-UNEDITED-
Present
"Drie??" Isang tawag ang nagpa balik sakin sa reyalidad.
Mabilis kong inayos ang damit ko saka ako lumabas ng banyo.
"You okay?" Tanong ni cza sakin.
Czarlene Molina, isa sa mga kaibigan ko dito sa bago kong trabaho. Isa akong janitor sa isang sikat na mall dito sa Quezon. Pagka laya ko two years ago ay dito ako dinala ng mga paa ko, charooot ng bus pala haha.
Mabuti nalang kahit papaano ay may natira pa sa savings ko, ito ang ginamit ko para mag simula. I rented a house here, nag apply rin ako ng ibat ibang trabaho ngunit dahil na rin sa estado ko sa buhay ay nahirapan akong makahanap ng trabaho. Pasalamat nalang at tinulongan ako ni Benjo, isa sa mga kapit bahay ko rito na naging kaibigan na rin.
Wala na ang mga magulang ko dito sa pilipinas, nasa US na sila nanirahan. Simula kasi mabankrupt ang company namin, binenta nila ang mga ari-arian namin at ito ang ginamit nila upang makapag umpisa sa States, kasama si kuya at ang pamilya nito. At no'ng araw nang laya ko sinundo ako nila France, at sinabi ng mga ito na tutulongan nila akong mag simula muli. Pero tinanggihan ko ang offer nila at napag disisyonan na dito nalang manirahan. Nakiusap din ako sa mga ito na wag muna nila akong hanapin na ginawa din naman nila.
"Hoy?" Tawag pa nito sakin
"Huh?"
"Haynako Adriel, wala kana naman kwentang kausap." Napailing pa ito habang sinasabi iyon.
Ay sorry naman po.
"I'm sorry may naisip lang" paumanhin ko rito.
Umirap lang ito sakin at hinila ako papunta sa isang room. Anong gagawin namin dito?
"Sorry we're late." Mahinang paumanhin ni cza sa head namin.
May meeting pala kami, ininform nito kung ano ang gagawin namin ngayong araw. dadating daw kasi ang boss namin bukas, ito ang may-ari ng companyang pinag tatrabahoan ko.
Pagkatapos naming edismissed ay pumanhik na kami sa trabahong naka assign samin, kung minamalas ka nga naman oh, sa office pa ako ni boss naka assign tsk.
Pag dating ko sa office nito ay wala na na akong inaksayang oras, nag linis na kaagad ko.
Alas syete na ng gabi ako natapos sa ginawa ko, nag punch out na ako at pumuntang locker para mag ayos ng gamit, after non ay kinuha ko na ang bike ko tsaka pinedal ito pauwi ng bahay.
Kinabukasan seven thirty na ako nagising, putek trenta minuto nalang ay malelate na ako. Dali-dali akong naligo at nag ayos ng sarili, hindi ko na nga sinakyan ang bike ko dahil baka Anong oras na ako makarating sa trabaho.
Lakad takbo na ang ginawa ko pagka baba ko ng tricycle, pero dahil hindi nga ako mahal ni lord nalate ako ng sampung minuto, haist ano ba yan.
"Aba! bat ngayon ka lang te?" Natatawang tanong ni cza sakin.
"Dumating na ba ang bisita?" Balewala ko sa tanong niya
"Oo, kanina pa. Nag iikot-ikot nalang." Sagot ni cza
Tumango ako dito habang sunusuot ang uniform ko, hindi pa nga ako nakakalabas bigla naman dumating si Elmer, isa sa mga kasamahan ko.
"Oy bakla tawag ka ni madam." Malanding Turan nito sakin.
Baklang tow
"Bakit daw?" Tanong ko sa kanya.
"Aba'y ewan, may iuutos siguro sayo." Sagot nito saka bumaling ng tingin kay czarlene "hoy babaeta baka naman gusto mo akong tulongan?" Namewang pa ito sa harap namin ni czarlene saka ito umirap.