KABANATA 2

16 2 0
                                    

PAGKARATING namin ni Reagan sa bahay ay nakita naming nauna sila Hermano. Nagkatinginan kami ni papa at halos manigas ako sa takot. Namumula ang mga niya, nangliliksi at halatang galit na galit.

Hindi niya ako pinansin at agad na dumiretso papasok ng bahay. Saka lang ako naka hinga ng maayos. Lumapit sakin si hermano.

"The Henzo Corporation refused to give us the land for our proposed condominium in Makati and BGC because of the incident. They said we cannot be trusted. Papa's in great fury now so you better brace yourself." He explained and patted my head, consoling me like a little girl.

"I think you need to know that, my princess. I'll tell you everything after supper." He added before walking inside the house with mama who said nothing. I bit my lower lip.

"For sure ako nanaman ang mabubuntungan ng galit." Bulong ko sabay tingin kay Reagan.

"Can you stay? I'm..." Kinumo ko ang kamao ko. Hindi pala pwede. Mapapahamak siya pag nagkataon.

"Scared? Don't be. But if you want, I will."

"Reagan, you stay for dinner. Come, help me cook." Sabay kaming napatingin kay mama na nasa pintuan.

"C-Can I join, ma?"

"No. Hindi ka naman marunong. Mas mabagal pag nasa kitchen ka." Tumingin siya saakin ng bahagya bago tuluyang lumakad na papasok. Napatitig lang ako sa likod ni mama.

Those words were like needles that pierced my heart. Gusto ko lang naman sanang maging magaling magluto. Baka sakali, gumaan ang puso ni mama saakin.

"It's okay. Keep your spirit."

Napahinga nalang ako ng malalim at tumango. Pinauna niya akong maglakad bago siya sumunod.

Dumiretso ako sa kwarto ko at si Reagan naman sa kitchen para tulungan si mama.

"Sanay na ako." Bulong ko sa sarili ko habang naka tunganga sa mataas na kisame. Ang bigat ng puso ko ngayon. Ito ang mga pagkakataong na mi-miss ko si Abuela at Kuya Ford. Gusto ko ng umuwi sa Spain but at the same time, ayaw ko rin dahil naaalala ko ang mga nangyari ng gabing nagbago sa buong pamilya ko.

Napatingin ako sa kalendaryo. January 7, 2024. Parang kailan lang noong 2017. Ang bilis ng panahon.

Tiningnan ko ang laptop sa lamesa. Tama nga ba ang desisyon ko? Ilang oras na rin akong lutang dito sa kwarto. Tambak rin ang mga papeles na kailangan kong pag-aralan.

Nahagip ng mga mata ko ang isang envelop sa gilid ng laptop. Teka, wala naman ito kaninang pag alis ko a? Kinuha ko to at napangiti. Formal letter of gratitude galing sa Helping Hands Foundation (H.F) kung saan ako nag dodonate.

Binaba ko ito nang may kumatok sa pinto.

"Alicia? Let's eat dinner." Tawag ni Reagan. Tumingin ako sa bintana. Hala, madilim na pala. Ang tagal ko ring tumunganga sa kama.

"Coming."

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Reagan.

"Por que?"

Ilang segundo niya pa akong tiningnan bago siya nagsalita.

"Your papa is still mad so... Just..." He pushed his hair back. "Just-"

"I know. I'll remain calm." Nginitian ko siya at ginulo ang buhok bago naglakad. Sumunod naman siya.

Dahan dahan akong lumakad papalapit sa kusina habang ramdam ang kaba sa dibdib ko. Huminto ako ng panandalian at huminga ng malalim. Naramdaman na may pumisil ng balikat ko.

Her DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon