Part 05 "Disappearance"

7 0 0
                                    

Friday 11:09am

“Ohh saan si Chesa?” saad ni Gab.

“Papunta na raw siya” aniya ko.

Nandito nga pala kami sa harapan ng Jollibee sa loob ng mall, dahil gagala kaming tatlo tsaka mag celebrate kasi crinushback ako ni Cesar!

Si Chesa nalang ang aming hinihintay mga 10:36am pa kami dito ni Gab, grabe bakit napaka tagal ni Chesa?!

Hindi parin ako nakaka move on sa nangyari kahapon, sino bang hindi kikiligin buong araw non?

And he also stole my first kiss! Patay ako kay mama pag nalaman nya to. Sorry ma malandi yung anak mo!

“S-sorry natagalan ako. May emergency kasi sa pamilya namin” saad ni Chesa.

“Bakit anong nangyari?” tanong ni Gab.

“Sorry bawal ko sabihin” aniya nito.

Umalis kami at naglakad lakad sa Mall, may nakita kami isang shop at ang mga benta nito ay kpop merchandise kaya agad kami pumasok tatlo.

Nasawa saamin si Gab naging favorite niya yung Twice si Chesa naman Stray Kids, sakin is Enhypen. Napadami kami ng bili tuwang tuwa rin ang nagbebenta dahil kakaopen lang nila, pero marami na raw nabenta.

Pagkatapos namin bumili ay pumunta kami sa KFC upang kumain doon. Si Gab ang nagbayad sa lahat nilabas ba naman ang black card eh, hindi talaga to mauubusan ng pera.

“Ikaw na sugar daddy ko Gab!” saad ni Chesa at niyakap si Gab sa braso.

“Tumigil ka Chesa, si Iris lang gusto ko” aniya nito habang tinatanggal ang kamay ni Chesa sa braso niya.

“Tskk umaasa ka lang”  sabi ni Chesa at Ang pokus ito sa pagkain.

Dumating ang aming order at nagumpisa kaming kumain, parang nagmumukbang kami ni Gab dahil sa rami nang order namin. Si Chesa naman ay kaunti lang ang kinakain.

Habang kumakain tinignan ko ang aking cellphone kung may tawag o text si Cesar sa'kin, pero wala siguro ay busy lang ito.

Criminology siya balita ko marami daw ginagawa ang mga crim kahit weekends nila may pasok parin.

“Chesa okay ka lang?” tanong ko dahil kanina ko pa ito napansin na parang walang gana ito.

“O-okay lang ako” saad nito.

Napansin namin ni Gab hinahawakan nya ang kanyang tyan, at isang kamay naman sa bibig nya.

Maya maya pa ay tumakbo sya papuntang Cr dito sa KFC. Wala kaming imik ni Gab at tinignan lamang ang isa't isa, tama ba yung nasa isip namin?

“B-buntis si Chesa?” sabay naming sabi ni Gab nang mahina.

Kung totoo ito eh sino ang ama? Wala rin namang sinasabi si Chesa kung may boyfriend ito, palagi lang kasi nasa cellphone nya naka pokus.

Nang bumalik si Chesa binigyan namin sya ng tubig, at naubos nya ang isang baso naiyon.

“Buntis kaba Chesa?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

“O-oo” saad ni Chesa sabay yuko ng ulo nito.

Nagkatitigan uli kami ni Gab at tinanong kung sino ang ama nito.

Ang ama raw yung ka talking stage nya si Rhyle.

Chesa POV

Thursday 10:36pm

“Ma, Wala po ako gana kumain” saad ko.

“Kahit konti lang anak, hindi ka kumain kanina” sabi ni mama.

The Visitation DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon