Part 04 "Confession"

6 0 0
                                    

Thursday 7:00am

Nandito ako ngayon sa kwarto bago lang nakapag blower ng buhok, at nag make up na. Light lang make up ko yung iba kasi parang sasabak sa gera eh.

Itong light make up ko kasi sinabihan ako ni Cesar na bagay sakin, kaya why not ito nalang ilagay palagi? Para mas lalo mainlove yung unggoy na iyon. Hindi pa umaamin eh halata na gusto ako non.

“Anak bumaba kana jan!” sigaw ni mama.

“Teka lang po!” saad ko.

Inilagay ko ang lipstick na kulay pink at kinuha ang bag ko sa higaan, lumabas rin. Bakit kaya nagmamadali to si mama.

“Tapos kana?” aniya ni mama.

“Opo”

“Aba'y bilisan mo may naghihintay sayo sa labas” sabi ni mama.

Wow the improvement ha mdjo hindi na strict?

Nag paalam ako kay mama and as always hinalikan ko sya sa pisngi at lumabas ng bahay.

Pag kalabas ay nakita ko si Cesar, hinihintay niya ba ako?

“Good morning miss Iris!” saad ni Cesar.

Ibinigay niya sakin ang helmet. Taray may bago na naman siyang helmet?

“Good morning, tsaka hindi mo kailangan sumigaw hindi ako bingi.” saad ko.

“Sorry ganda” sabi ni Cesar.

Confirm gusto ako nito mga lalaki nga naman napaka halata na ayaw pa umamin.

Sumakay ako ng motor niya at umalis narin kami, ang akala ko ay diretso kami sa paaralan pero may dadaanan pala kami isang book store.

“Isauli ko muna tong libro” saad ni Cesar.

Sumunod ako sa kanya papasok at bumati siya sa mag asawa roon, sila ata ang may ari ng book store na ito.

Nagusap silang tatlo pero ang ikinagulat ko ay sign language? Marunong si Cesar non? Maya maya pa ay tumingin silang tatlo sa'kin at ngumiti na lamang ako.

Lumapit rin si Cesar sa akin dahil nabalik niya ang libro.

“Maganda ka raw sabi nila” saad ni Cesar.

“Syempre ako na to, and by the way bakit mayroon silang mga guitar? Kala ko mga libro lang”

“Member kasi si manong sa isang band noong high school siya, at doon din sila nagkilala ng asawa niya.”

“Ahh ganda siguro ng story nila”

“Parang ikaw” saad ni Cesar at lumabas na.

Parang tnga tong lalaki nato what if umamin kana sakin ha! Palabas na sana ako nang lumapit saakin si manong.

Nag sign language ito pero hindi ko maintindihan wala rin ako alam sa sign language, kaya ngumiti na lamang ako sa kanya at binigay niya saakin ang isang libro. Ito ay tungkol sa sign language, siguro gusto niya matuto ako nito.

Inilagay ko sa bag ang libro na iyon at lumabas rin dahil naghihintay si Cesar. Maya maya pa ay umalis na kami at nakita kong nagpapaalam ang mag asawa. Kilala ba nila ako?

Nakarating kami sa paaralan at ibinigay ni Cesar sa'kin ang plate na kailangan ko ipasa ngayon, akala ko nga hindi niya gagawin.

Pero nagulat ako dahil sa paggawa niya napaka straight ng lines alam na alam talaga ang ginagawa niya.

“Thank you Cesar” saad ko sabay ngiti sa kaniya.

“Your welcome miss ganda” aniya.

Nagpaalam ako sa kaniya na pupunta ako sa room kaya umalis kaagad ako, alam kong namumula ang pisngi ko.

The Visitation DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon