"Nabagok ba ulo mo kaninang nag formation kayo, Sir? Kaka break mo lang ah. Don't you have any plan of reconciling with Bella?" Dire diretso kong tanong, trying to keep my distance from him with an expression even Claude Monet cannot paint.
"Hindi ka ba aware sa three months rule?"
Hindi ko alam anong ire-react, sa totoo lang. Never ako nagka boyfriend o kahit fling fling man lang o ano ba ang tawag nila doon? Situationship? Aba malay ko ba.
Pero natigilan ako nang sumabog bigla ang tawa niya at kamuntikan pa ngang masamid sa sarili niyang laway.
"Pinagsasasabi mo? Masama ba makipag kaibigan?" He asked curiously in between his laughs. He even snouted like a farm pig. "Oh baka naman gusto mo, ka ibigan?" Dagdag niya pa na nang-aasar.
"Sir, isang banat pa, babanatan talaga kita."
Oh lupa, ikaw ang bumuka at ako'y iyong kainin nawa. Argh! Nakakahiya! Ang assuming naman natin, teh?
"Pft! Hahahaha! I didn't know you would react like that! Three month rule?"
Wala talaga siyang balak huminto? Nag lag na ata utak ko, hindi ko na alam anong isasagot eh. Yun naman kasi ang napapanood ko sa movies every time may nag be-break up. Sino ba kasi nag pa-uso ng three months rule na yan?!
"Bahala ka. Ginawa na akong pulutan ng mga lamok dito." Patay hiya na akong tumayo at tumungo sa big bike niya. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko pati na rin siguro ang pamumula nito dahil sa hiya.
"Ey ey! Wait! Hahahah! Seryoso, ganon talaga pagkakaintindi mo? Siguro totoo ang sinabi ni Riyo a no?"
I stopped as my ears rang. Ano na namang issue to? "Riyo? What the freakin' hell did he say?"
"Luh, wag ka magalit. Sabi niya lang na crush mo ako since yung first day na naging Commander ako ng Colors."
My brows raised in disbelief. Humalukipkip siya at nginitian ako ng ngiting nang-aasar. Okay, hold up. Wala talagang preno dila nito? Abot Mars and confidence ah?
"Shako." Tanging sambit ko't napahawak sa sintido. Sumasakit ulo ko pag kasama ko to. "Sir-"
"It's okay. Hindi ko ipagkakalat na crush mo ako, don't worry. Gwapo ako eh. Astig pa."
Magkakabagyo ata sa lakas ng hangin a? Let me barf.
"Huwag mo nang I deny. Diyan nagkatuluyan lolo't lola ko."
"What on Earth?! Hey-"
"Shh. Oo, nasa Earth tayo. Tara na, baka maging kasalanan ko pa pag nahimatay ka dahil naubusan ng dugo sa kagat ng lamok o sa hiya dahil nalaman kong crush mo ako."
Sinuot niya ang helmet saakin at dali daling pinaandar ang motor niya. I took a deep breath, trying to calm my nerves. Riyo. Riyo. Bukas ka lang.
Nagulat ako nang bumusina siya ng apakalakas. "Tara na, ganda." Pang-aasar niya pa.
Gusto kong stapleran ang bibig niya. Oo na sige na, gwapo na. Pero parang awa niyo naman, tama ng misunderstanding. Nakakainis na ha. Okay, sino ba niloloko ko? Fine. Konting attraction, meron. Konti lang. Sige, Rine. Convince mo sarili mo. Baka nakakalimutan mong hanggang July ka nalang.
Humugot ulit ako ng malalim na hininga para I compose ang sarili kong hindi sabunutan si Pres bago sumakay sa motor niya. Makikidebate na sana ako pero humarurot siya kaya sige, bukas na rin. Ako na magpapakumbaba, walang hiya.
None of us spoke during the ride and when he finally dropped me off, he gave me a teasing smile before finally leaving. It was a long day, yet the night was pretty short, and I mean it. Parang kakapikit ko palang, umaga na ulit dahil sa mga lab sheets at other activities.
![](https://img.wattpad.com/cover/359738406-288-k756773.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Dandelions
Tiểu Thuyết ChungWhat if time intervenes? As the wind blew in the field of dandelions, there were a million wishes waiting to be answered, holding onto hope. Rine's wish was one of those though she was hopeless. Born in a wealthy family, Zhyrine Alicia Zaneta was ch...