"Girls let's bar later." Pag aaya ni Eya
I mentally rolled my eyes, paano ba naman kasi puro nalang 'to alak.
"Pass"
Sabi ko habang patuloy parin sa pag type sa laptop ko.
We are here in my office, I don't know what brought them here. Isa-isa silang sumugod dito sa office para manggulo.
"Ano paba ang aasahan namin sayo." Sabi ni Elle sabay umirap naman sakin
Aba! Maduling ka sana.
"Rie, you need to enjoy your life, hindi na tayo bumabata remember." Dagdag pa ni ava
Tumayo si Eya at lumapit sa kinaroroonan ko na ikinatingin ko sa kanya.
"Ah basta, if you change your mind just call me okay?" Kumindat pa ito sakin.
"As if naman mag babago ang isip n'yan!" Suhestyon pa ni Elle
Kahit kelan talaga to, tsk!
Tumayo sa silang tatlo at sabay sabay ng lumabas sa opisina ko.
I finished what I had to finish, hanggang sa hindi ko na napansin ang oras alas syete na pala ng gabi.
Kaya pala medyo sumasakit na ang batok ko.
Nag inat inat muna ako at tumayo, inayos ko ang mga gamit ko bago umalis sa office ko.
I'm Rihan Javier, 30 years old and I am the daughter of Edward Javier and Olive Javier the owner of Javier Company. But since may edad na ang mga magulang ko, saakin na nila ito pinamana.
Pag dating ko sa bahay isang madilim at tahimik na paligid ang yumakap sakin.
Sanay na ako sa ganito simula nong mawala ang anak ko 5 years ago.
I sigh
Umakyat ako sa hagdan at tinungo ang kwarto ng anak ko.
Pag bukas ko ng ilaw tumambad sakin ang mga laroan ng anak ko. Limang taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyare.
Unti-unting nanlalambot ang mga tuhod ko hanggang tuloyan na nga akong napaluhod sa sahig.
I cried, humagulgol ako ng iyak, sobrang sakit parin hanggang ngayon. Ang lahat ay nakalimot na pero ako hanggang ngayon dala-dala parin ang sakit ng nakaraan.
Iniyak ko ang sakit sa dibdib ko, saksi ang kwartong ito sa gabi-gabi kong pag iyak.
"I'm sorry baby kung hindi ka mabigyan ng hustiya ni mommy." Sabi ko sa gitna ng pag iyak ko
Nong medyo gumaan gaan na ang pakiramdam ko kinuha ko ang cellphone sa bag ko at dinial ang number ni Eya.
Nakatatlong ring pa ito bago niya sagotin.
"Hello Rie, Why?" Sigaw nito sa kabilang linya.
Rinig ko ang malakas na tugtog ng bar.
"Can you send me the address." Sabi ko sa kanya
"Huh? Why? Wagka nang pumunta dito."
Napakunot bigla ang noo ko.
"Just send me the address eya or else!" Pag babanta ko dito