng krimen.
Kasalukuyang nasa kay Mharu si Iñigo kasama si Nadia. Napagpasalita ng kaibigan ko ang mga lalaking sumugod sa penthouse at ang huling sabi niya sa akin ay hinihintay na lamang niya ang approval para sa arrest warrant. Ang may gawa pala nito ay isang mayamang negosyante na pinagbantaan siyang papatayin kapag hindi naipanalo ang kaso ng anak nitong may pinisikal na nobya.
YOU ARE READING
My Innocent Love
AcciónHaving the ability to remember even the smallest details, Imogi took that opportunity to work as a detective and was assigned as the youngest lieutenant on the team. With the help of her subordinates to unlock all the mystery crimes going around, un...