X - ATONE
Imogi's POV
“Why aren’t you eating yet?” she asked while arranging the utensils.
“Ahm..” I scratched the back of my head, unsure of what to answer. “..Busog pa naman ako..”
She wiped the utensils with a tissue and raised an eyebrow at me. “Not hungry? But your stomach was rumbling earlier.”
Nahihiya na nga sa nangyari, inulit pa. Sige, Nacionales, tanggalin mo lahat ng kahihiyan ko sa katawan.
“Kanina ‘yon, busog na ako ngayon.”
I didn’t hear anything else from her, so I let out a small sigh before glancing outside. We were still in San Pedro because a sudden downpour had trapped us. Her car had been towed away, leaving us stranded. DK and my other colleagues weren’t available to pick us up either due to another case. The team that apprehended Mayor Garcia had taken an alternate route, so we missed crossing paths with them.
Ngayon ay nandito kami sa loob ng maliit na lugawan dahil pareho kaming gutom saka umuulan, tamang-tama lugar para sa malamig na panahon.
Hindi ko nga inakala na kumakain pala siya ng ganito. Siya pa mismo ang humila sa akin papasok dito at napipilitang nag-order dahil ayoko. Isa sa kaaway ko, ang humarap sa mga tindera kapag may bibilhin.
“Eat, Verganio,” saad nitong muli. Tumingin naman ako sa kaniya at umiling.
Napalunok ako nang makita siyang iniihipan ang mainit na lugaw bago ito kinain. Napahawak ako sa aking tiyan dahil rinig ko ang mahinang tunog na nanggaling dito. Mukhang napansin niya naman ito kaya natigilan siya at muli akong sinulyapan.
“What’s the real issue here? Don’t you like porridge? Then buy something else to eat. Use my card.”
“Ito na, kakain na,” mahinang sagot ko. Ako bibili? No way.
Inabot ko ang kutsara sa kanang banda at umihip sa pagkain dahil umuusok pa. Isusubo ko na sana nang biglaang may nagbalik na memorya sa akin, kaya nabitawan ko ang hawak at kumakamot sa lalamunan na inabot ang tubig para uminom.
“I’m sorry, hintayin nalang kita matapos.” Paghingi ko ng paumanhin at pinunasan ang gilid ng labi.
I turned to her, sensing her intense stare on me. Her gaze felt like it was penetrating through me before she let out a soft sigh. Without a word, she reached for my porridge and exchanged it with hers. I followed her gaze, uncertain of how to respond to her unexpected action.
“You should have told me.”
Hindi nalang ako nagsalita at sinabayan na rin siya sa pagkain. May bahid ng hiya akong bahagyang yumuko dahil nakikita ko siyang nakatingin sa akin. Mukhang pinapanood ang aking magiging reaksyon. When she noticed that I liked what was laid out on the table, she shook her head slightly and continued without a word. I caught a glimpse of her fleeting smile, which vanished as soon as our eyes met.
Teka nga lang, bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? It should be normal. Kumakain lang naman kami rito pero nagpapansin pa talaga.
“Aren’t you going to eat your egg?” maya’t mayang tanong niya. Napatingin naman ako sa kaniya at nahuli itong titig na titig sa aking itlog. Napapalunok pa nga.
“Gusto mo ba?”
“No..”
“Sa’yo nalang, hindi naman ako kumakain ng itlog.” Pahayag ko at inabot ito sa kaniyang lagayan.
“Are you sure? I can just order.”
“Oo,” pagsisinungaling ko. Siya ang nagbayad nitong kinakain namin, nakakahiya naman kung hindi ko ibibigay iyong itlog ko.
YOU ARE READING
My Innocent Love
AksiHaving the ability to remember even the smallest details, Imogi took that opportunity to work as a detective and was assigned as the youngest lieutenant on the team. With the help of her subordinates to unlock all the mystery crimes going around, un...