~※※※~
Loren"Sa'n dao?" tanong ko kay Seref habang nakahiga sa aking kama. Kakalinis ko lamang sa itaas dahil inutusan ako ni Kuya Mason. Matapos nun ay tinulungan ko pa si Seref dito sa ibaba. Kakatapos lang din namin.
"Sa Association..." tanging sagot ni Seref. Nakahiga ito sa sahig dito sa kwarto namin ni Kuya Mason. Kakatapos niya lang maglinis dito sa lower deck kaya't pagod na pagod ito. Sina Kuya Jinsei at Kuya Ulric naman, busy sa top deck at bottom deck kaninang umaga.
Wala ang Kapitan, si Ate Vice, at si Manong Navigator ngayon dahil nasa Association nga ito sabi ni Seref. Sa kontrata siguro. Siguro same nung nangyari sa akin. Susugatan ang kamay tapos pipirmahan ang papeles. Tapos may magic pa, pero hindi naman talaga yun magic. Pakulo lang ng mga Alchemist sabi sa akin ni Kuya Ulric nung nakita kong nasunog nalamang yung kontrata. Para dao cool.
"Paano mo nalaman?" ang init. Pero mas mainit sa Tasosir dun sa Althera. Mahirap nga huminga doon tapos ang hirap gumalaw. Ako lang ang tanging human sa crew kaya't halos araw-araw akong nawawalan ng malay doon.
"Tinanong ko kay Kuya na sinabi sa kanya ni Kuya Mason na narinig ni Kuya Jinsei kaning umaga."
Antalas talaga ng pandinig ni Kuya Jinsei. Nakakatakot talaga kapag isang Asmodian. Hindi ka makakapagsabi ng masasamang salita kung nandiyan sila. Sa lahat ng mga Kuya, ayaw ko talagang makasama si Kuya Jinsei. Para kasing kakainin niya akong buhay eh. Nakakatakot talaga yung mga mata niya. At...ayaw niya sa mga tao. Ako na ang mag aadjust para kay Kuya. Ayaw ko pang mamatay.
"Loren... Loren..."
Kung sakali mang nasa peligro ako, siguro hindi niya ako ililigtas. Ang lalim ng galit niya sa mga tao o sa kung sino man.
"Loorreeen~"
Napabuntong-hinga ako. "Oh?"
"Kuha tayo mission!" naka-upo na ito sa sahig at ang gulo pa ng buhok.
"Pwede?" medyo gulat kong tanong. Eh mga bata pa kami eh.
"Oo. Eh hunting guild tayo eh. Tapos members tayo. So pwede!"
Okay. Sige. Sabi niya yan hah. Kung papagalitan kami, siya ang unang mahuhulog.
Matapos naming maghanda. Dala-dala na ni Seref yung bow niya at yung satchel niyang dala-dala ang pera namin.
Napadpad kami sa harap ng Western Association. Halos maligaw pa kami nung una pero sa ilang ulit naming paglalakad, naalala ko na kung saan yung shortcut papuntang Association.
Anlaki masyado ng gusali tapos gawang puting bato yung harap. Para kaming langgam kung ikompara sa higanteng mga pillars sa harapan. Tapos andaming tao!
"Houy, Loren!" masama niya akong tinignan matapos kong nahablot ang ilang piraso ng silver coins sa mga nabangga kong mga tao dito sa malapad at mahabang hagdanan.
"Sige ka, makukulong ka na naman tapos papagalitan nila Captain," at mabilis niya akong hinablot, kinaladkad papasok ng Association. Anlakas niya pisikali(physically) dahil Mystic siya.
Napalunok kami dahil sa matataas na nilalang ng iba't ibang lahi sa harapan namin. Abalang-abala sila sa iba't ibang mga bagay.
Hindi kami madaling napapansin ng mga tao at halos matilapon na kami papalabas ng Association dahil doon. Sumingit pa kami at pinagsiksikan ang aming sarili papuntang loob.
YOU ARE READING
Chronicles of Arcadia: The Enigmatic Adventures of the Nameless Guild
FantasyOn-going Language: TagLish