ISANG oras na akong nakatulala't nakaupo sa study table ko habang nakatunganga sa laptop. Isang buwan mahigit ko rin 'tong hinintay pero bakit ngayon parang kinakabahan ako? Siguro dahil alam kong tiwalas ang mga magulang ko sa desisyon ko.
"Should I open it? What if I passed? But what if I failed? Gosh I don't have plan B."
"Alicia?" Gulat na bumaling ang atensyon ko sa kumatok sa glass door papuntang garden.
"Are you awake? You should be." Dugtong pa nito. I know that voice. And I know someone who would dare to use that door to enter my room.
"C-Come in!" Taranta kong sinira ang laptop kasabay ng pagbukas ng pinto at pagtayo ko. Napapikit ako ng panandalian ng hawiin niya ang makapal na kurtinang nakaharang sa pinto dahilan upang pumasok ang sikat ng araw sa kwarto.
"I bought your favorite flowers."
Pagpasok na pagpasok niya palang ay halimuyak na ng pinagsamang pabango niya at ng mga rosas at cattley na bitbit niya ang nalanghap ko.
"You changed your scent? I quite like it." Bati ko sa kanya at dumapo ang mga mata ko sa bulaklak.
"Aba, naka arrange pa. I'll put it in the vase naman." Natatawang komento ko.
"Anyways, buenos dias sunshine. Ang aga mo naman atang binili yan? I thought I said yesterday dalawa tayong bibili? Saka ba't ka dyan dumaan eh pwede namang sa main door."
Dahan dahan niyang isinara ang sliding door saka naglakad papalapit sa vase ko. Nakita kong tumingin siya sa laptop.
"Dami mong tanong. I just want you to smell these when you read the result of your admission exam. Today's the release date, right? Should I congratulate you now?"
It was an admission exam para mag masteral and specialize sa Spain after I graduated since two years naman ang validation and isa't kalahating taon ay ga-graduate na ako. I took it secretly with Reagan noong umuwi kami doon last month to visit Abuela. Secretly because I know my family will disagree.
Napakamot ako ng batok sabay upo ulit sa upuan ko. Sa totoo lang, mas gusto kong mag masteral sa London or sa Edinburgh pero naisip ko, nasa Spain si Abuela kaya mas mapapadali pag doon ako mag aaral. Saka na ang London or Edinburgh pag mag ta-trabaho na ako.
"The results are in but I wasn't able to open it yet."
Napakunot ang noo niya. "Why? I thought you're excited. You wouldn't stop talking about it last night." Aniya habang inaayos ang mga bulaklak at inalis ang mga lanta na.
"Let me arrange that."
"No, Alicia. You open the results now. Whether you like it or not, you have to face the reality."
"Pssh. Aga mo nanaman akong sinermonan." Pabiro ko siyang inirapan at binuksan ulit ang laptop. Sa gilid ng aking mata ay nakita kong sinindihan niya ang isa sa mga scented candles. He really knew me.
Ah, baka malimutan ko. He's Reagan Spade Lanzago, ang PA, bodyguard, chef, driver, at best friend ko. Lahat na sabihin natin tutal eh multitalented naman tong unggoy na to. Anak rin siya ng right hand ni papa kaya magmula pagkabata pa'y magkasama na kami.
Huminga ako ng malalim at pikit matang pinindot ang email ng school. Kinakabahan ako.
"Zhyrine Alicia Zaneta, congratulations for passing the Complutense University of Madrid admission exam with 96% total average score! Pleas-"
"What?!"
Agad kong binuksan ang mga mata ko't nakitang nasa tabi ko na si Reagan, binabasa ang email. Tiningnan ko kung totoo ba o baka pinagti-tripan nanaman ako ng isang ito.
BINABASA MO ANG
Her Dandelions
General FictionWhat if time intervenes? As the wind blew in the field of dandelions, there were a million wishes waiting to be answered, holding onto hope. Rine's wish was one of those though she was hopeless. Born in a wealthy family, Zhyrine Alicia Zaneta was ch...