N-nasaan ako? Wala akong makita. Kulimlim ang lugar na ito. Subalit wala ako maramdamang sakit sa aking katawan.Naalala ko na aksidente ako dahil iniligtas ko ang batang tumakbo sa kalsada upang kunin ang bola.
Tumindig ako mula sa'king pag-upo saka humipo sa ulo ko, wala akong madamang sakit o nahawakan dugo. Pinagmasdan ko ang paligid ngunit wala ako makita dahil sa labis ang dilim na aking nakikita.
Marahan ako naglakad upang magmasid sa aking paligid. Hindi nagtagal may nakita ako isang lalaki nanatiling nakatayo sa may ilawan, kaya lumapit ako para mag tanong.
Bagaman humipo muli ako sa aking ulo dahil sumakit ito. Nang makalapit ako sa lalaki ay wala itong imik, hindi nya siguro na pansin ang aking presensya.
"Excuse me po" saad ko.
Nanatili lamang ang lalaki sa pagtayo pero walang imik ang lalaki.
"Alam nyo po ba kung saan ang lugar na ito"
"Nawawala po ata ako" karagdagan kong sabi.
"I'm sorry" tangi sabi nito.
Napatulala ako dahil sa pamilyar na boses nito. B-boses ni Cesar? Pinagmasdan ko ang likod nito saka tinignan nang mabuti. Ikagulat ko kung sino ito. S-sya nga. Ang lalaking minamahal ko.
"C-cesar? Ikaw ba yan?"
Pumatak ang aking luha sabay ng panginig nang mga kamay ko. Hindi ako makapaniwala b-buhay si Cesar? Humarap ito sa'kin at labis ang pag daloy ng aking mga luha.
"Patawarin mo ako Iris" aniya sabay yakap sakin.
"Bakit? Bakit kailangan pang mawala ka? Bakit hindi mo sinabi sa'kin ang totoo Cesar?! A-ano ba ang nagawa ko?" patuloy sa pagdaloy ang aking luha.
"Iris pakinggan mo muna ako" kumawala ito sa pagyakap saka hinarap ako.
"Wala kang ginawa. Ako ang mayroong ginawa na hindi ko dapat gawin. Patawarin mo ako subalit bawal kita ikulong sa panaginip na ito." natanaw ko ang kaniyang malulungkot na mata.
"Panaginip?" nagtatakang tanong ko dito.
"Oo, gumising ka Iris maging matibay ka. Alam ko malakas ka wag ka sumuko. Huwag kang sumuko dahil nawala ako, sa totoo lang ayaw ko pang mamatay. Gusto ko pa mabuhay Iris dahil nais kitang pasayahin at mahalin, p-pero wala ako magawa ito na ang aking tadhana. Puwede bang mabuhay ka para sa'kin? At sa mga taong nagmamahal sayo" aniya saka pumatak ang luha nito.
"H-hindi totoo ang mga nangyari? Tanging panaginip ang lahat? Bakit hindi mo agad sinabi sakin para hindi ako umibig ng isa sinungaling na katulad ko!" saad ko saka sinuntok ang dibdib nito.
Ramdam ko ang tibay! May pandesal to!
"Sorry napaka selfish ko. Hindi ko man lang naisip ang iyong mararamdaman. Nagpakita ako dahil mahal kita Iris."
"Sana'y maging masaya ka, huwag mo pilitin ang iyong sarili na patawarin ako. Isa na akong kaluluwa na nagnanais ng iyong pagmamahal. Patawad"
Kaluluwa? Isang salita na hindi ko matatanggap. Hindi ko tanggap dahil akala ko sya na. Akala ko pang habang buhay na, pero hindi pala.
Si Cesar ang kauna-unahang lalaki na minahal ko, sa gayon napaka sakit. Masakit tila pinaglaruan kami ng tadhana.
"Hindi ba puwede magkasama tayo?" saad ko nang tingnan sya sa mata.
"H-hindi puwede Iris. Please live for me." aniya.
Niyakap ako nito saka yumakap ako pabalik. Rinig ko ang paghikbi ni Cesar, hindi ko rin natigilang umiyak. Dama ko ang paghigpit ng kanyang yakap.
BINABASA MO ANG
The Visitation Dream
RomanceA dream she thought was real pero sa huli nalaman nya ang totoo as well as the real reason for the disappearance of someone she loves.