KABANATA 5

4 1 0
                                    

NAKIKIPAG PALIGSAHAN ang bilis ng mga paa namin sa kabog ng dibdib ko. Hindi gaano kabilis ngunit hindi rin naman normal.

Akala ko ba no problem na ang pagka late ko? Oh baka ayaw niya na nabangga ko ang beloved son niya? No, baka dahil kay Macky. Sige Rine, gaslight mo sarili mo.

Naririnig kong naghuhulaan sila sa likod ko kung bakit ako pinatawag pero kahit anong hula ang gawin namin, masasagot lang ang tanong pag pumasok na ako sa office.

Paano pag may punishment? Eh, kasalanan ko rin naman. Tawagan ko na kaya si Reagan? Mas magaling yun makipag negotiate kaisa saakin.

Ah, hindi. This is my life so I should live it.

"Rine, break a leg. Baka mas lalo pang magalit si Dean kapag late ka na naman pumasok ngayon." Saad ni Riyo at tinapik ang balikat ko.

Huminga muna ako ng malalim bago ko tinaas ang kamao ko at kakatok ng tatlong beses pero biglang bumukas ang pinto at imbes iyon ang makatok ko, lumanding sa mukha ng bumukas. Dios mio caramba! Araw ba ngayon ng kamalasan?!

"La leche!" Hindi ko mapigilang lumabas sa bibig ko sa pagkabigla. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Pres gayon din naman ako.

Pumaibabaw sa ere ang napatid na paghinga ng bawat isa sa likuran ko.

Nasa likod niya si Dean! Hindi ko na tuloy alam kung tatabunan ko ba ang bibig ko sa kahihiyan o hihimasin ang nakatok kong matigas niyang mukha.

"Leche ako?" Kunot noo niyang tanong. Iniling ko ang ulo ko ng nagpapanic.

"¡Lo siento, señor! I mean, I'm sorry." Hahawakan ko na sana ang mukha niya pero naalala kong hindi na pala ito bata na pwedeng himasin ang mukha. Awkward.

Natawa si Pres at napahimas ng ilong niya na natamaan.

"Mauna na po ako." Hinarap nito si Dean. "Highly recommended siya sa boxing team. Ang tigas ng kamao." Kinabit balikat niya ako at tumawa bago umalis.

Ang mga audience ko naman sa likod, hindi ko alam kung humihinga pa o pinabayaan na ako.

Hindi na ako lumingon pa dahil ngayon, straight na nakatitig sa akin si Dean.

"Ma'am... you called for me po?" Dahan dahan kong tugon.

"Yeah..." Napalunok ako ng tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. Screening test ba to? "But not to punch Maverick's nose."

Narinig ko ang mahinang pagsirado ng pinto sa likod ko. Sanay ako sa lamig pero iba ata ang lamig ng aircon ngayon, gumagapang sa balat ko.

"Anyways, Ms. Zaneta, right?" Tumango lang ako respectfully. "Mackenzie told me-" Napatid ang sinasabi ni Dean nang may batang lumitaw sa likod niya.

"Teacher!" Agad siyang tumakbo at niyakap ako. Nakaka ilan na tong batang tuko na to a.

"Teacher, Granny said you will teach me piano again!" Masaya niyang balita saakin. I heard Dean released a deep breath in frustration.

"Mackenzie, I didn't say she will. I said she could IF she wanted to." She said, sibilating the word, "wanted."

Piano. Whenever I play that with Abuela and my aunt, I feel the happiest. I smiled, slowly nodding my head, reminding myself I'm no longer living the way I used to. Yeah, I'm free now.

I looked at him and caressed his chubby cheeks. "I would love to."

Macky's eyes sparkled. Looking at him, I remembered my younger self. Ganyan pala kaganda pagmasdan ang isang taong masayang masaya gawin ang bagay na gusto niya.

Her DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon