Monday 7:03am“Iris! Alas syete na ng umaga gumising kana jan!”
Nang marinig ko ang sigaw ni mama agad ako bumangon sa aking higaan at tinignan ang orasan.
Alas syete na nga! Tumakbo ako pababa at muntikan natapilo sa pagmamadali, dumiretso ako sa kusina at kumuha ng pagkain.
“Yan puro ka kasi cellphone kagabi, ano may boyfriend kana?” tanong ni mama sa'kin at umupo sa tabi ko.
“Ma, wala pa po akong boyfriend. Kung meron man edi sinabi ko na sa inyo no” saad ko habang puno ang aking baba ng pagkain.
“Siguraduhin mo lang Iris”
“Opo, opo” aniya ko sabay inom ng tubig at bumalik sa aking kwarto upang maligo.
Hindi gaano kalaki ang kwarto ko, hindi tulad kay Chesa feel na feel ang pagiging prensesa.
Ang kwarto ko ay kulay white at may kaunting design ng kulay grey, meron ding led lights sa itaas at ilalim ng higaan, cabinets at sa study table ko.
Marami ding stuff toys sa aking higaan at sa gilid ang isang human size na teddy bear, regalo ito ni papa sa akin bago niya kami iniwan at sumakabilang buhay na.
Inatake nga pala siya sa puso noong kinse anyos pa lamang ako.
Natapos ako maligo at nag toothbrush na rin. Everytime na magtotoothbrush ako at naka tingin sa salamin, hindi lang sa salamin kundi sa mga pangyayari sa aking buhay parang naulit na ang lahat ng ito o siguro mayroon ako hindi naalala? Nako tumigil ka Iris malapit nang mag alas otso!!
Binuksan ko ang aking cabinet at kinuha ang uniform sabay suot nito, hindi na ako nakapag blower ng buhok at makeup dahil sa pagmamadali.
Kaya sa school nalang ako magmamake up pagfree time, magiging hagard naman pagdating sa paaralan dahil sa simoy ng mga sasakyan.
Oo nga pala nagcocommute lang ako, hindi marunong mag drive e.
“Mama aalis napo ako!” saad ko habang bumaba ng hagdanan.
“Oh magingat ka Iris” aniya nito at hinalikan ako sa pisngi.
“Ikaw din po, wag mashado kumain ng matatamis. Wag kalimutan ang sinabi ng doctor” sabi ko at hinalikan ito pabalik sabay yakap.
“Noted anak” saad ni mama at ngumiti ito.
Lumabas na ako ng bahay at tumakbo palabas ng subdivision, mabuti malapit lang ang bahay namin sa exit kaya agad ako naka sakay ng tricycle. At minamalas nga naman traffic at mausok pa!
Sinuot ko ang mask na kulay puti at nagsuklay narin ng buhok, wala talaga ako magawa pag nasa ganitong sitwasyon ako.
Nakalimutan kong tuwing alas syete malala ang traffic dito papuntang paaralan. Time check 7:45am na. Please lord bigyan nyo po ako ng sign hindi sana ako malalate.
Maguumpisa ang aming klase sa 8:20am at unang subject chemistry hindi madala sa paawa yung prof namin nyan! Napaka swerte talaga ng mga may motor o! Makakaalis ng mabilis dito.
“Iris?” isang pamilyar na boses ang aking narinig kaya tinignan ko ito at naka kunot pa ang aking mga kilay.
“Ohh, wala pa akong sinasabi galit ka agad?” saad nito.
L-lord ito po ba yung sign? Isang gwapong lalaki na naka rider ang nasa aking harapan at s-si C-cesar?!
Ako'y nakatitig lamang sa kanya habang siya ay nakangiti, ano yan crush ba ako nito kanina pa ngumingiti e.
BINABASA MO ANG
The Visitation Dream
RomanceA dream she thought was real pero sa huli nalaman nya ang totoo as well as the real reason for the disappearance of someone she loves.