ELIANA'S POV
Ang daming ganap ngayong buwan pero mukhang mas maraming ganap sa buhay ni Rine. Kung ako siguro sa posisyon niya, magpapalit na ako ng kataohan at magtatago sa liblib na lugar.
Paano niya nagagawang kayanin ang lahat? Kamusta na kaya yun? Mugto ang mga mata niyang nag vi-video call saamin kagabi pero ang sabi niya lang, deep talk with her brother daw. Can't relate. Ako ang panganay eh.
Nagulat ako at halos masuntok ko ang taong biglang naglapat ng apakalamig na bagay sa pisngi ko. Nakahanda na ang kamao kong tumingin sa kanya.
"Kalma. Ako lang to." Natatawang sambit niya at abot sa akin ng malamig na tubig. Tinabig niya ang balikat ko para umusog ako't maka upo siya sa tabi ko.
"Iniwan mo na naman ang clinic. Ikaw talaga, hindi ako mabibigla kapag bigla kang pinaalis dito sa campus eh. Palagi kang wala sa clinic." Inirapan ko siya't ininom ang tubig.
"Tatlo kaming doktor dito kaya walang problema. Besides, hindi rin naman na ako magtatagal dito." Napatingin ako sa direksyon niya at diretso lang siyang nakatingin sa field kung saan naglalaro sila Yuki ng futsal.
"Dito sa field o dito sa school?" Hindi siya kumibo. "Uso sumagot no. Aalis kana sa Uni?"
Tumango lang siya at napabuntong hininga. Kinulang ba sa baterya to at mukhang binagsakan ng langit at lupa?
"Bakit?"
Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit pinili niyang magtrabaho dito gayong maraming magagandang hospital na qualified siya. Sa talino at husay niya ba naman sa larangan ng medisina kahit sabihing bata pa siya para maging isang doktor.
"Teka nga, bakit parang mukha kang sabog? Hindi naman ganyan ang ayos mo a?" Pag-iiba ko ng topic pagkakita kong halos tirahan na ng ibon ang buhok niyang sobrang gulo. Taliwas sa pagiging neat and clean looking niya.
Humugot siya ulit ng apakalalim na hiningang hindi ko alam saan na nanggagaling.
"Well, Reagan called me and... let's say scolded me for what had happened to your friend. He said if a scar appeared on her hand, I'm a deadmeat. I thought I'll lose my ears with his nagging. Kahapon si Seb, ngayon siya. Naiiyak na ako."
Nag pout siya na parang bata at humarap saakin. Hindi parin ako makapaniwalang kaibigan niya ang dalawang pinakamalapit kay Rine without us, ah no, without ME knowing. Sa lakas ba naman ng radar ko.
Speaking of Reagan. Sumimangot akong bigla.
"Nakakatakot ka naman. Bigla biglang umiiba mood mo."
"Pano ba naman? Asungot pala ang Reagan na yan? Argh! Ang sarap gawin bola ng mukha niya't sipa sipain. Kaasar."
Kinumo ko ang kamao ko at kasabay nun ang pagkakumos ng plastic bottle na hawak ko. Umatras siya palayo sa akin.
"Bakit? Nyare?"
"Eh kagabi kasi, habang kausap ko si Rine, bigla niya ba namang kinuha ang laptop at sinabihan kaming matulog na daw dahil gabi na at pagod si Rine saka pinatay ang call ng walang animo or one, two, three man lang. Kita mo yun? Bakit sino ba siya? Kainis, kitang nangongolekta pa ako ng balita eh."
Padabog kong hinagis ang plastic bottle sa basurahan sa gilid ng bench.
"Baliw ka. Alam mo bang nilalagnat ngayon ang kaibigan mo sabi ni Reagan? Ah, kagabi pa pala. Siguro dahil sa sobrang init ng practice match nila kahapon at saka ng paglipat niya pabalik sa dating condo nila."
Na alarma akong bigla sa sinabi niya't dali daling hinanap ang cellphone ko para tawagan si Rine.
"Kalma. Kasama niya si Reagan, rest assure na gagaling yun."
![](https://img.wattpad.com/cover/359738406-288-k756773.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Dandelions
Fiksi UmumWhat if time intervenes? As the wind blew in the field of dandelions, there were a million wishes waiting to be answered, holding onto hope. Rine's wish was one of those though she was hopeless. Born in a wealthy family, Zhyrine Alicia Zaneta was ch...