Tuesday 8:32pm
Nandito ako sa kwarto nakahiga at tinititigan ang cellphone ko naka view ito sa number ni Cesar.
Hindi ako makapaniwala na binigay niya sa'kin tong number niya, I guess dito na mag sisimula ang ating kwento? Charr delulu ka selp!
Oh by the way ang pangalan pala ng transfere ay si Gabriel Smith isang half Filipino, ingles ng ingles eh marunong naman pala mag Tagalog! Pinapahirapan pa talaga kami.
Feelingero rin tong bagong alien. May gusto daw ako sa kaniya kaya raw nilapitan niya ako, harap pa mismo ni Cesar sinabi niya.
Ayan tuloy napaamin ako nang wala sa oras. Sarap suntukin yung mukha sa sobrang kapal e.
“Anak may naghahanap sayo!” saad ni mama.
Nahulog sa aking mukha ang cellphone. Sht ansakit ng nose bridge ko. Kaya napaupo muna ako at binuksan ang camera ng aking cellphone upang tignan yung mukha ko, at salamat hindi naman napano.
“Anak?! Iris!” sigaw ni mama.
“Eto na po!” aniya ko at lumabas.
Bumaba ako at tumingin sa labas pero wala roon si mama. Wala nga si mama roon pero may motor na rider sht don't tell me!
Pumasok agad ako sa bahay at pumunta sa kusina dahil rinig ko ang pag uusap ng dalawang tao. Nang makita ko kung sino iyon ang mundo ko ay parang huminto. Its him. My Cesar.
Joke lang tnga hindi ko pa siya napapatawad sa ginawa niya, pinost ba naman mukha kong hagard.
“Oh anak kumain ka ng Mango Float o, favorite mo to diba tsaka dala to ng kaibigan mo si Cesar” aniya ni mama.
Lumapit rin ako at umupo sa tabi nito habang kaharap ko sa upuan si Cesar.
“Okay ka lang ba Iris?” tanong ni mama. Dahil nakatingin ako nang masama kay Cesar.
“Ah pabayaan mo na po si Iris, ganyan po talaga sya pag gutom. Minsan nga po kinukurot ako” saad ni Cesar.
Anong pinagsasabi nitong unggoy nato? Kinukurot daw? Eh di ko pa nga siya na hawakan kahit buhok niya!
“Ganon ba pasensya nasa anak ko ha”
“Okay lang po yun, gusto ko din naman po”
Gusto niya yun? Hindi ko pa nga nagawa or baka ako gusto niya? HAHAHA.
As time passes by its already 10:20pm at sawakas uuwi narin tong unggoy na to, its true gusto ko siya pero marerecieve niya dapat ang aking pagkamaldita.
Lumabas kami dalawa sa bahay at si mama naman ay pumasok na sa kwarto nya dahil inaantok na ito.
“I'm sorry, kung gusto mo delete ko na yung picture” aniya nito at humarap sa'kin.
“Ah hindi okay lang, at least diba nagdala ka ng favorite ko kaya thank you” saad ko sabay ngiti sa kaniya.
“Sinabi ba ni Chesa yung address namin?” nagtataka kong tanong.
“Oo, wag ka magalit sa kanya pinilit ko rin sya para ibigay sakin” saad ni Cesar.
Pagkatapos ay katahimikan ang bumungad sa aming gabi, inayos na niya ang kaniyang sarili at tumingin sa akin. Pa fall talaga tong unggoy na to.
“Balita ko mahilig ka gumala paggabi, ano punta tayo sa plaza? Maganda ron nilagyan na nila ng design tsaka Christmas lights”
“Okay lang ba?” syempre hindi ako tatanggi dito.
BINABASA MO ANG
The Visitation Dream
RomanceA dream she thought was real pero sa huli nalaman nya ang totoo as well as the real reason for the disappearance of someone she loves.