-UNEDITED-
This is it, ito na ang araw na pinaka hihintay ko, ito na ang araw ng kasal namin. Palakad lakad ako sa kwarto kung saan kasama ko ang mga kaibigan ko.
"Drie ano ba! Maupo ka nga, kanina pa ako nahihilo sayo." Saway ni Grey Sakin.
"Kinakabahan kasi ako." Saad ko habang naka hawak pa sa parte ng dibdib ko.
Hinila ako ni Asher para maupo sa tabi nito.
"Kalma, hindi ka tatakbohan ni Rihan." Natatawang turan ni Asher.
Napahilamos nalang ako ng mukha dahil sa kabang kanina ko pa nararamdaman.
"Hon, palabasin niyo na si Adriel. Mag start na daw." Rinig kong sabi ni Elle mula sa labas ng pinto.
"Ayosin mo ang sarili mo Drie, mag sisimula na." Pahayag ni France, na nakasilip sa pinto.
I composed myself, huminga ako ng malalim bago lumabas sa silid na iyon.
Nakangiting nakatingin ako sa mga magulang ko, people congratulated me. Binigyan ko naman sila ng tango at magandang ngiti.
"This is it Drie, alagaan mo ang anak namin." Saad ni Mommy Bel
"Of course Mom."
Mr. Javier, put his hand on my shoulder.
"Alam mo na, pag pinaiyak mo ang anak ko." Pananakot pa nito.
"Edwardo!" Saway naman ng asawa na ikinatawa niya lang.
Napapailing na lumapit ako kay Mommy at daddy, katabi ng mga ito si kuya na ang gwapo sa suot nitong tuxedo.
"Anak congrats." Mom hugged me.
Yumakap din ako Kay dad saka kay kuya.
"Nag bunga din ang lahat kapatid...ay matagal na palang nag bunga haha." Natatawang litanya nito. Sinimangotan ko ito na mas lalong nagpatawa dito.
"Ano ba yan! Ikakasal kana pero asar talo ka parin. Haist parang dati lang baby pa kita, ngayon nakakagawa kana ng baby." Dagdag pa na pang uurat nito.
"Kuya naman, ano ba yang pinag sasabi mo."
"Wala, I'm just happy for you." He said and tapped my shoulder.
Ilang minuto pa ang hinintay namin nang dumating ang sasakyan kung saan nakasakay ang mag ina ko.
Naiiyak ako dahil sa masayang pakiramdam, sa dinami rami naming pinag daanan sa wakas dumating na rin ang araw na pinaka hihintay namin.
Tumigil ang sasakyan at lumabas si Benjo, siya ang kinuhang driver ni Rihan.
Pero diri-diritso itong nag lakad papasok ng simbahan na ipinag tataka naming lahat.
Nasaan si Rihan? Tanong ko sa isip ko.
Anong nangyari?
Tumakbo ito papalapit sakin, kita ko ang pag aalala sa mukha nito.
"Hey, what happened?" Bungad na tanong ko.
"Drie, sila Rihan dinukot ng apat na armadong lalaki." Humahangos na sambit nito..
Para namang biglang gumuho ang mundo ko dahil sa narinig.
-
Nag pupuyos ang damdaming palakad lakad ako sa sala, nandito kaming lahat ngayon sa bahay nag hihintay ng balita, pero putcha! ilang oras na ang nakalipas wala parin kaming natatanggap galing sa mga pulis. Mga bullshit!
"Drie, calm down-"
"Fuck! Paano ako kakalma? Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang mag ina ko!" Singhal ko kay Greyselle.