XII - SO GOOD YET SO WRONG
Imogi's POV
“Huwag mo kasing pagalitan!”
“Paanong hindi? She almost lost her life!”
“Eh anong gusto mo? Forget the fact that Iñigo was there and just save her own ass? Imogi is a mother, Mharu! You can’t expect her just to sit down knowing her son is in danger!”
“P’wede niyang hintayin ang mga bombero, Raven! What is the purpose of it---”
“Sorry na nga ‘di ba?” putol ko sa sasabihin pa ni Mharu at niyakap siya sa bewang. “Stop shouting please, sumasakit tainga ko sa inyo.”
“Oh, bakit ka biglang tumahimik? Kanina pa kita pinapatahimik pero ayaw mo. Nang si Imogi nagsabi, bigla mong ginawa.” Mataray na sambit ni Raven at inirapan si Mharu. Sinilip ko naman siya at nakitang nakaiwas tingin ito mula sa akin. Ayaw ipakita ang mukha.
Bakit gano’n? Bakit napapaligiran ako ng matataray na tao? Mabait naman ako, bakit sila hindi?
“I was worried, hindi ko alam ‘yung gagawin kahapon..” mahinang saad ko at mas hinapit pa siya palapit sa akin. “And I know that I made you worried too.. So, I am sorry,”
“Ito lang pala ang dahilan para magkita-kita tayo. Sana matagal ko nang sinakal ‘yong sarili ko ng stethoscope.” Komento ni Raven sa gilid at lumapit sa amin. Dinaluhan niya kami sa yakap. “I miss you both.”
Nang lumayo sila sa akin ay muli akong umayos ng pagkaka-upo sa kama. Tinanggap ko ang inaabot na strawberry ni Mharu at tinuro ang higaan. Nakuha naman nila iyon atsaka naupo sa aking harapan. Napangiti ako nang pinagbalatan ni Mharu si Raven ng apple dahil gusto kumain ni gaga.
“Kumusta kayo ng boyfriend mo?” pangungunang salita ni Mharu. “Pinapabayaan ka ba no’n? Bakit parang pagod na pagod ka?”
“We broke up,” kibit-balikat at kaswal na sagot nito. Natigilan naman kami ng isa. “Binalikan ang ex niya.. Ngayon..” ngumisi ito ng nakakaloko bago kumagat sa prutas. “Ako type ng ex ni gago.”
“Bakla ka?” bulalas ni Mharu. Raven chuckles.
“Bakla kayo?”
I and Mharu both snickered because of her question. “I’m straight.” We uttered.
Biglang humalakhak ng tawa si gaga habang may pahampas-hampas pa sa balikat ni Mharu. Ang isa naman ay nainis dahil doon kaya tinulak siya paalis ng kama. Pero mabilis din naman sinalo nang mahuhulog na ito sa sahig. Napailing naman ako dahil doon, ang kukulit pa rin talaga.
But Raven’s question linger for a moment as I found myself, questioning my sexuality.
I’m straight, right? I mean, I know for myself that I’m not gay just like what Raven is saying. Lumaki akong lalaki ang gusto ko. Si Mharu? Ibang usapan siya. My admiration for her isn’t that serious. Nararamdaman ko lang ito dahil mga bata palang kami, siya na ang nasa tabi ko.
At isa pa…
I enjoy wearing dresses and heels, and I also like using makeup. One of my favorite colors is pink. I don’t hesitate to show my girly side. I appreciate receiving compliments about my appearance. Acts of chivalry make me smile and blush. I love it when someone does things for me, especially when they notice the little things about me.
Aren’t these preferences enough to contradict what Raven said?
“Huwag mo ‘kong tinatarantado, Mharu,” umiiling na pahayag ni Raven. Mataray na tumaas ang kilay ng isa, para bang nagtatanong kung bakit. “You like a girl befo---”
YOU ARE READING
My Innocent Love
ActionHaving the ability to remember even the smallest details, Imogi took that opportunity to work as a detective and was assigned as the youngest lieutenant on the team. With the help of her subordinates to unlock all the mystery crimes going around, un...