-UNEDITED-
Nakasilip ako sa pintoan habang nakatitig kay Andrie na ngayon nga ay kinakausap ang picture ng Mommy niya.
"Mama, I missed Mommy na po." Nag laglagan naman ang mga luha nito habang nakatingin sakin.
Lumapit ako dito at yinakap ito.
"Baby I'm sorry."
Hindi ko alam kung paano ipapaintindi sa anak ko, kung bakit wala ang Mommy niya. Ang hirap, ang sakit sa dibdib, yong tipong kailangan mo pang gumawa ng kwento para lang maniwala ito.
Pinahid ko ang luha sa mga mata niya.
"Tahan na baby okay? Let's go?"
Tumango ito sakin bago sinukbit ang bag niya, ihahatid ko siya sa school. Mamaya naman susundoin siya pagkatapos ng trabaho ko.
"Mama I want ice cream."
Tumingin ako dito at binalik din ang tingin sa daan.
"Son listen, it's early in the morning bawal pa mag ice cream okay?" Saway ko sa kanya.
"But Mama."
Tiningnan ko ito ng seryoso, kumibot naman ang mga labi nito hudyat na iiyak na siya.
Haist..
"Later, after your class 'kay?"
"But, I want it no-"
"Andrie?!"
Tumahimik ito at hindi na umimik pa hanggang sa nakarating kami sa tapat ng school niya.
Huminga ako ng malalim bago tumingin dito.
"Baby I'm sorry, but sometimes you also have to listen to mom. Para sayo din naman ang mga sinasabi ko, paano kung sumakit ang tiyan mo?" Malumanay na saad ko kay Andrie.
Tinanggal nito ang seatbelt na suot niya, lumapit ito sakin at yinakap ako.
"I'm sorry Mama, I'm sorry for being a hardheaded sometimes."
Hinalikan ko ito sa pisngi.
"It's okay baby, com'on male-late kana sa klase mo."
Sabay kaming lumabas ni Andrie sa kotse.
"Behave ka sa classroom niyo 'kay?" Wika ko sa anak ko, hinalikan ko muna ito sa ulo bago hinatid room niya.
"See you later Mama." He waved his hand at pumasok na sa loob.
Bumalik na ako sa kotse, tinahak ko ang daan patungo sa company nila Rihan kung saan ako muna ang namamahala.
It's been two years since the incident, ang lahat ay naka-move on na, nakalimot na. Habang ako ay heto parin, nilalamon parin ng nakaraan, pero sabi nga nila minsan kailangan mo rin kalimutan ang masasakit naalala para maging masaya ka sa hinaharap.
At yan ang ginagawa ko ngayon, hindi para sa sarili ko kung hindi para sa anak ko.
~
Anong oras na akong natapos sa trabaho ko, may tinapos pa kasi akong reports para sa presentation bukas.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa labas ng school nila Andrie.
"Sir magandang hapon po." Bati ko sa security guard na naka duty ngayon, tumango naman ito sakin.
"Magandang hapon din ho ma'am, sinusundo niyo po ba ang anak niyo?"
"Opo."
Nagkamot ito ng kilay.
"Eh Ma'am may sumundo na po kanina sa anak niyo."
Ganon nalang ako inatake ng kaba dahil sa narinig.
"Po? Sino naman po ang sumundo sa kanya?" Kinakabahang tanong ko kay kuyang guard.