CHAPTER 5

587 41 7
                                    

V - VEXATIOUS

A/N: I’m not a professional writer and my knowledge has its limits, so I always search before putting anything here. If I’ve provided any incorrect information, feel free to correct me. Thank you.

Imogi’s POV

“Wala, wala akong naririnig.” Sagot ko at tinakpan ang tainga.

“Imogi naman,”

“Lalalalalalalalalalalala,”

“Imogi, stop that,”

“Lalalalalalalalalalalala,”

“Imo---”

“Wala akong naririnig, DK.” Putol ko sa kaniya.

“Utos ‘yan ni Chief sa’yo.” Napabuntong hininga naman ako sa narinig at tumigil na.

“Ayokong pumunta sa firm no’n. Sabihin mo kay Chief, kung gusto niya, siya kamo ang pumunta roon.”

Pinipilit ako ng mga ‘to na puntahan sa firm si Attorney Nacionales para maghatid ng prutas bilang pasasalamat. Ano ‘yon, may lamay? Masama ang loob ko ngayon, nagsinungaling siya kahapon sa maraming tao. Ngayon pinapapunta nila ako sa kaniya na akala mo ay hindi mali ang ginawa nito. Sa ganitong lagay ay pare-pareho na sila eh. Lalo na si Chief.

“Imogi naman. Magagalit na naman ‘yon,” kamot sa pisngi niyang sabi.

“Magalit siya, galit din ako. DK, nagsinungaling si Attorney sa harap ng maraming tao. Makatwiran ba ‘yon?”

“Pero ‘di ba sa ibang pangitain ay tama naman ang ginawa niya? Nahuli na ‘yong mga estudyanteng na nag molestiya at higit pa roon, ang mga kasali sa panloloko sa atin ay naparusahan. Hindi pa ba sapat iyon? Hindi ka rin nakulong.”

“Nagsinungaling pa rin siya. It wasn’t a self defense, wala sa dalawang estudyante ay sinubukan akong saktan. Alam mo ‘yan pero bakit kumakampi ka sa kaniya?” sagot ko at hinarap siya.

“Kasi ang mahalaga sa akin ay hindi ka napatalsik o natanggal sa posisyon mo. Kung inamin nga ni Attorney ang tunay na nangyari sa ginawa mo, hindi lang ang mga gagong iyon ang makukulong. Pati ikaw, Imogi, pati ikaw.” Diin niya pa sa pananalita at napabuntong hininga. “Look at the bright side, kasama ka namin ngayon. Naparusahan ang dapat parusahan. Isn’t that enough?”

Wala sa oras na napairap ako sa kaniya at binalik sa kompyuter ang tingin. Biglang sumagi sa aking isipan ang sinabi ni Iñigo noong gumawa sila ng takdang aralin. He drew me because he is proud of having me. Tinitingala ako ng anak ko pero heto ako, may nilabag na batas pero hindi ko nakuha ang tamang parusa. Dapat pa ba akong gawing inspirasyon ng anak ko kung ganito rin naman?

“Atsaka, Imogi. You were suspended for 1 week. Iyan ang parusang ibinigay sa’yo at sinunod mo naman. Ibig sabihin, you have already paid for what you did. Stop overthinking things, case closed na ang sa El Salvador. Magfocus na tayo ulit dito sa isang kaso natin.” Sabi pa nito sabay tapik sa aking balikat.

Case closed? Psh. 

“Imogi, pinapatawag ka ni Chi---”

“Oo na, oo na, eto na. Aalis na,” putol ko sa akmang sasabihin ni AJ.

Litong tiningnan niya naman ako pero tumayo lang ako at sabay hinablot ang basket ng mga prutas. Hindi ko sila maintindihan. Ang gulo nila. Bakit ko kailangan dalhin ‘to kay Nacionales kung trabaho niya naman talaga ang gawin iyon? Isang bagay lang naman ang mali niyang ginawa, ang sabihin sa media na self-defense ang aking ginawa. Binubulabog ako ng konsensya sa pagsisinungaling niya para pagtakpan ako.

My Innocent LoveWhere stories live. Discover now