CHAPTER 14

5.1K 125 4
                                    

Napapangiwi ako habang nag huhugas ng kamay, puro na kasi sugat ang palad ko. Ang magaling ko kasing boss kung ano-ano ang pinapagawa sa'kin. Akala mo'y ako lang ang empleyado niya, para ako nitong ginawang alipin. Nakakainis!

No'ng isang araw pinaglinis ako nito ng glass wall ng conference room. Ayos lang naman sana, wala namang problema. Akala ko sa loob ako mag lilinis putcha sa labas pala. Para naman akong mahihimatay dahil nasa 5th floor ang conference room bwesit!

Gustong gusto ko ng umalis dito, napapagod na ako sa totoo lang. Talagang pinaparamdam nito sakin ang salitang 'karma is real' haist.

Kaso saan naman ako kukuha ng pagkakakitaan? E wala nga'ng  tumatanggap sa'kin.

Tapos kanina pinag brushed pa ako nito ng kung ano-ano na hindi ko alam kung para saan. Hindi na ako nag tanong dahil parang bubuga ito ng apoy sa mga sandaling iyon, tsk!

"Tara na ba?" Tanong ko kay czarlene, sa labas kami ngayon mag la-lunch.

"Wait lang, wala pa si accla." Sagot nito sakin habang busy sa phone niya.

Maya maya pa'y dumating na si elmer, hawak hawak nito ang maliit na papel. Gate pass namin yon.

"Bat parang stress ka baks, hindi ba pumayag si ma'am?" Tanong ni Cora isa sa mga kasamahan namin. Mukha kasi itong probelmado.

Tumingin si Elmer sakin at sunod na tumingin kay Cora.

"Pumayag" wika nito "kaso si Adriel tinanggal ni ma'am sa gate pass."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Ano??" Sigaw ko dito saka kinuha ang papel sa kamay niya.

Napamura nalang ako sa isip, may scratch kasi ng tatlong linya ang pangalan ko, which means hindi ako kasali. At alam kong siya ang may gawa non.

Malungkot na tumingin ako sa tatlo, malungkot din na nakatingin saakin ang mga ito.

"It's fine guys, go enjoy your lunch." I smiled at them.

Czarlene hugged me and kissed my check. The heck!

Ngumisi lang naman ito sakin na parang baliw.

Kalokohan talaga ng babaeng to.

Umalis na ang mga ito, ako naman tinahak ang daan papuntang cafeteria, doon nalang ako kakain.

Kakatapos ko lang kumain nang biglang may kumalabit sakin, I turned my back. Si henry, isa sa mga security guard dito.

"Bakit po sir?" Pero hindi ako nito pinansin, busy ito sa radio na hawak niya, may kausap.

"Copy sir." Turan nito sa walkie talkie saka ako binalingan ng tingin.

"Tawag ka daw po ni ma'am." Magalang na usal nito sakin.

Napabuga ako ng hangin, ano na naman kaya ang iuutos nito? Tumayo na ako at pumunta sa office nito. Ang sarap nito ipa-DOLE pang aabuso itong ginagawa niya.

Pag dating ko, kumatok muna ako sa pintoan.

"Come in!" rinig kong sigaw niya sa loob.

Pumasok ako tapos sinara ang pinto.

"Ma'am, tawag niyo daw po ako."

Tumingin ito sakin saka tumingin sa laptop niya, nakakunot ang noo ni Rihan. As usual lagi naman itong ganito pag ako ang kaharap.

"Flirting inside my company, really Montenegro?" Sabi nito habang ang attention ay nasa laptop niya parin.

Pinag sasabi nito?

My Ex Sister in-law (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon