Part 06 "Christmas"

7 0 0
                                    

Friday 2:07pm

Ang bilis ng pangyayari. Napaka bilis. Parang kahapon lang ay kasama kita, pero ngayon naka higa ka at walang buhay. Bakit? Bakit hindi mo sinabi ang iyong karamdaman? Bakit kailangan pang itago?

Kahit may sakit ka, nagawa mo paring pasayahin ako. Nagawa mo parin puntahan ang mga paborito kong lugar. Nagawa mo paring mahalin ako kahit kaunti na lang ang iyong Oras.

C-Cesar ito ba ang ibig sabihin mo? Kaya humingi ka ng tawad sa'kin nung araw na iyon? Dahil sasaktan mo ako. Okay lang sa'kin kung saktan mo ako, pero sa ganitong paraan? Hinding hindi ko matatanggap.

Kung alam ko lang na mangyari yun, kung alam ko lang na bukas ka mawawala. Edi sana palagi ako nasa tabi mo kahapon, sana tinawagan kita.

Buong araw ako nandito sa kwarto ko, hindi ako lumabas ng bahay ni hindi rin ako nakakain simula nung umaga. Hindi ko parin tanggap ang nangyari.

Siya ang lalaking gustong gusto ko hanggang sa aking pag tanda, alam ko mang imposible iyon pero bakit kailangan ka pang mawala?

“Iris kumain kana please” saad ni mama.

“Alam mo anak, ayaw na ayaw ni Cesar magka ganyan ka nang dahil sa kaniya”

“Alam mo na po diba? Alam mo po na may sakit siya. Bakit hindi nyo po sinabi sakin mama? Wala po ba kayong paki saking nararamdaman?” aniya ko habang umiiyak.

Oo nga pala sinabi lahat ni Cesar kay mama, kaya pala pumapayag ito kung gagala kami. Pero mas pinili nilang itago sakin.

Pinili nilang pabayaan ang aking mararamdaman sa ginagawa nila.

“Patawarin mo ako anak. Hindi ko rin alam na hindi sinabi ni Cesar sayo.” sabi ni mama.

Wala akong nasabi at nag patuloy sa paghagulgol.

“Pasensya na anak, kahit isang beses lang kumain ka”

“M-mamaya po” saad ko.

Umalis si mama dahil mamalengke ito, upang ipagluto ako ng pagkain. Gusto ko humingi ng tawad kay mama dahil nadamay pa sya rito.

Christmas nga pala ngayon. Nakalimutan ko dahil ang takbo ng aking utak ay si Cesar lamang. Mag papasko ako nang wala sya, hindi lang siya kundi si papa saka ate Alisha.

Ang pinakamamahal kong tao ay nawala. Bakit kailangan sila mawala? Ano ang aking kakulangan nang parehas silang iniwan ko. Parehas ang numero 13 pero iba ang buwan.

Rinig ko pagtunog ng aking cellphone kaya tinanaw ko ito, si Gab. Kanina pa sya tumatawag sakin pero hindi ko ito sinasagot, hindi ko pa kaya makausap sila.

Ano nga ba ang aking kakulangan ng mangyari ito sa'kin? Masakit, napaka sakit. Kung saan ko gusto makadama ng pagmamahal ay roon sila mawawala. Malas ata ako sa buhay nila.

11:26pm

Bumaba ako ng hagdan saka nakita si mama kasama ang magulang ni Chesa, mayroon ata sila pinag-usapan kaya hindi ako magbigay paalam at dumiretsong lumabas ng bahay.

Naka suot ako ng maliit na short at hoodie na kulay puti, inilagay ko ang sombrero nito saka nagpatuloy sa paglalakad.

Kitang kita ko ang saya ng mga bata dito sa amin, panay laro ng torotot saka kani-kanilang laruan. Ang iba ay nagpapaputok, maingay rin ang ibang bahay biglang nabuhay ang subdivision namin.

“Asan po ang punta nyo ate Iris?” aniya ng batang pulubi.

Kilala ako nito dahil araw araw ko sya binibigyan ng pagkain, tubig at damit nya. Ang sabi niya sakin ay tinaboy sya ng kanyang mga magulang, hindi rin alam ng bata kung bakit ang tanging alam nito ay bawal sya bumalik sa totoong pamilya nya.

The Visitation DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon