-UNEDITED-
Nakaupo ako sa swivel chair ko habang nakapikit. Iniisip ko ang nangyare samin noong staycation namin sa rest house nila France.
Iyong 3 days and 2 nights namin, naging 2 days and 1 night nalang tsk. Paano ba naman kasi itong si Asher, sumama ang pakiramdam kaya kinabukasan ng araw na iyon nag madali na kaming bumalik ng manila saka ito dinala sa hospital. Hindi pala ito natunawan sa mga kinain nito, kaya nagka ganon.
Napamulat ako, when my phone ring. It was a notification that I received a message. I open the message and read it.
"Don't trust anyone."
Iyon ang mensahe na natanggap ko galing sa unknown number. Ilang araw na akong nakakatanggap ng mga ganito pero hinahayaan ko lang.
Sino na naman kaya to?
Hindi ko ito nireplyan baka kasi nampaprank lang.
Pumasok ako sa elevator at bumaba sa maintenance department, aayain kong mag lunch si Adriel, anong oras na din kasi.
Pag pasok ko sa office nito, nakakunot ang noo nito habang may ka-video call sa phone.
"Tangina niya kamo!" Inis na sabi nito sa kausap.
Napairap ako sa hangin at inis na tumingin dito.
"Stop cursing Montenegro!" Gigil na turan ko sa kanya.
Gulat siyang nag angat ng tingin.
"B-babe?" Tawag nito sakin
"Is that Rihan?" Rinig Kong tanong ni France sa cellphone
Tumango naman si Adriel at hinarap sakin ang cellphone niya.
"Hi Rie." France greeted me
Ngumiti lang ako dito at kumaway.
"Talk to you later bud." Wika ni Adriel saka pinatay nito ang tawag.
Lumapit ito sakin saka ako yinakap, pinitik ko naman ang bibig nito.
"Ikaw hah! Bawas bawasan mo yang pag mumura mo!" Panenermon ko dito, nag salute naman ito sakin.
"Para ka namang si mama." Reklamo pa nito kaya tinaasan ko ito ng kilay.
"Joke lang babe hehe"Tsk.
"Come'on let's eat."
Napakunot ang noo nito sakin na ipinagtaka ko.
"Dito sa office ko?"
Napabuga nalang ako sa hangin dahil sa kaberdihan ng utak nito. Ngali-ngali ko itong batokan, nakakaloka.
"I'm talking about lunch, Montenegro. Iyang utak mo talaga."
Ngumise lang ito sakin, jusko, kung hindi ko lang mahal to. Ang sarap ipalapa sa pating.
"Lately napapansin kong mainitin ang ulo mo babe, what's wrong with you?" Tanong nito sakin habang nag drive ito ng sasakyan niya papunta sa restaurant na palagi naming kinakainan.
"I don't know." Sagot ko dito.
Kahit ako ay hindi ko din alam, basta may time na ayoko makipag usap kasi wala ako sa mood. Pansin ko rin ang pagiging antokin ko nitong nakaraan haist.
Pag dating namin sa restaurant, agad kaming nag order saka kumain.
"Babe?" Tawag pansin nito sakin
"Hmm?"
Inangat ko ang aking ulo para makita ito.
Napalunok naman ito at nag iwas ng tanong.
"May gusto ka bang sabihin?"